"Hi"
"Laica, ikaw ba yan? Hinahanap ka kanina, bakit ka absent? May assignment tayo"
"Hi! Sorry miss Ganda, hindi ako si Laica. Ako yung best friend ni Meg. Yung pinakilala niya sa inyo nung enrollment ninyo, remember?"
"Ay, sorry. So, sa kanya mo nakuha number ko?"
"Oo e, pasensiya na. Pinilit ko talaga si Meg na ibigay number mo sa akin. Gusto ko lang makipag kaibigan sayo. Okay lang ba?"
"Pwede naman, teka. Ano nga name mo?"
"Akala ko ba, naalala mo? Hehe. Yaz, Yaz Perez. Ikaw?"
"Naalala kong may ipinakilala siya, hindi ko lang natandaan ang name mo. Saka paano mo hiningi number ko kay Meg? Hindi mo pala tanda din name ko? Ikaw ha?"
"Hehe. Dinescribe kasi kita. Ayun, so what is your name miss Ganda?"
"Parang gusto kong yan na lang tawag mo sa akin. Hehe."
"Daya naman e. Please."
"Okay, Dorothy Guzman"
"Ganda naman ng name. God's gift ang meaning. Regalo ka nga talaga ni God."
"Wow naman! Pero salamat. I know right! 😉"
---------------------------------------------------------
And dun na nagsimula ang walang patid na pagte text sa isa't isa.
---------------------------------------------------------
Dorothy's POV:
Hi! I'm Dorothy Guzman. 14 years old. Maputi, mabait, sexy, matangos ang ilong, dark brown ang kulay ng buhok, mabango at syempre maganda. And yup, matalino din ako. Tanong niyo pa kay Meg, ako kopyahan niyan ng assignment e. Hehe.Eto ako ngayon, pangiti ngiti. Kasi naman, ang kulit ni Yaz. FC masyado pero hindi ako naiilang. Mas gusto ko siyang kausap. For almost two months, lagi kong hawak cp ko hindi dahil sa bf kong MISSING IN ACTION lagi kundi dahil sa mokong na si Yaz. Ewan ko ba, lagi niya akong pinapatawa. Pero seryoso din naman yun kung seryoso talaga ang topic. Katulad ngayon, P.E. namin. Need ko mag cr, makapagpasama nga pero wait lang kasi mangungulit muna ako kay Danica para samahan ako. Hehe.
Nung pumayag si Danica na samahan ako, nakalimutan ko naman na inilapag ko yung cp ko sa bench. Badtrip! Kaya pagbalik ko, ayun. Pinagpe pyestahan na ang cp ko ng mga tsismosa kong kaibigan. Patay na.
"Ayiieee!!! Kaya naman pala abot tainga na ang ngiti, si tol lang pala ang ka-text. Nakalimutan na ang boyfriend niya. Haha! 😂😂😂 Di ba girls" -Meg.
"Oo nga Meg, ano ba ginagawa niyan sayo? Hindi mo na ako niyayaya man lang hanapin yung unggoy mong boyfriend." -Laica
"Magtigil nga kayo! For your information, makikipag break na ako sa unggoy na yun. Nahuli ko lang naman na may babae, pero hindi ko man lang ramdam na na-broken ako kaya wag kayong ano diyan! Mga pakilamera" -ako.
"Asus! Paano kasi may nagpapasaya sayo?! Wag kami Dorothy!" -Nicole.
"Mga bwisit!" -ako.
"Sagutin mo na kasi!" -Meg.
"Paano ko sasagutin? Hindi naman ako nililigawan?" -ako.
"Ayun naman, may gustong ligawan. Saka paano kung ligawan ka na nga, may tyansa naman ba best friend ko? Baka paasa lang yan?!" -Meg.
"Oo nga naman" -sabay sabay pa mga kaibigan kong tsismosa.
"Manligaw muna siya, nang mahusgahan." -ako.
"Aba! Sige ba? Matawagan nga si Yaz ng masabi ng simulan! 😁" -Meg.
"Baliw!" -sigaw ko sa kanya at tuluyan ng lumayo. Mga bwisit talaga. Hays. Bakit ba kasi hindi nanliligaw yun? Kupad!
Yaz' POV:
Sa sobrang saya ko ngayon, perfect ako nito for sure sa exam namin bukas sa Geometry! Hehe. Kasi naman mga guys, sinabi kasi ni Meg na nahuli daw nila si Dorothy na kinikilig. Ayun, ka-text pala daw ako. Hehe. Saya lang talaga. Ligawan ko na nga daw. Hehe. Kaya ko kaya? Pero mahal ko na talaga siya e. Natatakot lang talaga ako na baka ma-reject. Hays! Guys, tulong naman.
![](https://img.wattpad.com/cover/107118679-288-k861772.jpg)
YOU ARE READING
Say You Won't Let Go
General FictionMinsan, mas okay pa kung hindi ka na lang pinapaasa sa mga pinaparamdam niya sayo dahil lang sa alam niyang mahal mo siya. At kapag kapit na kapit ka na, alam mo ang masakit. Ang napakasakit ay yung bigla ka niyang bibitawan. Bigla ka na lang iiwan...