WIID - CHAPTER 15

5.2K 135 8
                                    

Sorry for the typo errors!

Been busy with my Practicum/OJT. Pero malapit na rin naman dumating ang Christmas break kaya may oras na! Sana maintindihan niyo.

Happy Reading, enjoy!

+++++++++++++++
Enough

Inagahan ko ulit ang pagpunta sa school. Alam ko kasing maaga ring pumupunta si Kairos. Sa may gate ako nag-abang para sakanya para wala siyang kawala. I just want to give him the medecine I brought yesterday.

Pero lumipas na ang halos isang oras ay wala pa rin akong nakikitang Kairos. Ang dami nang napapadaan na studyante, halos lahat sila ay napapalingon saakin. Bakit hindi? Para akong timang na nagaantay sa gilid, mabuti nalang hindi mainit. Pero makulimlim at mukhang uulan na naman.

Gamit ang paa ay nagsulat ako sa buhangin. I wrote Kairos's name but the wind blew it away. Muli akong lumingon sa daanan papasok pero wala pa rin akong nakikitang Kairos. Napilitan na akong pumasok nang madaanan ako ng isang teacher.

Pagpasok ko sa klase ay halos lahat naka-jacket. Pati si Levi ay may suot. Malamig naman kasi talaga. Hindi ko mahanap yung akin kaya hindi ako nakapagdala. I tapped my fingers in the table waiting for the time to stop. Bored na bored na ako. I'm not usually this bored. Ewan ko ba.

Itinaas ko ang aking kamay. ''Ma'am, may I go out po?''

''Bilisan mo, Ms. Fontanilla. May exam ako pagkatapos nito.''

I nodded. ''Opo. Ihing-ihi na po kasi ako. Puputok na pantog ko, Ma'am.''

Napanguso ako nang magtawanan iyong mga kaklase ko. Para namang may nakakatawa. Hindi pa ba sila nakaramdam ng sobrang ihi na parang puputok na ang kanilang pantog?

''Meron ka pala non, Hassle!'' Sigaw ng isa kong kaklase, si Avril.

Umirap nalang ako.

Walang nagawa si Ma'am kung hindi ang payagan ako. Pero imbes na pumunta sa banyo ay dumiretso ako sa canteen. Wala pang masyadong tao dahil hindi pa naman health break. Five minutes lang ako don at bumalik rin agad.

Paliko na sana ako sa may hallway nang maaninag ko si Kairos. Nanlaki ang aking mga mata.

''Kairos!'' Sigaw ko.

Agad siyang lumingon sa tawag ko. I chuckled when I saw my face mask in his face. His forehead creased when he saw me. Lumapit ako sakanya at kinawayan siya. He stood there, impatiently tapping his foot on the cement while waiting for me.

''What do you need, Steven's girlfriend?''

''Hindi nga ako girlfriend ni Steven, okay?'' Pinagdiinan ko talaga iyon.

Hanggang ngayon ba naman kasi, pinagpipilitan niyang girlfriend ako ni Steven? Porke tinulungan ko iyong tao, girlfriend agad? Tinulungan ko rin naman siya, ah? Ibig bang sabihin noon ay boyfriend ko na siya? Hindi naman diba?

''Yeah right.''

I rolled my eyes. Kinalma ko ang aking sarili. Naalala kong kakagaling nga lang pala niya sa sakit. I should be patient with him. Mukhang hindi pa kasi siya magaling. Kaya ba naka face mask siya ulit?

''Okay ka na?'' I asked a bit hesitant. Parang hindi kasi maganda iyong huli naming pagkikita.

''Ah. Thanks for treating my wound, I appreciate it very much.'' He said sarcasticlly the rolled his eyes at me. ''I love the band aid, it's so fucking cute.''

Nagtaka ako sa sinabi niya. Pero natawa nalang ako. Iyong nangyari ata sa infirmary iyong tinutukoy niya. Moody ata to. Minsan ang seryoso, minsan naman ang sama ng ugali.

WHAT IF I DIDN'T (ON HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon