Sorry po matagal ang updates. Medyo busy pa rin kasi kahit vacation na.Salamat sa mga nagbabasa:)
________
Honestly, it wasn't okay for Mika.
She's been receiving messages from Nica since the other day. She doesn't know how to respond though, so she would reply a curt Thanks for every good luck sa training she'll receive.
Tapos kahapon lang ay niyaya pa siya nitong lumabas after daw ng UAAP season. Jusko! Sumakit talaga ulo niya sa pamomoblema ng isasagot dito, ayaw naman niyang basta nalang tumanggi nang walang rason. It would be rude. At ayaw rin niyang magpadalos-dalos at um-oo na lang baka pagsisihan niya.Ang ending? Hindi pa siya nakaka-reply dito hanggang ngayon.
Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit hindi siya gaanong nakatulog kagabi. It was because she received a text message late at night from her friend,Tine saying,
Miks, can we meet tomorrow?
There was something in the message that bothered her. It sounded urgent. But when she replied, Tine didn't answered back. Siguro ay nakatulog na rin ito dahil gabi na.
But it's seven in the morning now, siguro naman ay gising na ito. Pero wala pa rin siyang natatanggap na reply mula dito. She can sense that something's not right.
Muntik na niyang makalimutan na may kasama pala siya kung wala pang tumama na nilamukos na tissue sa noo niya.
"Tulala ka diyan?" Vic asked, holding back a laughter.
The downside of being friends with your crush is that you get treated like one, they get to annoy you everyday.
Binato naman niya pabalik dito ang tissue pero nakailag ito. "Wala may iniisip lang."
"Ano ba yang iniisip mo at di ka makakain ng maayos?" Vic pointed at something on her face. "May ketchup ka pa sa mukha."
Nanlaki ang mga mata niya't napahawak sa gilid ng labi.
Fudge! Fudge! Fudge!
Bakit ngayon pa siya nagkalat kung kailan magkasabay pa sila ni Vic mag-breakfast sa Jollibee? Nakakahiya tuloy! Kumuha siya ng tissue saka pinunasan ang gilid ng labi pero nang tignan ito ay wala namang bahid ng ketchup.
Naningkit ang mga mata niya sa kaharap."Niloloko mo ba ako?"
"Hindi. Mali kasi yung pinunasan mo eh." Vic chuckled, reached a tissue then leaned closer to her.
Mika thought slow motions can only be seen in movies, well she's wrong! Habang palapit sa kanya si Vic ay tila bumagal ang galaw ng paligid niya at ito lang ang tanging nakikita ng mga mata niya. What she saw in the movies were true afterall, damn!
Nasira lang ang ilusyon niya nang imbes na punasan, tulad ng inaakala niya, ay inginudngod lang nito ang tissue sa pisngi niya.
"Nandiyan ang ketchup, wala sa gilid ng labi mo." natatawang wika nito saka sumandal pabalik sa upuan nito.
Punyeta.
Napaismid na lang siya saka pinunasan ang pisngi. Hindi niya alam kung paanong napunta roon ang ketchup, ganoon ba siya kawala sa sarili kanina at sa pisngi na niya naisubo ang french fries?
Tinignan niya ang reflection sa screen ng cellphone niya para makasigurado na wala nang natirang ketchup sa mukha. Noon niya rin napansin na humaba na pala ang buhok niya. Actually, parang balik lang sa dati bago siya nagpagupit nang napakaikli two months ago.
"By the way, di pala ako makakasabay ng lunch sa inyo mamaya." aniya nang maalala si Tine.
Susubukan niyang tawagan ito after ng training nila sa umaga since wala na naman silang klase dahil holy week, umaga't hapon nga lang ang training dahil semis na pagbalik nila.
BINABASA MO ANG
Unplanned (Mika Reyes - Ara Galang) ON HOLD
FanfictionA KaRa Fanfic Mika only wanted to speak with her crush for just even once before she finishes her last year in DLSU. She wanted to know what it feels like to have a conversation with Ara Galang. She'll do whatever it takes even if it includes cuttin...