Chapter 5

40 1 0
                                    

Chapter 5: Sana

Elle's POV

"Seriously?! Kapag talaga nakita ko ang babaeng 'yun naku! Keanne Adonica Suarez is back! Makikita niya ang hinahanap niyang katapat!" Sigaw ni Kea.

Napa-face palm nalang ako sa pinagsasasabi ni Kea. Kinuwento na kasi ni Rye sa kanya at ang babaeng 'to ay OA na rin.

"Go Kea!" Isa pa 'tong si Rye eh! Ano bang trip nila?!

"Ingay ah?!" Inis kong sambit sa kanila at tiningnan ulit ang cellphone ko.

"PMS bes? Kaloka ka!" Rye said at hindi ko nalang pinansin iyon.

Nag-usap na sila Rye and Kea about some stuff na hindi ko magets. Thalia is on her classroom already dahil may klase siya.

Nasaktuhan lang niyang walang teacher sila nung time kanina.

Nagscro-scroll ako sa Facebook ng biglang may nagpop-up na profile picture na bilog sa gilid.

Kay Ethan 'yun ah!

Nagdalawang-isip pa ako kung bubuksan ko. Mamaya kasi hindi ko replyan tapos naka-seen na!

Loka!

But, binuksan ko rin dahil curious ako eh!

Ethan Pascual
Active Now

Elle?

Aish! Pangalan mo lang 'yan! OA naman ng pusong 'to!

Bakit?

Ayy! Bakit nag-reply?! Ang baliw mo! Hindi mo nga sinipot kahapon tapos ang bilis pang replyan?! Shunga!

I'm glad that you already replied :)

Enebe! Nakalaimutan mo na ba ang pinagsasasahi niya sa'yo, Elle?! Martyr mo self!

K.

Putek! Anong klaseng reply 'yun, Gabrielle?! Nasisiraan ka na ba ng bait?! Pakipot reply 'yan!

Ide-delete ko na sana kaso...

Seen 10:16 AM

"Hoy Gabrielle! Para kang pinagbagsakan ng langit at lupa dyan!" Kea shouted.

Nabalik naman ako sa katinuan. Tch.

Can we meet? Sa park? Anong oras mo gusto?

Jusme! Ano na?!

"Earth 'to Elle? Hello? Alien ka na ba?" Rye asked at sinamaan ko ng tingin.

"Ano ba kasing me--- Oh my god! Um-oo ka na 'cuz! Arte pa ba?!" Sigaw ni Kea sa akin.

She saw my phone at nakitingin na rin si Rye at nagtititili na lang sila. Wow. Ang peaceful.

Huminga ako ng malalim at nag-reply sa kanya.

Can't. Gotta go.

Sabay log-out.

Okay na.

"Aww... Kawawa naman si Ethan! Well, mahirap talagang suyuin ang nasaktan at pakipot."

Falling For Someone Else (Suarez Series #1)Where stories live. Discover now