Chapter 5 - An Invitation

18 4 0
                                    

Paguwe ko din ng hapon na yon tinanong agad ako ni ate at laking gulat ko na hindi ako napagalitan dahil binawi ni Jyson ang sinabi niya.

Nalungkot ako sa isipin na hindi na ulit pupunta dito sa boarding house si Jyson dahil ako na mismo ang lalayo sa kaniya. Alam ko naman kasi na dati pa mainit na ang ulo nila King sa akin. Ramdam ko yon.

Ilang araw ang lumipas at natutuwa naman ako kay Alvin dahil hindi niya ako iniwan dahil alam niyang hindi na kami nag-uusap ni Jyson.

Hindi rin ako lumalabas ng room maliban na lang kung breaktime.

Nakaramdam ako ng gutom kaya lumabas ako para bumili sa labas ng school at sa hindi inaasahan nakita ko ulit si Burn.

Hindi ko nakakalimutan ang huling pagkikita namin na hindi manlang niya ako nginitian at kahit binati manlang. Ang laki ng pinagbago niya hindi na siya yon Burn na kilala ko na laging concern at alam ko na may pag-alala sa akin.

Pagkaabot ng sukli sa akin tumalikod na ako.

"More than words!" --BURN

Bigla akong nabingi sa lakas ng tibok ng puso ko. Ramdam ko ang malakas na kabog ng dibdib ko. Bakit ba ganito kalakas ang kaba ko? Dati naman hindi. Noon highschool kami kahit hinahawakan niya ang kamay ko ok lang. Kahit nga lagi kaming magkatabi sa upuan wala lang.

Lumingon ako at nasa katabi ko na siya.

"Pwede ba kita makausap?" --BURN

"Tungkol saan?" --AKO

Matagal bago siya nagsalita. Nilingon niya muna ang isa niyang classmate na familiar ang mukha. Huminga siya ng malalim.

"Nicky, ayaw ko makialam kasi buhay mo naman yan pero kasi kung malalaman lang ng kuya mo ang tungkol sa mga pinag-gagagawa mo siguradong hindi yon matutuwa." --BURN

Mukhang alam ko na ang patutunguhan ng gusto niyang sabihin at mukhang kilala ko na kung sino ang kasama niya. Nagpatuloy siya.

"Wag ka na pumunta sa welcoming ng sorority. Mahirap ang dadanasin mo--" --BURN

Hinawakan niya ako sa braso at bahagyang hininaan ang boses niya.

"Hindi ko lang pwede ipakita sayo pero hanggang ngayon halos violet pa ang kulay ng hita ko. Hindi mo kakayanin yon. Hindi ko kayang saluhin ka dahil sariwa pa mga sugat ko." --BURN

Hindi ko naririnig ang mga sinasabi niya dahil may mga tumatakbo sa isip ko. So Burn is now a freternity member. Bakit? Ngayon lang talaga luminaw sa isip ko na hindi maganda ang sumali sa ganon.

Bakit kailangan ni Burn na sumali? Gusto kong sabihin na bakit hindi ko alam? Bakit hindi siya nagpaalam?

Pero sino ba ako kay Burn? diba kaibigan lang ako at mas nasaktan pa ako sa huli niyang sinabi.

"--ano na lang sasabihin sa akin ni Mac kapag nalaman niya na pinabayaan kong sumali ka don?" --BURN

Binawi ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya.

"Unang-una sa lahat pakisabi sa sis mo na si King hindi ako tanga para sumali sa grupo niyo. Wala rin akong pakialam kung hindi mo ako kayang saluhin dahil hindi ko kailangan ang tulong mo." --AKO

Nanginginig ang kalamnan ko sa sama ng loob at galit na nararamdaman ko.

"At lalong hindi mo ako kargo. Hindi ko hiningi na maging pabigat sayo. Burn alam mo diba? gusto kita. But I think it was a stupid thing to like you kahit na itinutulak mo na ako palayo. Pero sana you consider our friendship." --AKO

Bestfriend ko si KuletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon