Chapter 2

735K 10.8K 1.1K
                                    

Chapter 2


"Maybe we can use some of your connections?" Nakangising tanong sa akin ni Spade. Habang nakatingin kami sa harap ng malaking monitor dito sa control room. Nasa website kasi kami ng Salvador University para sa admission namin pero sinabi na sarado na ito dahil malapit na preliminary examination nila at close na daw ang enrollment nito.

Kinuha ko ang cellphone ko na nasa ibabaw ng lamesa at tinawagan si Tito Ken.

"Yes, Cassy. Good morning" Agad na sagot ni Tito Ken sa tawag ko. Tinignan ko ulit si Spade na nakangisi nakatingin sa akin.

"I want to study in Salvador University with my friends" Saglit na tumahimik ang kabilang linya.

"So, you're really here for good huh?" Tanong ulit ni Tito Ken.

"Yes" Tanging sagot ko.

"Send me their documents" Sagot ni Tito Ken at narinig ko naman na agad na nag-hiyawan ang mga kaibigan ko sa likod.

"I think this is a good idea than studying online" Masayang sabi ni Heart.

"Yeah' and finally I'm gonna find some hot boys" Sabi ni Ace habang nakatungo lang na nag ne-nail file sa kuko niya.

"You forgot that we're on a mission" Taas kilay na sabi ni Spade sa kanila. Umirap na lamang sila sa sinabi ni Spade.

"Huwag mo kaming gayahin sayo, dude!" Sarcastic na sabi ni Ace.

"Yeah, like we're gonna have fun talaga in the University" Taas kilay na sabi ni Daughne.

"Can I choose culinary course instead?" Nakangiting sabi ni Heart.

"No way!"

"The fuck Hy?"

"Lalabas ba kayo or ibabato ko sa inyo itong dala kong tablet?" Naasar na sabi ni Spade dahil hindi na siya makagawa ng maayos dahil sa ingay ng tatlo

Nang makalabas na ito ay padabog na umupo ulit sa upuan si Spade at mabilis na nagtipa sa keyboard. Mabilis ang mga kamay ni Spade na nagtype sa keyboard bago nito itinuro ang isang picture na pinakita niya sa akin noong isang araw. Ang scorpion na logo na nakaukit sa isang kahoy na pintuan.

"Ito 'yung list sa mga taong involve sa picture, this girl posted the picture at itong tatlong lalaki na ito ang nag-comment." Turo ni Spade sa picture.

"There is something about the comment..." Nakatitig ako sa tatlong comment, the first guy asked the girl kung saang part ito ng school, the second guy commented 'Delete this' and the third guy commented 'You're doomed'.

"After a minute the post has been deleted and girl deactivated her account." dagdag ni Spade.

"What about the first guy who commented the post?" Tanong ko kay Spade habang nakatitig pa rin sa screen. Mabilis na pinagulong ni Spade ang kanyang upuan sa katabing monitor at nag open ito ng facebook account. Hinanap nito ang account ng lalaki ngunit hindi na niya ito makita.

Binuksan ni Spade ang laptop niya na nasa gilid at mabilis ang kamay na nagtype ito.Kapag nasa ganitong state si Spade ay hindi mo na siya pwedeng estorbuhin. After three minutes ay nakangisi na itong lumingon sakin.

"I have my connections too" Nakangising sabi ni Spade at inilapag sa harap ko ang laptop niya. Nakita ko ang isang picture kung saan nakalagay doon ang mga activity nito sa facebook.

Deactivated.

*

Nakahalukipkip silang apat na nakatitig sa kotse ko sa harapan na parang pilit na iniisip kung paano sila makakapasok sa unang araw namin sa University.

Napailing na lamang ako at dumeretso na naglalakad papunta sa kotse ko, ngunit nang makita nila akong naglakad papalapit sa kotse ko ay agad silang nag-unahan na tumakbo papalapit sa kotse ko.

"I got here first"sigaw ni Heart habang hinila ang braso ni Diamond.

"Heart! I'm the one who make sabay with Cassy" Hirit naman ni Diamond at hinila ang buhok ni Heart at idinikit ito sa bintana ng kotse ko.

"Move! Bitches" Malakas na sigaw ni Ace at sinipa sa likod si Spade dahilan upang mabitawan nito ang kanyang yakap yakap na laptop bag. Ngunit hindi naman ito bumagsak dahil mabilis niya itong nasalo at tumalikod upang hampasin ang mukha ni Ace gamit nito.

"Sinalo ko lang talaga to para ihampas sa mukha mo" Nakangising sabi ni Spade.

And the clash begins.

I rolled my eyes bago pinindot ang remote key ng kotse ko at pumasok dito at pinaharurot ito paalis. Napatingin ako sa dash camera ko nakita ko silang napatigil sa pag-aaway nila nang marinig nila ang kotse ko na humarurot palayo  at walang nagawa ng nakamasid na lamang sa papalayo kong kotse.

Sanay na akong makita silang ganyan, wala na atang bagay na hindi nila pinagtatalunan na apat.

Tinignan ko ang orasan na nasa LCD screen ng kotse ko at nakita kong malapit ng mag-alas otso ng umaga kaya mas lalo kung binilisan ang pagpapatakbo ko ng kotse. Huminto ako sa guard house dahil hiningi nito ang ID ko, tinignan niya muna sa computer bago niya binigay ulit ang ID ko.

"Ma'am lagyan ko lang po ng sticker" Paalam ng guard sa akin. Isang simpleng tango lang ang naging sagot ko.

Idinikit niya ang sticker sa ibabaw ng kotse ko gamit ang isang parang mahabang stick.

"RFID sticker po ang nilagay ko, nakadikit po sa ID niyo ang parking number niyo po, kapag sa iba po kayo mag-park ay mag-aalarm po ang RFID scanner na nasa ibabaw po ng parking lot" he instructed. Isang tango lang ang sinagot ko bago pinaandar ulit ng kotse ko papunta sa parking space na binigay sa akin. Nang mahanap ko na ang lugar ay agad kong ipinarada ang kotse ko at kinuha ang envelop na nakapatong sa upuan ng shotgun seat kung saan nandoon ang assessment na ibinigay ng Salvador University nung nag-paenrol kami. Nandoon na rin ang lahat ng subjects na kinuha namin ngayon na semester.

Tinignan ko muna ang oras mula sa wrist watch ko at nakita kong thirty minutes late na pala ako sa unang klase ko. Kaya napag isipan ko na hintayin na lamang ang iba mula dito sa parking lot. Sumandal muna ako sa kotse ko at inilabas ang cellphone ko upang mag browse. Nagbasa ako ng konting facts about the school.

Habang nakatingin ako sa mga comments sa social media accounts ay may huminto na van sa harap ko. It's the black Hyundai H350, it's the customized van of my Tito Ken.

Ang kaninang nag-aaway ay nakangiting lumabas ang apat sa van.

"I thought you gonna iwan na talaga us in the house" Nakangusong sabi ni Daughne sa akin.

"Grabe we watched the new episode of the Stranger things inside, the van is so cool" Pumalakpak na sabi ni Hyra.

"Aren't we late for the first subject?" Nakataas na kilay na sabi ni Arrianne habang nakatingin sa paligid.

"Not bad" Ismid na komento niya.

"Duh! This is just the parking lot" Nakataas na kilay na sabi ni Shy habang ang tingin nito ay nasa hawak parin niyang tablet.

Napatigil ako nang matamdaman ko na hinaplos ni Arianne ang buhok ko. Inayos niya ang buhok ko at maayos na itinago ang mga ilang buhok na lumabas.

"Brown hair looks good on you" sabi niya habang inaayos ang wig na nakapatong sa pula kong buhok.

Tumingin ako sa wristwatch ko at nakita kong magsisimula na sa sunod kong klase. Tinanguan ko lang sila bago nagsimula na akong maglakad papunta sa entrance ng school.

"Wait, Queen!" Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses ni Hyra na sumigaw. Mahigpit kong ikinuyom ang kamao ko upang pigilan ang sarili ko. Bumuga muna ako ng hangin bago lumingon ulit sa likod.

Nakita ko si Hyra na nakatakip ang bibig niya gamit kanang kamay niya at nakataas ang kaliwang kamay na naka peace sign.

"Sorry!" sigaw niya. Tumingin muna ako sa paligid upang masiguro na walang ibang tao bago muling naglakad.


The campus is like a typical campus that we saw on TV. Wala namang magkaiba doon, busy students, classroom, group of friends chit chatting, Instructors, water fountain, garden, quadrangle, cafeteria na may maraming tambay na hindi naman kumakain. Just the same way back when I was in high school.

Tinignan ko muna ang name ng building at ang room number ko na nakasulat sa assessment ko sa next subject ko.

"You know what, there is a thing called map" singit ni Shy na nasa likod ko lang. I forgot that we took the same course. Habang naglalakad ay nag type siya sa tablet niya at hindi umabot ng ilang minuto ay alam na niya ang kung saan ang building ng sunod namin na subject.

Nothing is good in college. In college it doesn't matter if you're smart or not, all you have to do is to pass all the requirements, quizzes and exams.

Napalingon ako sa gilid ko upang tingnan si Shy, nakayuko lang siya habang nakatingin sa tablet niya. Gaya ko hindi rin siya nakikinig sa instructor namin. Lumingon siya sa akin inabot niya sa akin ang tablet niya.

Tinignan ko ang nakalagay doon at nakita ko ang isang mapa at naka satellite view ito. Nakikita ko na ang buong lugar ng school at nakita ko kung gaano pala ito kalawak. Maraming mga puno na nakapalibot dito, dahil kita ito sa satellite view na map ng university. Huminto ang paningin sa may dulo ng school dahil ay may building dito,ang nakapagtataka kasi ay dadaan ka muna sa maraming puno bago makapunta dito.

Muli kong tinignan si Shy at nakita ko na nakangisi na siya sa akin.

"Lunch time?" Tanong niya habang nakangiti na parang sinasabi na 'Alam ko kung ano ang nasa isip mo'.

Tumango lang ako sa sinabi niya at muling tinignan ang tablet ni Shy. Tinignan ko ng mabuti ang lugar upang alalahanin kung saan ang daan nito.

Nang matapos ang second class namin ay may thirty minutes pa kami bago ang sunod na klase at para bigyan ng time ang students na maglakad papunta sa sunod na classroom since malaki ang campus.

Hindi ako sumunod kay Shy at naglakad ako sa opposite na side, papunta sa dapat kong pupuntahan. Mula sa likod ng building ay may maraming malalaking puno at malagong na damo. Hinawi ko ang makapal na damo at nakita ko ang manipis na beaten path. Ito yung maliit na parte na walang damo dahil nadadaanan siya ng tao. Mukhang meron talagang pumupunta sa lugar na iyon base sa nakikita ko na beaten path. Hindi siya kita ng satellite view dahil maliit lang ito.

Walang dalawang isip na humakbang ako sa mula sa malagong damo at sinundan ang maliit na daan.

Habang naglalakad ay mas lalo kong naaninag na ang malaki at lumang gusali. May nakasulat sa harap ng gusali na Infirmary, ngunit sira sira na ito at puno ng kalawang. Naglakad ako papalapit hanggang nasa harap na ako ng malaking lumang gusali. Base sa itsura nito ay mukhang matagal na itong inabandona na gusali.

Nilibot ko ng tingin ang buong paligid dahil may napansin ako. Unang una, hindi makalat ang lugar, walang mga tuyo na damo na nagkalat sa lugar at halata na may nag memaintain na linisan ito. Wala ring tumubo na mga damo sa paligid ng building.

Muli akong naglakad papasok sa building, pagpasok ko ay bumungad sa akin ang malawak na hallway. Naging kulay crema na ang puting pintora dahil sa tagal na nito. May ilang pintoan dito at waiting area na para itong maliit na hospital. Napatingin ako sa kabilang side at nakita ko ang malaking pintoan doon sa dulo. Malaki ito at hindi katulad ng ibang pintoan dito na kulay crema dahil kulay brown ang pintuan na ito at gawa ito sa kahoy.

Habang naglalakad papunta dito ay mas lalo akong hinahatak ng pintuan na ito papalapit, dahil mas naging malapit ako sa pintuan na ito ay mas maliwanag kong nakikita ang disenyo nito. Parang naitulos ako sa kinatatayuan ko habang nakatitig sa malaking pintuan na nasa harapan ko. Mariin kong ikinuyom ang kamao habang nakatitig sa simbolo na nakaukit sa malaking pintuan na gawa sa kahoy. Nanginginig ang mga kamay ko na parang may sarili buhay na umangat ito upang haplusin ang nakaukit nitong simbolo.

"Scorpion" Bulalas ko.

"You're not supposed to be here" Napatigil ako nang may lalaking nagsalita sa likod ko. Hindi ako lumingon sa kanya at nanatili lamang ako sa kinatatayuan ko.

"Miss, kailangan mo ng umalis!" Muli itong nagsalita ngunit nanatili pa rin akong nakatalikod sa kanya habang nakaharap parin sa malaking pinto. Ayokong umalis, I'm almost there. Hindi ako papayag na umalis sa lugar na ito dahil alam ko, alam ko sa isip ko na makilala ko na siya.

Hanggang maramdaman ko ang malapad niyang palad sa balikat ko at marahas niya akong iniharap sa kanya.

"You shouldn't be here, this place is forbidden" Mariin niyang sabi sa akin. Ngunit nanatili pa rin akong nakatitig sa kanya at walang plano na umalis.

"I like the symbol" Tanging sabi ko at itinuro ang malaking scorpion. Tinignan niya ang daliri ko kung nasaan ito nakaturo at nakita ko ang panlalaki ng mata niya bago niya ako hinila.

"Go back now! Bago pa sila dumating" Pagbabanta niya sa akin. Kita ko sa mukha niya ang takot at pagkataranta.

Tumingin muna siya sa wristwatch niya bago niya ako tinulak ng malakas at nagmamadali ito na pumasok sa loob ng malaking pinto. Napaatras ako sa lakas ng tulak niya sa akin. Ngunit hindi pa rin ako nag-patinag at nanatili pa rin ako sa lugar na iyon, nakatitig sa malaking pintuan at sa nakaukit nitong simbolo. Matagal ko ng hinahanap ang ang simbolo na ito , dahil alam ko na kapag makita ko na ito ay malapit na ako sa taong hinahanap ko.

Napatigil ako nang maramdaman ko nang may matigas na kamay na humawak sa kaliwang balikat ko. Ramdam na ramdam ko ang higpit nito ngunit hindi doon ang nasa isip ko, nasa isip ko kung paano ang hindi ko napansin presensya niya.

Kapag ang tao ay hindi ko nararamdaman ang presensiya nila, dalawa lang ang ibig sabihin niyan. He's a thief or he's a killer.

Napakuyom ang kamao ko nang maramdaman ko ang higpit ng hawak niya sa balikat ko na parang babaliin niya ang buto ko.

Sinuri pa niya ang buong mukha ko, na parang inaalala kung sino ako. Nilagay niya ang daliri niya sa sa baba ko at inangat niya ang mukha ko.

"Do you want to die?" Walang buhay nitong sabi sa akin. Hindi ko siya sinagot at umatras lamang ako at tumalikod sa kanya.

"No" Tanging sagot ko at naglakad paalis.

Nang makalabas ay malalaking hakbang ang ginawa ko upang mabilis akong makalayo sa lugar na iyon. Nang masigurado ko na nakalayo na ako ay pasimple kong inayos ang wig na sout ko.

I hope he doesn't recognize me. Nang makalabas ako sa malalagong damuhan ay para akong nakahinga ng maluwag.

Habang naglalakad papunta sa room ay inilabas ko ang phone ko.

I searched about Scorpion Gang

Walang masyadong lumabas na result pero nakita ko ang iilang forum na lumabas sa result.

"Fan ka rin nila?" Napatigil ako nang may narinig akong nagsalita sa gilid ko. Hindi na ako lumingon sa kanya dahil nakikita ko naman siya mula sa peripheral view ko.

"Nope"

"Hindi daw tapos hinanap sa google. Ayeee crush mo ang leader nila noh?" She beamed. Sinundot niya ang bewang ko gamit ang daliri niya.

Napatigil ako sa paglalakad dahil sa ginawa niya, dahan dahan akong lumingon sa gilid at mariing nakatitig sa mukha niya.

"No" Walang buhay kong sagot sa kanya. Kita ko ang paglunok ng laway niya bago pinagdikit nito ang labi niya.

"Sorry" Mahina niyang sagot habang dahan dahan na napayuko sa akin. Tinignan ko muna siya mula ulo hanggang paa at nang makita ko na mukhang matino naman ito.

The Gangster Chick [UNDER MAJOR EDITING] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon