Yaz POV:
"Shocks! Patay ako kay Meg! Late na naman. Bakit ba kasi ngayon pa malala ang traffic?!" sigaw ko sa utak ko yan, kasi naman. Ngayon pa talaga traffic, kung kailan ako niyaya pumunta sa school nila."On the way na ako, lapit na. Promise tol", yan na lang ang nai-reply ko sa kanya nung nagtext na naman siya kung nasaan na ako.
"Siguraduhin mo ha? Bagal, babae ka talaga." response naman ni Meg na best friend ko since elementary. Nga pala, parehas kami niyan. Parehas babae ang gusto. Hehe. Well, sorry.
"Gago, ang traffic kaya. Saglit lang, lapit na ako sa gate ng school niyo. Nasaan ka ba?" -ako.
"Nasa may gate, pasok ka lang. Hindi ka na papansinin ng guard." -Meg.
"Okay." -ako.
Napasigaw naman kaming dalawa nung nagkita, parang nag abroad at hindi nagkita ng matagal.
"Tol!!!" -sabay pa talaga kami.
"Nabakla ka na naman tol sa akin." -ako.
"Mandiri ka tol! Hindi tayo talo!" -Meg.
"Hehe. Alam ko! Geh na, nasaan na si Manel?" -ako.
"Yun! Kaya naman pala pumunta, may gustong makita" -Meg.
"Agad na, hindi kaya. Kaya crush ko lang yun" -ako.
Si Manel kasi ultimate crush ko nung elementary, medyo clingy kasi yun nun dati. A-attend kami minsan ng flag ceremony ng naka holding hands siya sa akin, di ba? PDA! Hehe.
"Huwag ako!" -Meg.
Palakad na kami papunta sa room nila nung Sophomore sila ng may makasalubong kaming napakagandang babae. Anghel ata siya e. At may kasama siya. Kaklase ata ni Meg ang dalawang ito kaya napatigil kami.
"Oh?! San kayo pupunta?" -Meg.
"May hahanapin lang na pangit nitong si ..... (Hindi ko narinig ang name kasi biglang tumunog yung stereo ng gym, sayang)" -sabi nung isang babae na katabi ni miss ganda.
"Ah. Sige, nga pala si Yaz. Best friend ko." -Meg.
"Hi!" -ako.
"Tara na" -sabi ni miss ganda.
"Sige Meg at Yaz, maya na lang. Atat na kasama ko" -babae na katabi ni miss ganda
"Geh, tara na tol." -aya naman ni Meg sa akin. Nawala naman ang pag iisip ko kay ganda ng makita ko at makasalubong si Manel. Grabe! Ganda niya talaga, payat si Manel. Maganda, magaling kumanta, matangos ang ilong, mabait yan mukha lang masungit sa una at may dimples sa may ilalim ng mata yung parang kay Alyssa Valdez ang dimples.
"Kamusta?" -Manel.
"Cute pa din, ikaw? 😁" -ako.
"Yabang pa din" -Manel.
"Humble ako, di ba? Sabi mo dati, yun nga tawag mo sa akin e. 😂😂😂" -ako. Napagkamalan niya kasi na Humble ang english ng mayabang. Hehe.
"Sira ka! Bakit ka andito? Iba school mo ah?!" -Manel.
"Bawal bumisita? Na-miss mo talaga ako" -ako.
"Hoy! Andito ako, landian kayo ng landian diyan." -Meg.
"Landian agad? Eww!" -Manel.
"Sweet mo talaga sa akin, ano?" -ako.
"Sige na, inip na si Meg. Bye. See you soon." -Manel.
"Hep! Hep! Hep! Number mo, lagay mo. Dali." -ako.
"Geh na nga, akina na yang cp mo." -Manel.
"Ayun oh?! Sige, thanks Manel." -ako.
"Sayang saya ka naman. Geh, bye. Bye din sayo Meg." -Manel.
"Napansin lang ako nung nagreklamo at paalis na." -Meg.
"Hehe. Yaan mo na, magkapitbahay naman tayo at schoolmate. Yang isa diyan kasi, yaman kaya iba ang school" -Manel.
"Agad na, sige na. Text na lang kita o tawagan, masyado mo akong na-miss kaya hindi ka makaalis. Hehe." -ako.
"Sus! If i know! Geh na." -Manel.
Ayun, umalis na nga at nagpunta na kami ni Meg sa room nila. Nakita naman agad ni Meg mga ka-tropa niya na nagkukumpulan. Kaya umupo na kami agad.

YOU ARE READING
Say You Won't Let Go
General FictionMinsan, mas okay pa kung hindi ka na lang pinapaasa sa mga pinaparamdam niya sayo dahil lang sa alam niyang mahal mo siya. At kapag kapit na kapit ka na, alam mo ang masakit. Ang napakasakit ay yung bigla ka niyang bibitawan. Bigla ka na lang iiwan...