Halos maubusan ng hininga si Agustin, ngunit napatigil nalang ang lalaki nang marinig ang isang malakas na sigaw mula sa likuran nito.
"Solomon!"
Napatingin nalang ang lalaki sa kinatatayuan ni Trining,
Nagising naman si Satana at agad namang lumabas ng kwarto upang makita ang mga nangyayari.
Pagkalabas ng kwarto ay nagulat din ito sa nadatnan.
"Itay?"
takot na tugon niya.
"Kumalma ka Solomon, siya si Agustin ang asawa ni Satana."
Nang marinig ang sinabi ni Trining ay agad namang binaba ng lalaki ang hawak niyang itak.
Habang si Agustin ay nanatiling balisa at hindi parin maalis-alis ang labis na takot dito.
Agad namang lumapit si Satana sa asawa upang alalayan ito.
"Ayos ka lang ba Mahal?"
Pag aalala nito.
Tumango lang si Agustin bilang tugon.
"Matulog na kayo, bukas nalang natin pag-usapan to"
Tugon ni Trining habang nakatingin sa asawang si Solomon.
Habang papasok sina Satana at Agustin sa kanilang silid ay hindi parin maalis ang tingin ni Solomon sa asawa ng kanyang anak.
..............
Pagkasikat ng araw, naging abala naman ang lahat.
Habang nagsisibak ng kahoy si Agustin ay nagulat ito ng biglang sumulpot si Solomon sa kanyang likuran.
"Magandang umaga po."
Magalang na bati nito.
"Magandang umaga din"
Di nito inakala na tutugon din ang matanda sa kanya.
Sa oras na iyon ay nag-aalangan parin itong kausapin ang ama ni Satana.
"Pasensya ka na sa nangyari kagabi, hindi ko alam na ikaw pala ang asawa ng anak ko"
pagpapatuloy ni Solomon.
Napatigil naman si Agustin sa ginagawa nito at hinarap ang matanda.
"Pasensya na din po. Natakot lang din po ako kagabi"
Ngumiti lang si Solomon at sumagot.
"sabi nila taga Maynila ka raw?"
seryosong tanong ni Solomon
"Opo. Dun kami nagkakilala ni Satana"
Masayang sagot ni Agustin.
"Kailan pa kayo nagpakasal ng anak ko?"
Biglang tanong ng matanda. Napatingin naman dito si Agustin at sumagot.
"Mag-iisang taon na po."
Napatango nalang si Solomon at sumagot.
"Matagal na pala, nawalan kasi kami balita kay Satana, mula noong umalis siya upang magtrabaho sa Maynila."
pahayag ng matanda.
Nakaramdam naman ng lungkot si Agustin sa narinig
"Pasensiya na po at ngayon lang namin naisapan ng asawa ko ang dumalaw dito."
BINABASA MO ANG
BARYO (Soon To Be Published As Animation Picture)
HorrorBreakthrough horror story, A top rated masterpiece and Wattpad featured Story. Muling balikan ang kwentong nagpasindak sa mundo ng wattpad.