WIID - CHAPTER 12

5.9K 156 30
                                    

Sorry for the typo errors!

Still busy writing my manuscript sa librong ipupublish ng FPH. Excited na talaga ako! Sana suportahan niyo ako doon! Hihi.

Happy Reading, enjoy!

+++++++++++++++
The Fall

Hindi ako makaalis sa building. Ang lakas kasi ng ulan. Wala pa naman akong kasamang umuwi. Yung mga kaibigan ko kasi umuwi na. Nagpaiwan ako dahil may hiniram pa akong libro sa library. Pagtingin ko sa labas ng bintana, umuulan na. Di ko naman akalaing uulan ng malakas. Edi sana di na ako na muna hiniram iyong libro.

Kainis. Badtrip!

I sighed while smiling. Natagalan pa kasi ako dahil dun sa lalaking tinitig-titigan ko sa library. Eh kasi naman ang gwapo niya! Tapos mukhang ang tali-talino pa, mukha ring seryoso sa pag-aaral. Konti nalang kaya ang lalaking ganon ngayon!

Umalis lang ako nung napansin nitong tinititigan ko na siya. Nakakahiya kaya! Baka sabihin siya stalker ako.

Medyo napa-atras ako ng ilang hakbang nang maabot ako ng ulan sa aking kitatatayuan. Mahangin rin kasi ang hangin.

''Hala, wala pa naman akong payong!'' Mahina kong sabi habang tinitingnan ang sobrang dilim na kalangitan. Mukhang di na ito titigil.

''Here, you can take mine.''

Mabilis akong napalingon nang may magsalita sa aking tabi. Umawang ang labi ko nang makita ang sobra sa pagka'gwapo niyang mukha.

Holy cow! Am I in heaven?

I squinted my eyes. He looks familiar... Uminit ang pisngi ko ng makita kung sino ito. Siya iyong lalaking nakita ko sa library na seryosong nagbabasa ng libro! Yung todo kong tinititigan!

Anong ginagawa niya dito? Ito ba ang sinasabi nilang tadhana? Kami na ba ang nakatadhana?!

''Ha? Hindi na..'' Nahihiya kong sabi. Ngumiti ako dito at tinanggihan ang payong na nakalahad sa harap ko.

''Namumula ka na. Magkakasakit ka lalo kung magpapaulan ka.'' Aniya sa seryosong boses.

Naguluhan ako sa sinabi niya. Akala niya ba namumula ako dahil magkakasakit ako? Assuming rin pala toh! Di ba pwedeng ang gwapo niya lang mula?

Tumitig ako sakanya. May ganito pa palang ka'gwapong tao? I mean, he look so perfect. His thick eyebrows, strong jaw line, that red lips, and damn that pointed nose, it looks so fictional. With those pitch midnight black eyes, para itong lumabas sa libro. Parang ang sarap palagi nitong titigan. Para akong nakatingin sa madilim na kalangitan habang kumikinang ang mga bituin sa kanyang mga mata.

I sighed dreamily.

Gwapo na, matalino pa. Sobrang swerte ng mapapangasawa nito for sure. Sana swerte rin siya sa mapapangasawa niya.

''H--hindi na talaga, o--okay lang naman ako.'' Nauutal utal kong sagot.

Gusto kong paypayan ang sarili ko. Para akong lalagnatin sa mga titig niya. Para rin naman akong tanga sa kakatitig sakanya habang nakangiti. I hope he doesn't find me weird.

''Pagabi na. Ayokong mapagalitan ka ng mga magulang mo dahil umuwi ka ng basa.''

I bit my lip. ''Hindi naman nila ako mapapagalitan.''

He sighed. Mukhang napapagod na ito sa pagkumbinsi saakin. Teka, anong gagawin ko?! Ayoko naman ng bad impression, ito pa naman ang unang paguusap namin!

Tumalikod ako at nagisip ng mabuti. ''Kunin ko nalang kaya iyong payong? Kailangan ko rin naman kasi. Ayoko namang mabasa iyong gamit ko. Andito pa naman yung math kong notebook, di pwedeng mabasa iyon. Lalo akong magiging bobo sa math nito! Masyado kasing akong -- ''

WHAT IF I DIDN'T (ON HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon