Tahimik na nakarating sa kanilang tirahan sina Satana at Agustin.
Agad namang inalalayan ni Satana ang lasing na asawa patungo sa kanilang silid at ilang saglit lang ay tuluyan na rin iyong nakatulog.
Pagkarating ng umaga ay nauna namang nagising si Satana, Nanatiling balisa ito habang humahakbang palabas ng kanilang silid, habang naglalakad patungo sa kanilang kusina ay nakarinig naman ito ng mga boses at sigurado siyang boses iyon ng kanyang ama at ina na tila ba ay may seryosong pinag-uusapan.
"Dalawang araw nalang ay sasapit na ang piyesta ng Baryo, at sa araw na yun ay kailangan na nating pagdesisyunan ang magiging kapalaran ni Agustin."
Sambit ni Solomon.
"Wag mong sabihing, gagawin natin ang binabalak mo Solomon?"
Pag-aalala naman ni Trining.
"Delikado kung papakawalan natin siya, kung sakaling hindi niya matanggap ang lahi natin, sigurado akong aalis siya dito at ipagkakalat niya ang tungkol sa atin at ang lihim ng Baryong ito!"
Tugon naman ng matandang lalaki.
"Pero asawa siya ng anak mo Solomon, kamumuhian ka ng anak mo kung itutuloy mo yang balak mo!"
Napailing naman si Solomon at sumagot.
"Wala na akong magagawa Trining, ayaw kong isugal ang kapakanan ng lahi natin. Si Satana ang bagong itinakda at kung hahayaan natin siyang umalis na kasama ang mag-ama niya, ay mawawalan ng pinuno ang lahi natin. Kung ang tanging paraan lang ay ang kamatayan ni Agustin upang manatili siya dito ay handa akong isagawa ang aking plano Trining."
Napatakip ng bibig si Satana habang pinapakinggan ang pag-uusap ng kanyang mga magulang.
Naka kubli lang ito sa likod ng pinto at pilit na pinipigilan ang kaba at takot sa pwedeng sapitin ng pinakamamahal niyang asawa sa kamay ng sariling pamilya at angkan na kinabibilangan niya.
.............
Pagkagising ni Agustin mula sa mahimbing na pagtulog ay nadatnan naman nito ang asawa na umiiyak habang nililigpit ang kanilang mga gamit.
Agad naman itong lumapit at nagtaka.
"Satana? anong ginawa mo?"
tanong nito.
"kailangan na nating umalis dito Agustin!"
Takot na tugon ni Satana
"Teka? bakit may problema ba? bakit tayo aalis?"
Naguguluhang tanong ni Agustin habang hinahawan ang balikat ng asawa.
Tumingin si Satana sa mga mata ni Agustin, habang patuloy lang ang pagdaloy ng kanyang mga luha.
"Agustin, may kailangan kang malaman"
Serysosong bigkas ni Satana
"Ano yun?"
Nangangambang tanong naman ni Agustin.
BINABASA MO ANG
BARYO (Soon To Be Published As Animation Picture)
HorreurBreakthrough horror story, A top rated masterpiece and Wattpad featured Story. Muling balikan ang kwentong nagpasindak sa mundo ng wattpad.