WIID - CHAPTER 1

10.3K 223 21
                                    

Sorry for the typo errors!

Sabi ko uumpisahan ko to pag tapos na si Void. Pero di na ako makapag-intay eh. Hahaha. Let's welcome the new characters in this new story! Hihi. Comment down your thoughts? Lovelots!

Happy Reading, Enjoy!

++++++++++++++++
WIIDChapter1 - Boyfriend

''A group of famous architect from Barcelona has already arrived in the Philippines! Headed by the De Luca -- ''

Mabilis kong pinatay ang tv. Nakakasawa na palang manuod. Sayang rin ang kuryente, kailangang magtipid.

''Ba't mo pinatay? Nanunuod pa ako, papansin talaga to.'' Nagulat ako sa sinabi ni Heckle.

Aba't! Sinasabi niya bang papansin ako?!

''Nood ka ng nood. Ba't di ka kaya lumabas ng bahay?'' Naiinis kong tugon.

''Pag palagi nasa labas ng bahay, nagrereklamo. Pag palagi naman sa loob, nagrereklamo pa rin. Ano bang gusto mo ate, ha?'' Umirap ito saakin.

''Gusto? Siya ang gusto ko..'' Mahina kong bulong sa hangin.

''Ano? Ewan ko sayo. Ang gulo mo. Kaya ka walang boyfriend eh.'' Aniya at nagsimulang talikuran ako.

I gasped loudly. Napahawak ako sa aking dibdib. Masakit. Tinamaan ako dun ah.

''Hoy!'' Sigaw ko. Pero di ako nito pinansin at nagtuloy-tuloy ito sa pag-akyat papunta sa kanyang kwarto.

''Heckle! Nakakasakit ka ng puso ha! Baka nakakalimutan mong isa ka rin sa mga dahilan kung ba't wala akong boyfriend!'' Naiiyak kong sigaw nang di na ito maaninag pa.

Ang gulo ko ba, kaya di pa ulit ako nag-kakaroon ng boyfriend? Napalabi ako. Hindi naman siguro diba? Ano naman konek?!

Naibaling ko ang tingin ko kay Ate Marie ng marinig itong tumatawa. Nakita ko siyang nakangiti habang nagaayos ng kurtina sa malaking bintana.

''Ate Marie!'' Nagtatampo kong sigaw. Paniguradong narinig niya si Heckle, kaya ngayon ay pinagtatawanan niya ako!

Nagpeace sign ito saakin. ''Wag kang mag-alala bebegurl! Kahit wala kang boyfriend, maganda ka pa rin naman. Hihi.''

Padabog akong tumayo sa sofang aking kinauupuan. Marahas kong inihagis pabalik sa upuan ang throw pillow na akap-akap ko lang kanina.

''Ewan ko sayo, Ate Marie! I hate you both.'' Mataray ko itong tinitigan bago umakyat para magkulong sa aking kwarto.

Mas lalo akong nainis nang marinig pa ang mahina nitong tawa. I stomped my feet a little louder to let her know that I'm actually pissed.

Nang makapasok sa aking kwarto ay hindi ako mapakali. Lakad ako ng lakad. Nagiisip. Wala akong nagawa kung hindi ang umupo sa harap ng salamin. Napatitig ako sa repleksyon ng aking sarili.

''Maganda naman daw ako kung wala akong boyfriend.'' Sinuklay ko iyong buhok ko. ''Maganda rin naman ako kung meron ah?''

Biglang uminit ang dugo ko. Bakit, kailangan ba lahat may boyfriend? May karelasyon? Hindi ba sila mabubuhay kung wala? Is it really that necessary? I don't think so! I can live without it! Hindi ko kailangan niyan! Wala namang patutunguhan ang pagkakaroon ng lovelife.

Diba?

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi kaya bitter lang ako dahil wala akong lovelife? Yun ba yun? Wag naman sana.

Humiga ako sa aking kama at nagpagulong-gulong. I really feel different today. Ramdam ko ang kakaibang nangyayari sa aking tiyan. Hindi ko alam kung anong ikinatatakot ko ngayon. Masyado ata akong nagiisip.

WHAT IF I DIDN'T (ON HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon