Chapter11 : Trust

352K 8.4K 307
                                    

MADAMING ERROR SOBRA!

The Gangster Chick 11

As usual panalo naman ako at padabog na lumabas si Zuko habang ang sama ng tingin sa akin.

"Paano ba yan? Sa akin na ang Lambo mo" sabi ko at sinipa lang niya ang gulong ng kotse niya at padabog na naglakad

Agad na tumakbo sila Rainer at Dred papunta sa kotse ko at binuksan ang shotgun seat. Kumunot ang noo ni Dred habang si Rainer naman ay napanganga

"Gisingin niyo yan..tulog yan buong byahe" sabi ko nang makita nilang nakaupo lang si Cassy habang nakapatong ang paa at may earphone ang tenga.

"Sinuntok mo ano?"sabi ni Rainer kaya natawa ako.

"Nakuha pa nga niyang mag-soundtrip tapos sinuntok? Kayong bahala sa lambo ko" sabi ko at pumunta sa bar ng Race Track

--

"Oh? Asan ang babaeng yun?" tanong ko kay Dred at Rainer nung umupo sila sa long Chair

"Suko na ako Dude..ang hirap gisingin ng babaeng yun" sabi ni Rain at nagpunas ng pawis. "Namaos na ako

kakasigaw hindi pa rin gumising. Anong klaseng tao ba yun? Bingi kapag tulog?" sabi ni Rain at nilagok ang isang bote ng beer.

Tulog mantika talaga yung babaeng yu Naalala ko tuloy ang aksidenteng noong nahulog siya sa puno at tulog pa rin

"Uwi na ako"sabi ko at tumayo na. Ihahatid ko pa ang babaeng yun.

Tahimik lang akong nag-drive pabalik sa bahay nila Cassy alangan naman mag-ingay ako eh ako lang ang gising tulog ang katabi ko. Nang makarating ako sa tapat ng gate nila ay agad ko siyang tinapik

"Hoy,Babae gumising ka"

"HOY!"

"CASSANDRA"

Grabe tulog pa rin?

"Kapag hindi ka gumising hahalikan kita" pagbabanta ko pero wala pa ring epekto.

"Aish! Ang tagal mo gumising" inis kong sabi. Inilapit ko na lang ang bibig ko sa tenga niya at huminga ng malalim

"CA.SAN.DRA.GI.SING" sigaw ko sa tenga niya. Umupo ako ng maayos at nakahinga ng maluwag ng dumilat siya at ipinasok ang daliri sa tenga niya at kinalikot ito. Gusto kong matawa sa ginawa niya para kasi siyang bata

"Nandito na tayo" sabi ko kaya pinasok na agad niya ang cellphone niya sa bulsa at lumabas. Nagmamadali naman akong sinundan siya.

"T-Teka? Hindi ka ba magtatanong kung sino ang nanalo?" habol ko sa kanya pero tumigil lang siya sa paglakad

"Alam ko..." bigla akong natigilan sa sinabi niya

Pero mas lalo akong natigilan sa huli niyang sinabi na hindi ko ineexpect na may magsabi sa akin nun. Apat na salita

"May tiwala ako sa'yo"

The Gangster Chick [UNDER MAJOR EDITING] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon