"Claudine.... Bestfriend. may sasabihin ako sayo. gusto ko makinig ka ng mabuti ha."
"hmm.." habang marahan na nag su-sway ang mga katawan naming magkadikit. kamay niya sa aking bewang at kamay ko na nakasabit sa leeg niya. napaka-gwapo talaga ng bestfriend ko. prom namin ngayon. kaya naman mas lalong lumakas appeal niya dahil sa formal na suot niya. black tuxedo and bow tie plus ang paporma niyang nerdy glasses dagdag mo pa mala demi-god nyang muka. PAK! complete pakage na.
Last dance na ito for the night which made me feel special, kasi siya kasayaw ko ngayong senior year namin. una't huling prom ko to. di naman kasi ako dumalo nung junior pa kami.
last year na namin to sa highschool, after graduation kanya-kanya na kaming habol sa mga pangarap namin. at lahat ng to? ay magiging parte ng masayang ala-ala ng buhay highshool ko.
Never kaming nagkahiwalay ni Jason. kababata ko siya nung pre-school palang. gayun din nung grade school lampa nga siya noon e. madalas tampulan ng bully kaya naman ako ang lumalaban sakanila pag inaapi nila si Jason. dun nag simula friendship namin. wala kasing may gustong kaibiganin siya. bakit? dahil nerd tingin nila sakanya. ganun din siya binakuran niya sarili niya. umiiwas sa iba. pero dahil matigas ako nakipag kaibigan ako sakanya. kami na halos laging magkasama dati.
Pero simula nung nag highschool kami bumaligtad ung mundo look at him now... unbelievable. laking gulat ko di ko siya makilala nung nag firstyear kami halos malaglag panty-- ay este panga ko sa laki ng pinag bago niya. di na siya yung chubby na Jason na inaasar nila. Siya na ngayon yung Jason na one wrong move lagot ka. siya na yung hinagangaan ng lahat ng babae. kinakatakutan ng mga lalake.
matipuno. gwapo at halos habulin na ng lahat. babae,bakla,aso,pusa,poste,matandang dalaga. eh titigan lang ata niyan yung babae handa ng mag hubad sa harap niya eh at malamang mga babaeng nakakausap niyan? o knakausap niyan eh nagpabuntis na sakanya sa utak nila. maswerte ako dahil kinaiingitan ako ng lahat dahil bestfriend ko siya.
pero... hanggang dun lang naman e. BESTFRIEND.. parang barko na nastranded sa gitna ng EDSA ung papel ko sa buhay niya. di na umusad. di rin aasenso.
di ko naman kasi talaga sinasadya na mahulog sakanya. aaminin ko dati pa. kahit di pa ganyan itsura niya nun. nahulog na ako sakanya. oo na ako na haliparot bata palang. pero kasi di naman panglabas minahal ko sakanya. pag nakilala mo pa siya ng lubusan kung gaano niya pahalagahan yung kahit katiting na bagay gusto mo. mabait siya sobrang bait niya.
tapos ganyan pa, nagbago panlabas na anyo niya. sa totoo lang mas gusto ko nga yung dating siya e. kasi at least sa ganung itsura niya ako lang nakakapansin ako lang nag papahalaga. pero ngayon? eto isa ako sa mga babaeng nagkakandarapa ata madinig lang na niya sigaw ng puso namin. todo effort mapansin niya lang.
mas lalo akong nahulog kasi parati siyang nadiyan sakin. well dati pa naman pero ngayon kasi. siya yung naging superman, batman, hawk eye at kung sino pang superhero jan.
bakit? kasi gaya ng sabi ko. bumaligtad mundo nitong nag HighSchool kami. Ako naging tampulan ng pang-aapi ng mga babae kasi nga masyado raw akong malandi dahil dikit ako ng dikit kay Jason. pinilit kong umiwas sakanya pero ano? eh mas malakas pa ata sa gravity at magnet hatak niyang lalake na yan sakin e. eto ako bumabalik padin sakanya.
tss~ sino ba naman ako para patulan ang isang Jason Cheng?
isa lamang akong hamak na babae. na pag dumaan parang hangin lang. madalas di aakalain ng iba na nag eexist pala ako. na naghirap nanay ko ng siyam na buwan. para ipanganak ako.
'di ako kagandahan. wala plain and simple. tapos ano? papangarapin kong mahalin ako neto? netong gwapong nilalang na kasayaw ko? ASA. pero ok lang. one-sided love story? wala akong pake. walang wala. tanga eh. kasi ang mahalaga nakakasama ko siya ayoko isakripisyo ung pagiging mag kaibigan namin para sa letcheng Pag-ibig na yan. kasi dahil jan? ako magugustuhan ng isang dakilang playboy/ medyo badboy/ultimate crush ng buong iskwelahan? baka nga pag sumikat to habulin to ng buong Pilipinas, at baka yung Pilipinas mismo gumalaw para habulin siya na mismo e. spat na to. yung ganito pagiging bestfriend.
BINABASA MO ANG
Fast Lane ((ON HOLD UNDER EDITING!))
Teen Fictionsa tinagal-tagal ng pagiging matalik na mag kaibigan.. a ibigan lang din pala ang mauuwi ang lahat. SAWAKAS KAMI NA NG BESTFRIEND KO. si Jason popular, gwapo, matipuno. like your any other dream guy. pero meron siyang dark side. he's addicted to st...