Hang Over

35 2 0
                                    

naalipungatan ako sa sunod sunod-sunod na katok ni mama sa kuwarto ko.

"nak, claudine. bangon na hija." sabi niya habang kinakatok pintuan ko. kaya naman hinila ko kumot ko at tinalukbong ito sa buong katawan ko. gusto ko pa talaga matulog. ikaw ba naman, makakatulog ka ba after ng mga ngyari kagabi? nilubog ko yung muka ko sa unan. i'm sorry ma antok pa talaga ako.

"nak may bisita ka sa baba iniintay ka bangon na." aga naman niyan! natutulog pa ko e. bahala yang BWISITA na yan.

nakarinig ako ng kalansing ng susi mula sa labas ng kwarto ko. Persistent din talaga mama ko na gisingin ako e no? nadinig ko nalang na nag bukas yung pinto at may naupo sa bandang paanan ko.

"last five minutes mama! pleasee~"I said it with my pleading tone. habang nakatalukbong nakatalukbong ng kumot katawan ko mula ulo hanggang paa.

"talaga bang pag iintayin mo ako claudine?" sabi nung pamilyar na boses na ikinagulat ko.

TEKA, di boses ni mama un a. kaya naman agad akong  napaupo para tignan kung sinong mapagahas ang pumasok sa kwarto ko.

*gaaasp*

agad akong nag tago ulit sa kumot.

BAKIT ANDITO SIYA?!shit naman di pa ako nakaayos oh~

rggh! narinig kong ngumisi siya. sabagay sino ba naman 'di matatawa sa pag mumuka ko. 'di pa ako nakakahilamos. spell haggard? A-K-O at 'di rin ako nakatulog ng maayos malamang mukang maleta na eye bags ko. oh baka nga cabinet na e na mas dinaig na bilbil ni majinboo sa lusog. BUT wait there's more ng kamustahin natin buhok ko? eto halos lahat ata lahat ng bangs ko nakatayo. halos magka-buhok na ata kami ni Goku e.

ay hindi kasi yung kanya katanggap-tangap pa. eh yung akin? PUGAD NG MANOK! o kung anong nangingitlog na nilalang. siyempre halos paliguan nung bading ng spray net yung buhok ko para lang jan sa letcheng prom na yan. kaya saksakan ng tigas buhok ko. hindi manlang madaanan ng suklay. Basta isa lang nasisigurado ko,  mukang akong troll for sure.

di ako gaya ng ibang babae na pag gising eh nag uumapaw na sa ganda. fresh na fresh. sariwang-sariwa ibahin niyo ako. kung sila nag uumapaw ako. TUYOT NA TUYOT. bilasang isda!  pakshet lang!!

"bakit ka andito sa kwarto ko?! anong ginagawa mo dito?!"nag tatakang tanong ko.

kilala na siya nila mama laking gulat nga daw nila nung naging ganyan pag mumuka niya e. galing sa chubby na ngayon e mas mainit pa sa sizzling sisig~ gah! ano ba pinag sasabi ko!? nababaliw na ata ako? o hang over lang dahil sa mga kung anong kaganapan kagabi. dahil sa pag naalala ko nanaman yun i can't help my self na kiligin nanaman ng sobrang sagad na tila 'bagang gusto ko mag tatalon. tumili hanggang sa maputol litid ko.

"ginigising ka ano pa ba? muka kasing wala kang balak bumangon e. at di mo ba alam na dapat hinaharap mo kausap mo. 'di yung nakatago ka sa kumot" di ako satified sa sagot niya. at ng asar pa talaga to. sa gantong peg talaga ako haharap sayo? di na uy. mamaya makipag break ka pa.

"tse!!! dun ka na nga sa baba! intayin mo nalang ako dun babangon na ako. last five minutes nalang!"sigaw ko.

narinig ko namang natawa siya sa sinabi ko. rggh. wala naman nakakatawa dun a. antok lang naman talaga ako. pero kahit nakatalukbong ako nagagwapuhan ako sa tawa niya. sa tagal namin naging mag kaklase kinabisa ko na mga facial expresion niya. maraming nag bago siyempre nitong nag Highschool kami. kasama na jan yung dakilang poker face niya. natuto narin siya mag smirk na yung tipong makakita nun handang magpa-buntis agad-agad sakaniya. pero dumalang yung pag tawa niya. as nag dominate ngayon yung mejo badboy expression niya. lalo na yung titig niyang halos sinusuntok o pinapatay ka na. yung mga pagtataray niya at madalas napaka insensitive niya at ewan ko ba kung anong kidlat tumama jan kasi mas malakas pa yung hangin niya sa amihan at habagat. hingang-hiya ako sa kayabangan niyan. saksakan na. sobra sobra pa. hands up nalang ako dun.

Fast Lane ((ON HOLD UNDER EDITING!))Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon