Weekends with him?

38 3 0
                                    

padabog akong bumaba ng hanggan papunta sakaniya. di ko parin malilimutan yung ginawa niyang pang aassar kanina sa kwarto ko.~ hmp. nakakainis kaya!!

pero ayan tumabungad nanaman yung nakangising muka niya sakin. habang pababa ako halos matunaw ako sa titig niya sakin. at take note feel at home ang upo niya sa sofa.

ang gwapo niya tignan. lalakeng lalake, bumaba tingin ko sa nakangising niyang labi. pulang pula. nakakaakit.

pweh! inis padin ako sakanya no?! manayak!!!

tumapat ako sakanya at namewang. pero parang wala lang sakanya yun at mas nilakihan ang nakakainis na ngisi niya. rrggh! 

"wow ha?! feel at home?!~" pero nag smirk lang siya bilang tugon at tumayo. hinawakan niya ang kamay ko.

nung magkadikit ang kamay namin parang sandamakmak na boltahe ang naramdaman ko dahilan para bumilis nanaman tibok ng puso ko. pakiramdam ko nakalunok ako ng paru-paro kasi parang ang dami nila sa tiyan ko. 

hinila niya ako papunta sa kusina. kung 'san andun si mama kasi naririnig ko at naamoy ko yung niluluto niya. 

"ma, alis na po kami ni claude." sabi niya kay mama nung makarating kami sa kusina. humarap naman si mama at ngumiti sakin yung mapang asar na ngiti.

teka did he just called my mom "ma"?! wth?!

"hoy hoy teka nga anong ma?! sino may sabing tawagin mo si mama ng Ma?!" irritadong sabi ko. ng aasar nanaman siya! at pilit kong binibitawan kamay niya pero mas humigpit lang kapit niya. kaya mas namula ako. napatingin naman ako sa gawi ni mama at laking gulat ko ng ngumingisi siya.

"hindi ba kayo dito mag llunch hijo? sayang naman at nag luto na ako?" tanong ni mama sakanya na tila ba wala syang paki na tinawang siya "ma" nitong manyak na to.

"nako, di na po mama. para maaga kami makauwi ni claudine. una na po kami a. " lumapit siya kay mama at bumeso. take note hawak nya padin ako. at lalakad na palabas ng kusina ng umalma ako.

"hoy!hoy! sino may sabi sayong tawagin mong mama si mama?!" sigaw ko sakanya, at humarap naman ako kay mama pero hinahatak padin ako ni Jason. kaya naman nag lalakad ako patalikod ng kausapin ko si mama. 

"ma?! bakit naman kayo pumayag na tawaging "mama"?!" i gave her my super weird-out face. pero kinindatan lang ako ni mama.

"mag iingat kayo sa date niyo ha. wag mag papagabi Jason. dito kayo mag hapunan dalawa. i-uwi mo siya ng maaga. pasusunurin ko nalang diyan si Clyde para isara yung gate." sabi ni mama ignoring my questions. what the?~

"opo mama!" sigaw niya. nag wave nalang siya habang nakatalikod kay mama at hatak-hatak padin niya ako. 

ng makalabas kami ng gate nakita ko sasakyan niya na nakaparada lang sa tapat ng bahay.

"ingat kayo kuya." nagulat naman ako sa pag sulpot ni clyde sa likod namin. tinugon lang siya ni jason ng ngiti at ginulo buhok niya. at pagkasara ni clyde ng gate.

nag lakad na kami papunta sa sasakyan niya.isang Honda Accord Coup V6, silver and red combination. di naman kasi ako vehicle geek pero ang alam ko lang "modified" yung sasakyan niya. nakwento niya lang naman. ako nalang si tango.

hello ever supportive bestfriend ako. sumasama ako sa car show niya. nasasali kasi siya dun. nung mga panahon na yun selos na selos ako sa mga babaeng umaaligid sakanya. yung mga show girl ba tawag dun? basta yung suot saksakan ng fitted at wag ka, kinapos sa tela basta yung mga babaeng makikita mo sa car show.

Fast Lane ((ON HOLD UNDER EDITING!))Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon