————————————————
Year 1985
----
“Hon,pake bukas nga ng telebisyon natin,”
“Dito ka na sa tabi ko Hon,alam mo na miss ko amoy ng asawa ko,”Paglalambing nito sa kanyang asawang babae. Palihim itong napangiti sa turan ng kanyang mahal. Inalis nya ang apron sa katawan,nilagay sa isang tabi. Abot tenga nyang ngiti habang naglalakad patungo sa kanyang asawang lalake naka upo nang prenteng-prente sa sofang kupas.
Nang nakaupo ang babae ay paghalik nito sa labi ng kanyang asawa. Kahit na matagal na silang magkasama sa iisang bubong ay hindi sila nag sasawa iparamdam sa isa't-isa ang pagmamahal.
Bahagyang pinisil ng babae ang ilong ng kanyang asawa na kinasimangot nito.
“Manuod na tayo kanina ka pa halik ng halik sa'kin d'yan, ”Biro nito.
“Oo na,”Kinuha nya ang remote sa ibabaw ng mesa na yari sa kahoy. Pinindot nya ang pulang button para magkaroon ng buhay ang lumang television nila. Black and white ang kulay ng screen nito palatandaan nasa panahong pa unti-unti pagiging moderno mula sa kasulukuyan. Pagkabukas nila ay narinig nila mga kantahan, dahil ayaw ng lalake ay nilipat nya 'to sa ibang estasyon. Napanuod nya ang kanyang isang paborito na palabas subalit pa ulit-ulit na ito kaya't nilipat nya.
Tumayo ang asawa nyang babae.
“Kuha lang ako ng makakain natin,”Patayo nito at umalis sa pwesto.
“Bilisan mo ah hon,”
Mga ilang minuto paglilipat nya ng estasyon ay napukaw ang kanyang atensyon sa isang estasyon. Agad nya itong binalik mga tatlong beses. Isang reporter nagpapahayag ng balita,dahil hinid nya masyadong marinig nilakasan nya ang volume sapat na mapakinggan ito.
“Black Meteor shower ang dadaan sa ating planeta mga ilang oras mula ngayon—” Tinawag nya ang kanyang asawang babae na may dala na pancake at orange juice sa isang tray nag lalakad ito at umupo kung sa'n nakaupo ang lalake.
“Pakinggan mo Hon mabuti."Suwestyon nya sa asawang babae.
“Mga alas-nuebe ng gabi masubaybayan natin ang unang black meteor shower na dadaan mismo sa ating planetang earth. Isang beses lang ito mangyari sa buong buhay kaya't ihanda nyo ang sarili mamaya. Makikita ito ng malinaw sa bundok ng Kanliwanagan. ”
“Gusto ko mapanuod Hon!!”Hila-hila nito ang mangas ng kanyang asawang lalake.
“Oo na Hon! Basta wag mo sirain ang damit ko. Mga Alas siyete pa naman ngayon maya't maya lang pupunta tayo sa gusto mong lugar,"
“Talaga hon? I love you. Ihanda ko na maganda kong damit. ”
“Basta ikakasaya ng asawa ko,”
----
Hininto nila sa isang tabi ang sasakyan. Nang nakalabas silang dalawa sa kotse ,parang hindi mahulugan ng karayom sa dami ng tao sa paligid. Tulad nila sabik makita ang binalita na Black Meteor shower sa telebisyon.
“Saan naman tayo pwepesto nito?”Pag aalala ng babae sa asawa nya. Napaisip ang lalake sa tanong nito. “Teka--! Oy Baba mo'ko Jusko baka mahulog ako na wala sa oras!!"
“Tabi-tabi kayo d'yan! May cancer asawa ko kaya kung ayaw nyo mahawa mag bigay kayo ng daan!”Panay hampas asawa nya pero napangiti ang lalake dahil nagsihawian mga tao.
“Siraulo ka talaga! Ba't mo sinabi may cancer ako?Baka aakalain nila totoo. Hmp,”Pagtatampo nito. Pero binigyan lang sya ng matamis na halik sa labi.
“Premyo ko dahil sa paghatid ko sa'yo mula rito. ”
“Ba—baliw ka talaga Fredo. Nakakahiya sa mga tao eh. ”Pinatahimik nya ang asawa at nasa pinaka unahan sila kung sa'n tanaw ang mga bituin sa kalangitan.
“Malapit na Hon,”Nakangiti ng sambit na lalake.
“Salamat Hon,”Matamis nitong tingin sa asawa.
“Ten,Nine ... eight.. Seven... Six.. Five...”
Lahat ng mga tao ay nag countdown sa paglitaw ng bulalakaw.
Hawak kamay ang dalawang mag-asawa habang nakalagay ulo ng babae sa balikat ng lalake.
“Four.. Three... Two.. One!!”
Mga ilang segundo lamang nakita nila ang itim na bulalakaw sa himpapawid. Mangha-mangha sila sa natunghayan pero kinataka nila palapit ito sa kanilang kinaruruonan.
“Mommy,Ba't ang lapit ng stars sa atin?”Tanong batang lalake nasa walong taong gulang. Kinarga ng ina ang kanyang anak.
“Black meteor shower 'yan Baby ,mukha lang malapit pero malayo talaga ."
Sa isang iglap lang ...
Nag sitakbuan na mga tao palayo sa lugar. Nagkaroon ng stamped dahil sa siksikan ,iilan ay naapakan na at umiiyak sa takot.
“Hon!! Tumakbo ka na!!"Sigaw ng babae naipit dahil sa mga tao nag sisitakbuhan. Hindi mapigilan tawagin nya pangalan ng kanyang mahal.
“No!!! Just stay there! Umalis kayo mga gunggong!”Pinagsisiko nya mga tao,nadadala sya sa agos nito pilit nyang umalis,kitang-kita nya paghihirap na kanyang asawa naapakan at umiiyak sa sakit. He doesn't want to see her own wife suffer from pain,he wanted to save her and run away. But he couldn't and realized something that he made big mistake if they were not here maybe they would never experienced these chaos. It's too late when everything changed in one snap of finger.
*BOOOOGSHHHH!!!!!*
Malakas na impact na sumabog ang bulalakaw sa lupa. Maraming tao namatay at iilan ay duguan at walang buhay.
Big changes happened and it's totally a mess in any place. It started to rose from the ashes and marked that 1985 was the beginning of everything.
——— Juliet's Half ————
“My half is intractable”