2

78.5K 1.4K 178
                                    

Tahimik na naka upo sa maliit na sala si Agustin habang pinapatulog ang anak.

Samantalang si Satana at Trining ay abala naman sa paghahanda ng hapunan sa may kusina.

Namayani ang katahimikan sa pagitan ng mag-ina, hanggang sa magsalita si Trining.

"Siguradong magagalit ang ama mo nito Satana"

Pabulong na sabi ni ng may edad na babae sa anak.

"Ayaw ko na sanang pumunta dito nay, pinilit lang ako ng asawa ko, sasabihin ko din naman sa kanya eh, siguro hindi lang ngayon"

Tugon ni Satana na may halong pag-aalala sa boses.

"Ibig mo bang sabihin ay hindi pa niya alam? Nahihibang ka na ba Satana? Sa tingin mo ba matatanggap niya?"

Mariing sambit ni Trining habang nilalatag ang pinggan sa lamesa

"Ayokong madamay ang mag-ama ko nay, gusto ko lang ipaalam sa inyo ang tungkol sa amin ni Agustin, gusto ko lang na makilala niyo ang anak ko at pagkatapos noon ay aalis din kami sa lugar na ito. Mabubuhay kami ng payapa katulad ng dati."

Sambit ni Satana.

Bago paman makasagot si Trining ay nagulat ito ng marinig nang biglang umiyak si Lino.

agad namang lumapit si Satana sa asawa upang tulungan iyon sa pagtahan sa sanggol.

............

Nasa hapagkainan na sina Agustin, Satana , Trining at ang nakakatandang kapatid ni Satana na si Fonse.

Masayang hinain ni Fonse ang pagkain sa hapag, habang si Trining naman ang nag aayos ng mesa.

Nakaramdam bigla ng gutom si Agustin kaya agad nitong sinungaban ang nakahaing nilaga.

Ngunit bago paman ito makasubo ay nagulat nalang siya ng bigla itong pigilan ni Satana.

"Ba-bawal ka sa karne di ba?"

Tugon ng babae habang ang mga mata ay nakatirik sa asawa.

Napahinto naman sa pagkain ang mag inang Trining at Fonse at nabaling din ang atensyon sa dalawa.

"Pagbigyan  mo na Satana, nang matikman naman ng asawa mo ang paboritong pagkain natin"

pahayag ni Fonse na mariin namang nakatingin sa kapatid.

"Sige na mahal, isa lang, kahit ngayon lang"

pakiusap naman ni Agustin sa naglalambing na boses.

Hindi na tumugon si Satana at napayuko nalang na tila wala ng magawa, bagaman bigla naman itong napatingin sa inang si Trining.

"Nay sa susunod, sana ay gulay nalang ang ihain niyo sa amin."

Seryosong bigkas ni Satana.

.............

Madaling araw ng magising si Agustin at nakaramdam ng biglaang pananakit ng tiyan.

Hindi niya maunawaan ngunit tila nasusuka ito at humahapdi ang kanyang sikmura.

Tahimik ang buong paligid at wala siyang magawa kundi indahin ang sakit.

maya-maya pa ay  hindi narin nito kinaya ang hapdi ng sikmura, ma-ingat siyang tumungo sa palikuran at mabilis na nagsuka.

Ilang sandali din siyang nanatili sa ganoong sitwasyon, hanggang sa tuluyan na ring nawala ang sakit ng kanyang tiyan.

Sa kanyang paglabas ay dahan-dahan niyang tinahak ang daan pabalik sa kanilang silid,

kasalukuyan siyang nasa sala ng bigla ay isang kaluskos ang narinig niya mula sa labasan.

Tahimik na pinakiramdaman niya ang paligid hanggang sa ang kaluskos ang tila bumibilis.

Biglang nakaramdam ng kakaibang kaba si Agustin, mas lumala pa ito ng may biglang kumalapag sa pintuan sa may sala.

Patuloy lang ang pagkalapag sa pinto na tila may isang nilalang sa likod noon ang gustong makapasok.

kinakabahan man ay pinilit parin ni Agustin ang humakbang upang puntahan ang pinto.

"Si-Sino yan?"

Wala itong nakuhang sagot ngunit patuloy parin ang ingay na kumakalampag sa may pintuan.

Hindi na alam ni Agustin ang gagawin kaya pinili na nitong buksan ang pinto upang makita na kung sino man ang nandoon.

Sa pagbukas ng pinto ay nanlaki nalang ang mga mata nito at napaatras sa nakita.

Tumambad sa paningin niya ang isang matangkad at balbas-saradong lalaki, puro dugo ang katawan nakatirik din ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya.

Mas lalong nanlaki ang mga mata ni Agustin ng makita ang hawak nitong itak at sako.

Naamoy pa niya ang malansang likido na tila ay kumakapit sa katawan ng lalaki.

Napatingin muli si Agustin sa madungis na lalaki, nakatirik parin ang mga mata nito na tila ba ay gustong pumatay ng tao.

Wala ng nagawa si Agustin kundi ang umatras sa sobrang takot.

"Sino ka? anong kailangan mo?"

takot na tanong nito.

Lalo pang nanginig ang mga tuhod ni Agustin ng lumapit sa kanya ang lalaki at itinaas ang hawak nitong itak.

"Anong, anong gagawin mo?"

Nanginginig na tanong nito.

Wala naman siyang nakuhang tugon mula sa lalaki,

hanggang sa tuluyan ng sumugod iyon sa kinatatayuan niya.

Isang kakaibang kilabot ang naramdaman ni Agustin ng makita ang lalaki na tila ilang hakbang nalang ang layo sa kanya.

"Huwag ,Huwag! Ahhh!"

sigaw nito sa labis na takot.



BARYO (Soon To Be Published As Animation Picture)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon