Ligaw? Courtship? Ano Yun?

2 0 0
                                    

Yaz' POV:
Alam niyo ba yung pakiramdam na ayaw mo namang maisip yung isang bagay pero napasok pa rin sa isip mo? Hays. Badtrip! Ilang months na din nung sinabi sa akin ni Meg na ligawan ko na kaya lang natatakot pa rin ako. Ngayon kasi kontento na akong ka-text, katawagan si Dorothy. Pero syempre, iba pa din nga talaga yung may label. Di ba?

September na ngayon, at trip na trip ko yung kanta na Wake Me Up When September Ends. Langya, inaraw araw ko na atang inisip si Dorothy. Tuwing gigising, kakain, papasok, mag aaral, liligo, magbabasa, gagala at tutulog at lahat na ata ng ginagawa namin ay magka text kami. Hindi man kami nagkikita pa ulit pero masaya na ako dun. Gusto ko ng manligaw! Kaya ko ito, di ba guys?! Wish me luck!

"Hi Ms. Ganda! :)" -ako.

"Hello! Musta?" -Dorothy.

"Eto, miss ka na. Dorothy, pwedeng magtanong?" -ako.

"Ano yun?" -Dorothy.

"Matagal mo na din naman akong nakaka text, di ba? May common friend naman tayo, pwede kang magtanong sa kanya ng information about me. Saka may tiwala ka na naman sa akin, di ba?" -ako.

"Oh? Tapos?" -Dorothy.

"Dorothy, pwede bang ligawan kita? I mean, gusto kita. Hindi scrap it. Na-love at first sight na ako nung una pa lang kita nakita, nakilala. Mas na-realized ko lang ngayon na mahal na talaga kita, na hindi ko na alam mabuhay ng hindi kita nakakausap sa isang araw. O kahit nga sa isang oras lang e. Pero kung ayaw mo naman po o wala akong pag asa, okay lang. Wag mo lang sana ako din lalayuan. Okay lang kung friendship lang maibibigay mo." -ako.

"Okay." -Dorothy.

"Anong okay? Okay na pwede kitang ligawan o hanggang pagkakaibigan lang?" -ako.

"Okay lang na ligawan mo." -Dorothy.

"Talaga?! Sure ka?! Hindi ka nagbibiro?!" -ako.

"Ayaw mo. Siya, wag na." -Dorothy.

"Hala! Wala ng bawian. Liligawan na kita." -ako.

"Yun naman pala e, paayaw ayaw pa." -Dorothy.

"Wala po akong sinabing ayaw, naninigurado lang. Hehe. Problema ko ngayon, ikaw pa lang maliligawan ko. Hehe." -ako.

"Weh? Sabi ni Meg, may crush ka daw sa isang kaklase ninyo dati. Tapos, magka holding hands pa kung a-attend ng flag ceremony. Wag ako." -Dorothy.

"Siya kaya ang nahawakan ng kamay ko. Hehe. Saka FYI lang, hindi ko niligawan yun. Gentlewoman lang talaga ako." -ako.

"Sus." -Dorothy.

"Hehe. Basta, ipaparamdam ko na lang na mahal kita." -ako.

"Okay. :)" -Dorothy.

"I love you!" -ako.

"Thanks." -Dorothy.

---------------------------------------------------------
Yaz' POV:
December 1st na pero patuloy pa rin ang panliligaw ko. Hays. Nakaka challenge manligaw. Hindi kami makapagkita, kasi naman. Hindi parehas sched ng pasok at uwian namin. Bahala na. Kaya pa ito.

Dorothy's POV:
December 5th na. At eto, kinikilig ako sa taong nakaka text ko lang at nakaka tawagan. Napapangiti din ako sa mga banat niya. Balak ko na siyang sagutin kaso ang kupad, paano ko sasagutin? E hindi naman ako tinatanong? Pakibatukan nga po siya para magtanong na.

"Hi mahal ko" -Yaz.

"Hello pangit." -ako.

"Ikaw ba si Beauty?" -Yaz

"Ha? Sinong beauty? Akala ko ba ako lang nililigawan mo? Two timer!" -ako.

"Hala! Basag trip naman e. Pick up line sana yun. Sagot mo dapat ay bakit. Saka ikaw lang nililigawan ko." -Yaz.

"Ay, ganun?! Hehe. Sige, ulit." -ako.

"Ba yan, sige. Ulitin ko po ha? Ikaw ba si beauty?" -Yaz.

"Bakit?" -ako.

"Ako kasi ang Beast mo." -Yaz.

"Ano?" -sa totoo lang hindi ko gets.

"Slow naman ng mahal ko. Beauty and the Beast po. Tinawag mo kasi akong pangit. Hays. Gwapo ko kaya. Cute pa." -Yaz.

"Saang part? Pasensiya na, slow e. Hehe." -ako.

"Ahmm. Dorothy, mahal ko. Pwede magtanong ulit?" -Yaz.

"Nagtatanong ka na, kanina pa." -ako.

"Sabi ko nga po." -Yaz.

"Dorothy, matagal na din naman po ako nanliligaw di ba? Alam ko hindi pa tayo nagkikita ulit pero gusto ko lang sana malaman ngayon kung may pag asa ba ako? Hindi pala yun, gusto ko malaman kung pwede na ba kitang maging better half ko? Ang nag iisang nagturo sa akin kung paano ang magmahal ng ganito? Can you be my girlfriend?" -Yaz.

Kinikilig ako. Ano ba itong ginagawa mo sa akin Yaz?! Sa sobrang kakikigan ko, ilang minuto na pala akong kinikilig kaya nagtext na naman ang mahal ko.

"Okay lang kung basted po ako. Kung friends lang kaya, okay lang po. I don't want to let you go din as my friend." -Yaz.

Hala! Hindi man lang hinintay reply ko. Makapag reply na nga.

"Sira! Magtatanong ka kung pwede akong maging gf mo tapos hindi pa nakakasagot, babawiin mo agad. And for your question na kung pwede mo ba akong maging gf. Opo, pwede. Mahal kita." -ako.

"Yes!!! Yehey!!! Wala ng bawian yan ha?! Official na! Tayo na po kkul." -Yaz.

"Kkul?" -ako.

"kkul, korean word para sa hon. Kul lang basa diyan. I love you kkul! 😘😘😘" -Yaz.

"Daming alam naman ni kkul ko." -ako.

"Hehe. Syempre naman po. Inspire na inspire po e. I love you! 😘😘😘" -Yaz.

Say You Won't Let GoWhere stories live. Discover now