WIID - CHAPTER 18

13.4K 302 204
                                    

Sorry for the typo errors!

It's been a while! Haha. Comment down your thoughts about the chap and the story! Thank youuu.

Happy Reading, enjoy!

+++++++++++++++
Halik

Bakit nga ba iniiwasan ko si Kairos? Ang gulo! Ano naman kung ang nakakausap ko eh si Chronos at hindi siya? Hindi ba dapat si Chronos ang iniiwasan ko at hindi si Kairos? Why am I so affected? Pati nga ako naguhuluhan na rin eh.

Sebastian has a point, paano ko naman nasabing hindi kami close? Hindi ko naman sinasabi na iyong tipong close na close talaga, yung tama lang na magkakilala. Bigla kong naalala iyong una naming pagkikita, iyong mga araw na dumadaan ako sa room nila para masilayan siya, pati iyong pagtambay ko sa library, para titigan siya. Siya rin iyong nakausap ko sa library, iyong nag-abot saakin ng libro. May sakit nga siya noon eh, tapos yung nabili kong gamot, kay Chronos ko pala naibigay. Oo hindi kami madalas mag-usap. Pero tuwing magtatama naman ang mata namin, parang sapat na iyon para magkaunawaan kami.

Napabuntong hininga na lang ako.

Dumating na ang pasukan pero naging medyo masama ang pakiramdam ko. Hindi naman ako pwedeng lumiban sa klase dahil may exam kami ngayon... paniguradong malilintikan na naman ako. Kaya kahit ang bigat ng katawan ko'y pinilit ko talagang pumasok. Hindi ko nalang pinahalata na hindi maganda ang pakiramdam ko.

''Hassle, wala ka bang gagawin mamayang lunch?''

Napatingin ako kay Steven nang lumapit ito saakin.

''Wala naman.. bakit?'' Tanong ko.

''Hindi pa kasi nating naitatapos iyong pinagagawa noong nakaraang linggo pa, sa susunod na araw na kasi ang pasahan.'' Aniya.

Natigilan ako nang maalala iyon. Oo nga pala! Ginagawa naman namin, pero hindi pa talaga natatapos. Si Steven ang naging kapartner ko para sa activity na iyon, dapat sana si Levi pero iyon nga ang nangyari.

''Sige, saan tayo gagawa?''

Ngumiti siya ng bahagya. ''Sa library nalang, siguro?''

Library? May chansa na makikita ko si Kairos doon... pero ano namang magagawa ko? Alangan namang hindi ko siputin si Steven. At isa pa, hindi na dapat ako nagpapaapekto pa sa lalaking iyon. Ano siya sinuswerte para isipin ng isipin ko? Ha!

Pagkatapos naming kumain ng tanghalian ay pumunta na agad kami sa library. Hindi pa nakakapasok ay nasilip ko na agad si Kairos sa salamin na pinto. Nakita ko itong nakaupo sa dati niyang pwesto.

Napairap ako.

Si Steven ang nagdala nang lahat ng gagamitin naming gamit. Kahit wala naman sa'kin, di ko pa rin talaga alam kung bakit medyo kinakabahan ako habang naglalakad sa pahabang mesa na malapit lang sa pwesto ni Kairos. Iyon kasi ang mesang malapit sa may outlet, at iyon na lang rin ang halos available na mesa dahil sa dami nang babaeng nasa library.

''Nakalimutan kong magdala ng ballpen.'' Biglang sabi ni Steven kaya napatingin ako sakanya mula sa pagmamasid sa paligid.

Ano daw? Ballpen? Kinapa ko ang aking bulsa kung may dala ba ako.

My lips protruded. ''Wala rin pala akong dala.''

''Kukuha lang ako pero babalik rin agad ako.'' Aniya nang nakangiti ng konti. Ngayon ko lang napansin na mas gwapo pala siya pag malapitan.

I smiled, then nodded my head.

Ako na ang nagbukas ng dalang laptop ni Steven. Sabi niya pwede ko naman daw iyon pakialamanan dahil nandito rin naman daw kasi iyong activity namin. Habang iniintay ang pagbukas noon ay pasimple akong sumilip kay Kairos. Our table is just two table away from his side.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 04, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WHAT IF I DIDN'T (ON HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon