5

60.9K 1K 40
                                    

Nagising ang diwa ni Satana ng marinig ang malakas na katok sa pintuan ng silid nila. Dali-dali naman itong bumangon at binuksan iyon.

Nagulat nalang ito nang bumungad sa pintuan si Agustin, na pawis at hingal na hingal.

"Agustin anong nangyari?"

pag-aalala ni Satana.

"Nasaan si Lino? kailangan na nating umalis dito!"

takot na tugon ni Agustin.

"Ano bang nangyayari?"

Tanong uli ni Satana.

"Mga halimaw ang tao dito! Mga halimaw sila Satana!"

malakas na sigaw ni Agustin, at bakas na bakas ang takot sa mga mata nito.

Bigla namang napatigil si Satana sa natahamik, napa-upo nalang ito sa gilid ng kama at pinagmasdan ang natatarantang si Agustin na abala naman sa pag-aayos ng kanilang mga gamit.

Huminga muna ito ng malalim bago nagsalita.

"Mg aswang, mga aswang ang mga tao dito Agustin"

Napatingin si Agustin sa asawa at napakunot-noo.

"Alam mo ang tungkol sa kanila?"

pagtataka nito.

Napatango nalang si Satana bilang tugon.

"Kung ganoon, kailangan na nating umalis, hinahabol nila ako Satana at alam kong ano mang oras mula ngayon ay makakarating na sila dito."

Napatayo naman si Satana at hinarap ang asawa.

"Agustin hindi mo naiintindihan, ako at ang pamilya ko ay kabilang sa kanila, mga aswang din kami Agustin."

Napatulala nalang bigla si Agustin sa narinig. Bigla ay napaatras nalang ito mula sa kanyang kinatatayuan.

"Hindi totoo yan. Sabihin mo sa akin na nagsisinungaling ka!"

Sigaw ni Agustin.

Napatakip nalang ng bibig si Satana at biglang nanlumo.

"Patawarin mo Agustin. Patawarin mo ako."

Pagmamakaawa ni Satana.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin Satana? Bakit mo hinayaang mapahamak kami ng anak mo?"

Nanginginig na bigkas ni Agustin.

"Patawad Agustin, natakot ako na baka hindi mo ako matanggap, kaya kita pilit na pinigilan na pumunta dito kasi ayaw kong mapahamak kayo ni Lino."

paghihinagpis ni Satana.

"Kukunin ko na si Lino at aalis kami sa lugar na to!"

Gigil na bigkas ni Agustin.

Bago pa man naka kilos ay agad namang nahawan ni Satana ang braso ng asawa at pinigilan ito.

"Huwag! Delikado Agustin, Maraming nakaantabay sayo sa mga oras na ito, si ama ang pinuno ng Baryo hindi ka nila pupuntahan dito, antayin na natin ang bukang liwayway bago tumakas, mas ligtas kapag nasilayan na natin ang araw."

Tensyonadong sabi ni Satana.

Napatigil naman si Agustin at agad namang tinanggal ang kamay ng asawa sa kanyang braso.

BARYO (Soon To Be Published As Animation Picture)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon