Chapter Four

465 30 9
                                    

The DLSU Women's Volleyball opened their season with a win in their first match.

After singing their alma mater, Mika was interviewed by the courtside reporter as she was named as the player of the game.

Papasok na sana siya ng dug-out kasunod ng mga teammates nang tawagin siya ni Prince. Kagaya ng ipinangako sa kanya ay nanuod nga ang mga ito ng game nila.

"Uy congrats!" ani Prince saka nakipag-fist bump pa sa kanya. Ganun rin ang ginawa ni Kim at Ricci.

Si Vic naman ay nanatili lang na nakaupo at nakuntento na sa pagsabi ng congratulations sa kanya. Di na siya nanibago pa, nasanay na rin siya dito.

"Salamat!"

Isang linggo na rin mula noong una siyang nag-lunch kasama ang mga ito. Mula noon ay halos madalas na niyang makasama ang mga ito, lalo na kapag wala ang kambal at si Carol.

Madali niyang nakagaanan ng loob ang magkapatid dahil na rin sa kakulitan at sadyang mababait ang mga ito. While Vic? Well, wala silang progress. One word per day lang yata ang kaya nitong ilabas sa kanya. Ayos lang din naman sa kanya, at least may one word per day siya dito, kinikilig pa rin siya.

"Miks, pwede bang makisuyo?" nahihiyang tanong ni Ricci at halatang kinakabahan habang hawak ang isang bugkos ng rosas.

"Oo naman." Parang alam na ni Mika kung ano ang ipapasuyo nito. "Para ba kay Mich?"

Tumango-tango naman ito saka inabot sa kanya ang bulaklak. "Salamat ha?"

"Naman. Ikaw pa." nginitian niya ito at nagpaalam na sa mga ito na papasok na siya ng dug-out.

"Wow! Nag-POG lang may flowers na?!"

Hindi maiwasang tuksuhin siya ng mga teammates ng makita ng mga ito ang hawak niya.

"Kanino galing yan, Ye? Uuuuy luma-love life ang lola niyo oh!" kantiyaw pa ng Ate Mowky niya.

"Secret!" sagot niya dito habang hinahanap ng mga mata niya si Mich. "Pero di to akin!"

Nakaupo ito habang naghuhubad ng sapatos at nakikikantiyaw rin.

"Eh kanina yan?" takang tanong ng teammates niya.

"May nagpapabigay lang sakin, para daw kay Mich." sabay abot niya ng bouquet sa huli. Gulat namang napatingin si Mich sa kanya at tila di makapaniwala.

"Ha?" naguguluhan nitong tiniitigan ang mga bulaklak. "Sakin to?"

"Yup! Wag mo nang tanungin kong kanino galing dahil di ko sasabihin." she said with a wink.

Agad namang nalipat dito ang kantiyaw at tukso. Napapangiti na lang siyang pumasok sa cubicle.

"Uy ano? Sasama ka ba sa bus?" siko sa kanya ni Carol nung nagliligpit na sila ng mga gamit. Nakangisi pa ito na para bang alam na ang isasagot niya.

"Hmm.. ano kasi.." nahihiya pa siyang sabihin dito na itetreat sila ni Prince ng dinner.

"Wag mo nang sagutin alam na namin yan." ani Camille saka humalakhak pa. "Para-paraan din to eh!"

"Hoy baka may makarinig.." pagpapatahimik niya sa mga ito. Wala pa kasing nakakaalam sa team nila na madalas niyang nakakasama si Kim. So far, ay wala ding nakakapansin. Wala pa. Natatakot kasi siya na baka kapag marami ang nakaalam ay mabubuking siya.

Naisip na rin niya na sabihin na lang ang totoo, na she's not who they think she is pero hindi niya alam kung paano.

"Sige na, mauna ka na. Kami na bahala sa mga chismosang teammates natin." tapik sa kanya ni Cienne saka nginitian siya.

Unplanned (Mika Reyes - Ara Galang) ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon