Chapter 6

12 0 0
                                    

Chapter 6

————Juliet's Half —————

Juliets

"Ah.. Ah.. Ah.." Sarcastic na tawa na kaaway namin. Nanlilisik ang mata niya sabay pahid ng kanyang dugo sa pisngi. She dropped her gazed at us. "You don't know Katherine ,pwedeng-pwede ko kayong patayin dito sa isang kislap ng mata."

"Hindi ako takot Lilith,baka ikaw dapat matakot ngayon. Alam mong mas malakas pa ako sa'yo." Katherine said with her calm tone. Hudyat na makaramdam ako ng tensyon sa kanilang dalawa. Biglang nag patay-sindi mga ilaw dito sa loob ng cafeteria. Na agad ko naman napaisip dito sa tabi,something will happen.

"Pag sinabi ko sa'yo takbo tumakbo ka kahit ano man mangyari,naintindihan mo?" Sabi nya naman agad kong tinango pero may halong kaba sa aking dibdib. Hindi ko maintindihan kung anong nagyayari ngayon pero parang konektado isa sa kanila kung bakit naging ganito ang mga ilaw at pag galaw ng mga gamit.

"Wag kayong gumawa ng eksena dito!"

"Alam nyong pinag babawalan muna tayong gumamit ng ating kakayahan ,guys!"

"This is not a battle ground,please consider the students here!!"

"Pag nalaman ng head ito malaking gulo pwedeng mangyari."

Samu't-saring naririnig ko sa kanila,what are they saying? Kakayahan? Bakit umaakto silang kakaiba ngayon,ba't nagkakaintindihan sila?

"One...two.. three ,run!!!" Sigaw ni Katherine kasabay pag sabog ng mga ilaw dito sa loob ng cafeteria.

Wala akong makita kahit ano dito bukod sa ibang estudyante na may ginagawang bagay.

"Saan ka pupunta bruha ka!!" Namalayan ko na lang ang sarili na tumatakbo palayo sa kanila. Kahit ayaw kong iwan si Katherine ay wala akong magagawa,nalilito ako sa mga nangyayari.

May humahabol sa'kin at alam kong kaaway namin ito. What should I do?!

Mula rito sa aking kinatatayuan,madaming pasikot-sikot dito sa loob ng academia. Bukod dun ay mga bawat room na may kanyang-kanya pinto na maaring pasukin. Bago lang ako pero sa mga sandaling ito kailangan ko makaalis at makatakas. Parang wala sila sa sariling katinuan dahil sa kakaiba nilang mga kilos parang mga hayop na bagong kawala mula sa kulungan.

"Wala kang takas mula sa amin!!"

"Kailangan mo mamatay!!!"

They were far from my distance and I know minutes from now ,they'll coming to kill me.

Unting-unti bumabalik mga ilaw sa dati,ano kayang nangyari kay Katherine ngayon? Buhay pa ba sya?

"I know where you are bitch!!! "

"Oh God! Please help me stay away from these people who wanted to kill me."

Sa loob ng aking isip nag dadasal ako na sana makaligtas mula sa mga nilalang na'to. Isang iglap lang may humila sa aking kanang braso na kinagulat ko.

Luminga-linga ako sa paligid ngunit walang akong taong nakikita. Nanaginip siguro ako o sadyang guni-guni ko lang 'to.

"Go in the rooftop Juliet." Nangilabot ako sa isang malamig na boses ,nag taka ako saan itong nangaling. Pero wala na akong oras kailangan ko na makatakas. Mula sa malayo kusang bumukas ang pintuan kasabay pag ihip ng hangin na galing sa labas. "Go juliet,"

Juliet's HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon