Chapter 6 - Unan

46 3 2
                                    

Lumipas pa ang mga araw at dumating nga ang friday. Usually hanggang four lang ang klase namin ng biyernes at may schedule ako ng advance class ng four to five ng hapon. Naglilinis na kami ng working table habang si Melwin buong maghapon na ako kinukulit.

"Sabeng hindi nga." --AKO

Iritado na ako kasi kahit si Erick na nangungulit na din na sumama ako.

"Wala akong gagawin don, nakikita mo diba don matutulog panay lalaki kayo." --AKO

"Tropa naman eh. Uuwe ako isasabay na lang kita." --MELWIN

Hinablot ko ang bag ko sa kinakapatungan na upuan at tinalikuran ko na si Melwin pero nabunggo ako sa parang pader.

"Aw. . ." --AKO

Hindi pala pader ang binuggo ko kung hindi si George.

"Sumama ka na. Sabi ni Melwin ako na daw ang mag-invite sayo." --GEORGE

Tameme naman ako. Ang tangkad naman kasi niya parang yon ulo ko hanggang ilong na niya. Eh kamusta naman ang height ni Erick hanggang balikat ako non. Tapos ang banggo pa niya samantalang may butil ng pawis sa noo niya.

Tapos isang dangkal na lang ang layo ng mukha ko sa kanya. Ramdam ko pa ang hininga niya sa mukha ko.

"Wala akong gagawin don." --AKO

Umiwas ako. Pero hinila niya braso ko.

"Ako na nga naginvite hindi kapa din pupunta." --GEORGE

Natatawa ako sa boses hindi kasi yon ang ini-expect ko na boses niya. Hindi masculine at handsome ang dating.

"May advance class ako till five." --AKO

"Hihintayin kita." --GEORGE

Nilingon ko ulit siya. Tiningnan ko ng pasingkit na pasipat. Mukhang di naman pa-cute.

"Bahala na kayo." --AKO

At nagsimula na akong buksan ang machine na gagamitin ko sa advance class ko. Sila naman ay lumabas na ng laboratory at naupo sa ilalim ng power house.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko habang may ginagawa ako habang sa labas alam kong hinihintay nila ako. Bakit sa sobrang sunget ng tingin ko kay George nakikita ko na pilyo din siya at mukhang siya yon tipo ng tao na hindi ko inaasahan.

Buong akala ko siya ay isang tahimik at sadyang suplado lang.

One thing that-- yes, maybe the reason why natawag ng pansin ko ang isang tulad niya.

Dahil hindi nga siya masiyadong nagsasalita at snabero pa. Isang bagay na una ko din nakita kay Burn.

Thinking of Burn again gusto ko magalit pero huminga na lang ako ng malalim at saktong dating ni Ate Tin para check niya ako.

Natapos na ako at nagpaalam ako sa kanya na sasama ako sa Taytay kina George.

"Akong bahala sa kanya ate." --MELWIN

Todo ngiti ni Melwin kay ate at dala naman sina ate pagdating sa mga kaibigan ko.

Medyo madilim na ng makarating kami at ang buong akala ko pag baba ng jeep ay andiyan na ang bahay pero hindi pa pala. 

Nilakad pa namin yon.

Si Erick ang kasabay ko sa pag lalakad marami siyang mga tanong na kung ano-ano. Mahaba naman ang pasensiya kong sagutin lahat yon. Nagstop over kami ng isang minuto sa bahay nila Erick halos malapit lang kasi sila sa tabing daan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 22, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bestfriend ko si KuletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon