Hindi nakarating ang tatay ko sa graduation ko. Well even non elem naman ako hindi din siya pumunta pero andon siya na-aksidente pa nga siya dahil sa kagagawan ko.
Nasa Manila na sila at ng mga panahon na yon graduating naman sina ate ko sa college.
Kailangan ko tumigil sa pag-aral kasi nga dalawa pa ang nagka-college hindi kakayanin ng magulang ko.
"Tutal naman ga-graduate na sina ate mo isang taon na lang naman." -- NANAY
Tahimik lang ako. Ang totoo kasi ayaw ko tumigil, ayaw ko maiwan ng mga classmates ko kahit pa ang totoo lahat ng classmates ko mahihiwlay na sa amin, lahat kasi sila sa Manila na yon iba sa ibang bayan.
"Pero pwede ko bang i-try magexam? Please? Kahit isang exam lang sa school nila ate." -- AKO
Hindi ko pinahalatang gustong-gusto ko ayaw ko naman kasing iparamdam na gusto ko at selfish yon dating. Isa pa ayaw ko sa Manila mag-aral kung dito nga lakwatsa ginagawa ko don pa?
Gusto ko kung saan ang mga ate ko, doon din ako mag-aaral. Before graduation ang dami dami ko ng tanong:
"Anong mga course te?" -- AKO
"Madame." -- ATE
Inisa-isa nila ate sa akin kaya naman. May napili na ako sa lahat kasi ng course na available ang Mechanical na lang ang wala sa bahay. . . (i mean sa family).
Exited ako ng pinayagan akong mag-exam.
"Bakit hindi niyo siya pakuhain ng scholarship sa office of the mayor?" -- KAPITBAHAY
"Ay hindi na next year na lang ganon din mahihirapan din kami sa allowances." -- NANAY
Tahimik lang akong naglalakad galing kasi kami ni nanay sa palengke kumuha ng padala ng aking ama.
Dumating na ang result at pasado ako. Mataas ang scores na nakuha ko. . .
Dati pa, high school ako tuwing linggo nagsisimba ako at tuwing nagsisimuba ako abot hanggang dulo ng langit ang dasal ko na sana makapasok ako.
"Nay, si Nick?" -- ATE
Narinig ko ang boses niya kakagaling lang niya sa school nasa kwarto kasi ako.
"Nasa kwarto. Bakit ka narito?" -- NANAY
Tanong ni nanay. Nagdo-dorm kasi sila ate kasi malayo ang bayan para maguwian silang dalawa (isa ko pang kapatid).
"Wala. Susunduin ko lang siya." --ATE
Napaupo ako sa kama at lumabas.
"Magbihis ka pupunta tayo sa school ie-enrol kita." --ATE
Napakunot ang noo ko pero hindi ko mapigilan ma-exite. Si nanay naman ang tumanong ng tumanong habang ako ay kumukuha ng gamit pangligo.
"Bakit?" --NANAY
"Tinatanong kasi ako ng coordinator namin asan na daw yon kapatid ko na nag-exam? sabi ko hindi nga siya makakapag-aral next year na-- eh yon andon si Engr. Lim na curious kasi nga si Nick lang ang nag-iisang nagexam na babae sa Mechanical eh gusto niya magka studiyante ng babae." --ATE
Naririnig ko lahat ng yon. . .
Ako???
Eto!
^_^ O_O @_@
sobrand exited. . .
Nasa school na kami, mahiyain kasi ako. Madalas kasi ang kinakausap ko lang eh mga friends ko.
"Kapatid mo?" --EHDZ
Ehdz ang name hindi ko alam ang surname basta Assistant coordinator siya sa school na yon at gwaping.
"Kung Oo ibig sabihin hindi mo pwede salangin." --ATE
Nagsusungit ang peg. Pinapanood ko lang ang mga ginagawa ni ate. May pini-fill up-an kasi siyang form.
"Oh, Ayan huh? enrol na kapatid ko." --ATE
Inabot niya ang form kay Ehdz.
"Eh pano yon mga miscellaneous fees at saka uniform asan bayad mo?" --EHDZ
"Eh di singilin mo si Engr. Lim tutal siya naman ang may gustong pag-aralin kapatid ko." --ATE
"Ang tindi mo talaga Kath." --EHDZ lumingon sakin "Bye Nick." --EHDZ
Hinatid ako ni Ate sa pinakadulo ng building yon ang building ng mechanical at nasa may likuran lang ang building nila ate Kath. Si ate Tin malayo nasa kabilang dulo pa. At hindi ko pa din siya nakikita.
"Oh, dito ka lang may klase ako. Hintayin mo lang na ipatawag kayo para sa orientation." --ATE
Iniwan na ako ni ate kaya tumayo ako sa may pinto ng room ayaw ko pumasok kasi panay mga lalaki ang nakikita ko ng biglang--
"Hoy dito ka din?" --ALVIN
"Oo, buti dito ka din?" --AKO
Si Alvin schoolmates ko non highschool classmate siya ni Che.
"HRM ako kaya lang nahuli na ako eto na lang available." --ALVIN
"Akala ko wala akong makakasama." --AKO
"Meron, andiyan si Mark yon kapatid ni Ryan na schoolmates natin? Ayon oh!" --ALVIN
Tinuro niya ang lalaki at familiar nga ang mukha niya. May kausap siyang lalaki na cute may dimple kasi na kilala din ni Alvin dahil classmate niya sa pinanggalingan niyang school (transferee kasi siya ng second year highschool).
Pinakilala niya sa akin si Mark at si dimple (Melwin)
Sila ang nakasama ko simula ng araw na yon.
BINABASA MO ANG
Bestfriend ko si Kulet
Teen FictionKapag ikaw ba may bbf, mai-inlove ka? ako kasi hindi. . . hashtag never. . . but now I'm confused . . . :(