Second semester na. Easy go lucky na ako. Nagulat na lang ako kasi resibo na lang ng registration ang dumating sa akin hindi ko na kailangan pang pumila para magpa-enroll inabot na yon ni Ehdz sakin.
Masiyado na akong pa-easy-easy sa pagaaral ko masiyado na kasi akong tiwala na kaya ko isa pa lagi naman akong no. 1 sa mga academics ko maliban sa Major.
Napapabarkada na din ako non at magbestfriend na kami ni Jyson at dahil isa siyang easy go lucky, maraming bisyo at member ng fraternity ay napapasama na ako sa kanila.
Even Mark na muntik na akong ligawan buti na lang hindi ako nag-Oo at pinsan ko pala (fourth cousin hindi ko na alam how come.) kaya Kuya na ang tawag ko sa kanya.
May mutual understanding kami ni Jyson kasi hindi na lang bestfriend ang turing niya sa akin. Mahal na niya ako at ako naman ay hindi pa talaga handang magmahal. I'm still incrush with Burn.
Hindi mahigpit ang dalawa kong kapatid sa akin kasi alam naman nila kung saan ako hahanapin kapag hindi pa ako umuuwe galing sa school.
Nag-iinom ako sa boarding house nila Kuya kahit minsan or madalas na nila ako pagalitan sinubukan ko din ang smoking kahit galit na galit si Kuya at walang wala sa galit ni Jyson.
Nagwalk out siya at bumili pala siya ng isang kaha para magyosi sa harap ko ng sabay sabay kaya tinigilan ko (hindi ko din kasi kaya yon usok).
At dahil nga marami akong fans na girls ang iba pala sa kanila ay member ng sorority ay may plot palang gagawin sa akin.
Papunta ako ng tindahan sa labas ng school para bumili ng makakain ng hindi ko inaasahan na makita ko si Burn naninigarilyo. Tumingin lang siya sa sakin at tumalikod, hindi ko na pinansin at napahinga na lang ako ng malalim. Pabalik na ako sa building namin ng may tumawag sa akin.
"Nicky!"
Lumingon ako. Si King pala (babae siya). Hinintay ko siya hanggang sa makalapit siya sa akin.
"May welcoming kami, ano sama ka?" --KING
Nag-isip muna ako. Alam ko ang tinutukoy niya ay sorority. Marame na din kasi akong nakakasama na member ng fraternity na kasama ni Jyson.
Nagda-dalawang isip ako. Natatakot.
"Natatakot ka? Hindi yan sa dame mo kilala marame sasalo sayo, anjan si -- (sa tawag nila kay Jyson, at Mark) hindi mo kailangan isipin kung kaya mo baka nga konti na lang matanggap mo eh." --KING
Huminga ako ng malalim at ngumiti.
"Sige." --AKO
May kakaibang ngiti kay King ng tapikin niya ako sa balikat pero hindi ko yon napansin ng mga panahon na yon. Tumalikod naman ako at nagiba ang way ko. Uuwe muna ako.
Pagbalik ko ng room namin para sa lab kakaupo ko lang ng biglang galit na lumapit sa akin si Jyson.
"Hinding-hindi ka sasali don huh?" --JYSON
"Ano?" --AKO
Tanong ko kahit pa alam ko na ang tinutukoy niya. Malamang nakarating na ang balita sa kanya dahil kay King. Hindi na ako magtataka kung pati si Kuya Mark ay sitahin din ako pero ang mas ikinagulat ko ay ang sinabi ni Jyson.
"Hindi kita makita para pagsabihan. Hindi mo ba alam na ikakasira mo yan? Hindi kita ginawang kaibigan para ma-impluwensiyahan ka ng mga ginagawa ko--" --JYSON
Binalik ko ang paningin ko sa bag ko na dapat ay bubuksan ko para kunin ang notebook ko ng mapalingon ulit ako kay Jyson.
"--at alam ko isa lang ang pwedeng makapigil sayo it's either kay Engr. ko sabihin para matanggal ka sa scholarship pero si ate Tin ang nakita ko kaya sa kanya ko sinabe." --JYSON
"Ano!!!" --AKO
Napatayo ako at kinuha ko ang bag ko. Galit kong tinalikuran si Jyson. Anong gagawin ko? Siguradong papagalitan ako ni ate Tin nito.
Palabas ako ng room ng makita ko sa may gilid ng pinto si sunget kasama niya yon lagi niyang kasamang classmate namin na si Ajie
"Mukhang LQ kayo ni Jyson Ms. Nicky ah." --AJIE
Nakangiti ito at napatingin ako sa katabi niya na walang reaksiyon. Badtrip ako kaya inirapan ko lang siya at bitbit kong paalis ang bag ko.
Isang studiyante ang muntik ko ng mabunggo ang nagsabing pinapatawag ako ni Engr. Lim sa Teachers office. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Litong-lito ako. Ang hirap naman ng pinasukan ko.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Walang pumapasok na pwedeng maging dahilan para sabihin kay Engr. Lim. Kumatok ako sabay bukas ng pinto at walang tao sa office kung hindi si Engr. Lim at si Engr. Ricohermoso na palabas na para sa susunod na klase.
Tinuro lang ni Engr. Lim ang upuan at naupo ako sa harap non.
"Kamusta nga pala mga Academics mo. Pwede ko ba makita ang class cards mo ng first semester?" --LIM
"Sige po dalhin ko po bukas." --AKO
Ilang segundong katahimikan at parehong sa ballpen niyang pinapaikot sa kamay niya kami nakatingin.
"I heard sasali ka sa sorority?" --LIM
Alam ko na ang magiging topic but even if I know it was coming, nagulat pa din ako. Hindi pa muna ako nagsalita. Tiningnan ko siya at nanatili ang tingin niya sa ballpen at binalik ko rin ang tingin ko don.
"Hindi sa pinapakialaman kita. Isa din ako sa ganyan when I'm in college pero ang masasabi ko lang walang magandang maitutulong yan sayo. Pero if you really do want to be part of them--" --LIM
Sumandal siya sa upuan at saka timingin sa akin.
"--go on. Just make sure na hindi maapektohan ang pag-aaral mo." --LIM
"I think sir, hindi ko kailangan sumali sa sorority just to prove something." --AKO
Nakangiti na ako ng makita kong nakangiti na siya. Tama ang lumabas sa bibig ko. I really don't have to be part of that fraternity para mas mapalapit sa mga kaibigan ni Jyson.
Hindi ko kailangan pilitin ang sarili ko sa isang bagay na hindi naman talaga ako oh sa madaling salita magpanggap.
Na alala ko pa na I even came to audition sa isang dance para lang maging member kasi halos barkada nila King ang kasali don pero dahil hindi ko kaya ang ginagawa nilang dirty dancing sa ibang part tumayo na ako at lumabas ng stadium.
Wala na kaming ginawa ni Engr. Lilm kung hindi magkwentuhan at dahil ilang minuto na lang lab na namin tumayo na kami pareho.
"Mauna na po ako sa inyo." --AKO
"Sige. Wag mo kalimutan class cards mo huh?" --LIM
Bago ako tuluyang lumabas ng office nilingon ko ulit si Engr. Lim
"Ahm, Sir I'm just wondering, I mean can I ask you one more?" --AKO
"Sino po nagsabi sa inyo na sasali ako ng sorority?" --AKO
Ngumiti siya sa akin.
"Hindi niya sinabi nadulas lang siya. Kasi concern siya sayo as scholar. Si King. Sana hindi to maging deal." --LIM
Umiling ako. Tama ako hindi yon sasabihin ni Jyson hindi siya sinungaling. Isa na lang ang iisipin ko ang galit nila ate. At tama si Jyson hindi niya ako ginawang kaibigan para ma-impluwensiyahan kaya ako na mismo ang lalayo bago mahuli ang lahat.
"No. Absolutely not sir." --AKO at lumabas na ako.
BINABASA MO ANG
Bestfriend ko si Kulet
Teen FictionKapag ikaw ba may bbf, mai-inlove ka? ako kasi hindi. . . hashtag never. . . but now I'm confused . . . :(