Chapter 3 - Worst of worse

31 5 1
                                    

My first month wasn't that hard. Masaya naman pero madalas ko maisip mas masaya pa din ang highschool paanong hindi, nakabuo kami ng friendship in just two years na parang magkakapatid.

Hindi na nga ata ako makakatagpo ng mga boy friends na tulad nila kuya na hindi lang kaibigan kung hindi tinuturing kang kapatid na ayaw ng masasaktan manlang.

Habang tumatagal nagiging close ko na si Melwin. Nakakatuwa ang boses niya maliit na parang babae. Kaya lang may pagka. . . 

Ayan yan nakatayo kami sa may gilid ng pinto ng room kapag wala kaming klase at biglang iinat at papatamain sa dibdib ko. Minsan ihuhulog ang panyo niya sa may harapan ng mesa ko at pagpupulutin titingin sa ilalim.

Sige nga? diba may pagka?

Pero hindi mo talaga pwedeng husgahan ang isang tao hangga't hindi mo pa siya nakikilala ng lubusan. Kasi si Melwin, hindi tumagal tinatawag ko na ng Tropa.

Thirty two lang kami na Mechanical na first year. Kanya kanya pa din kami ng mga kasama. Minsan ko lang makita si Burn at madalas nginingitian lang niya ako.

I really like Burn pero hindi ko alam kung love hindi pa naman kasi ako marunong ng love love na yan. Tamang crush lang ako at kapag crush ko matagalan yon.

Nagiging close ko na din mga classmate ni ate Kath, hindi nila ako ma-bully kasi takot sila kay ate Kath. Yon mga friends ni ate Tin bihira ko lang makita kasi malayo ang building nila sa building namin ni ate Kath.

Kilala din ako halos ng lahat ng studiyante dahil halos hanggang ng mga panahon na yon usap-usapan kung sino ang pioneer ng Mechanical.

Wala pang academics na nahirapan ako. Laboratory lang ako medyo hirap kasi sa bawat kilos ko marami ang pumupuna gaya na lang ng sa unang pagkakataon na gumamit ako ng isang machine hindi ko akalain na tumutunog siya ng parang may electric shock at napasigaw talaga ako at nabitawan ang hawak ko sabay napaurong sa gulat.

Hiyang hiya ako kasi napagtawanan ako non. Nilapitan naman ako ni Engr. Lim

"Ganito lang kasi oh. Wag kang matakot." --LIM

Tinuro niya sa akin at nanginginig ang kamay kong hinawakan ulit ang handle ng machine. I'm aware that all of them are just looking at me at nasa harapan ko si sungit na hindi marunong ngumiti.

"Babae ka pala?" --MARK nakangiti siya habang ginagawa ko ang actual namin.

Mabait si Mark sa akin kaya naman nakapalagayan ko na din siya ng loob agad. Madalas nga siya ang nagpapalubag ng loob ko kapag feeling ko hindi ko na kaya.

"Feeling ko kasi minamahina nila ako palibhasa babae ako." --AKO

Ang totoo ramdam ko yon pero hindi yon patungkol sa lahat. Nakita ko kasi si Mr. Sungit na may binulong don sa kaibigan niya na lagi niyang kasama tungkol sa mali kong gawa.

Eh di siya na ang magaling.

Hindi ko pa kasi kabisado ang mga pangalan nila. Hindi kasi ako nagtatanong dahil ayaw ko silang kausapin isa-isa basta alam ko yon surname niya lang.

"Hindi no. Ang galing mo nga eh. Dapat patunayan mo sa kanila na kaya mo." --MARK

"Tama yon. Jyson nga pala." --JYSON

Mula sa likod ay may nagsalita at lumipat siya sa katabi ko kaya napapagitnaan na nila ako ni Mark. Sa kahabaan ng storya kaibigan na siya ni Mark at naging close na ako sa kanila.

Nakilala ko din si Kuya Edwin na friends din nila. Simula non sa boarding house na nila kami tumatambay kapag breaktime si Boboy ang madalas kong kasama. Sa room naman si Tropa ang nakakasama ko.

Bestfriend ko si KuletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon