Chapter Two

497 25 6
                                    





"Are you sure about this, Ye?"

Hindi na mabilang ni Mika kung ilang ulit na siyang tinanong ng ganun ni Kim. Everytime she'd answer her yes. Buo na naman kasi ang desisyon niya. Desidido siyang makausap si Vic sa huling taon niya sa kolehiyo. Ano bang masama dun? She wants to know what it would feel like to speak with Ara Galang. She wouldn't confess, of course. Gusto lang niya makalapit dito kahit isang beses lang.

Desperada na kung desperada. She'd never had this crush on someone before.

"For the nth time, Fajardo. Yes. I am absolutely sure." sagit niya sa kaibigan. "I wouldn't be here at the party if not, di ba?"

Kim just rolled her eyes at her.

Binigyan kasi siya nito ng pagkakataon na umatras sa plano niya. But how could she when opportunity presented itself to her?

The DLSU Women's Basketball Team won their back to back championship, and guess who's the season's MVP? Of course no other than her beloved Ara Galang.

There'd be no better time to interact and be  introduced to the members of team than the night they'll celebrate their win.

And that would be tonight.

Kaya naman pinaghandaan niya talaga ang gabing ito.

"Uhm.. okay naman 'tong suot ko di ba?" she hesitantly smiled at Kim. She wore a polo shirt with sleeves folded up to her elbows, jeans and a pair of vans sneakers. Pinagupitan rin niya ang buhok nang mas maikli, parang boy cut. "Do I look like.. you know?"

"Hmmm.." Kim eyed her from head to toe, then her lips curved into smirk. "Damn, Reyes. Humanda ka mamaya sa mga babaeng lalapit sa'yo."















When they entered the venue, Kim made her wait in front of the bar counter to find for her friends. Masyado na kasing marami ang mga tao sa inokupang restobar ng team kaya nahirapan na rin itong hanapin ang mga kaibigan.

"Wait for me here." bilin nito sa kanya. "Vic should be somewhere quiet. Hindi mahilig yun sa ganito eh."

So hindi ito party person. Makes sense, tahimik kasi itong klase ng tao eh.

Na-excite naman agad si Mika sa isiping iyon. What if kaya kung magkausap sila nito? Would she know more about her crush? Hindi na siya makapaghintay.

Few minutes have passed pero hindi pa rin bumabalik si Kim. Medyo naiilang na siya sa mga tingin na nakukuha niya sa ibang babae. Seryoso, nakakapanindig balahibo lalo na nung kinindatan pa siya ng isa. Luckily, no one approached her.

Nag-uumpisa na siyang mainip. Wala naman siyang kakilala roon sa party, at kung meron man ay wala ring lumapit sa kanya siguro dahil hindi siya namumukhaan sa bagong gupit at porma niya. Nagmumukha na rin siyang loner dahil siya na lang ang natitira sa harap ng bar,  halos lahat ay nasa gitna ng dance floor.

Just when she's about to find Kim, a familiar person approached her.

"Mika?

Nilingon niya ang pinanggalingan ng boses at natuwa nang sa wakas ay meron na rin siyang makakausap.

"Je!" bati niya sa kapwa atleta. Ito ay miyembro ng Men's Baketball Team at kaklase niya sa ilang subjects.

"Whoa. Iba yata itsura mo ngayon?" tanong nito sa medyo malakas na boses. Hindi kasi sila masyado magkarinigan dahil sa lakas ng musika. "Sino kasama mo?"

"Uhm si Kim. Kaya lang umalis pa eh. Nakita mo ba?"

Jeron shrugged. "Hindi eh. Ahh would you like--"

Unplanned (Mika Reyes - Ara Galang) ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon