Meg's POV:
Ayun naman, thanks Author. Hi! Ako nga pala ang best friend ni Yaz, Meg Galaroza, 14 years old. Kasama ko nga pala si Yaz ngayon na kanina pang ang lakas ng charm nung nakita sila ni Manel na crush na crush niya dati. Haha. Pero bago nun, nakita ko na nakatitig siya kay Dorothy nung makasalubong namin. Hindi man lang nga napansin ata si Laica. At ngayong nasa room na kami, titig na titig na naman kay Dorothy. Maasar nga ito mamaya. Tulo laway na ata e. Masiko nga.Yaz' POV:
"Ano? Bakit mo ako siniko?" -ako."Tulala ka, pakilala kita. Saglit." -sabi naman ni Meg na ngising ngisi sa akin. Hehe. Kilalang kilala talaga ako nito.
"Girls, si Yaz nga pala. Best friend ko." -Meg.
"Hi Yaz! Akala ko Meg, gf mo. Haha!" -girl 1.
"Yuck tol! Sorry girls, hindi kami talo niyan." -ako.
"Haha! Halata nga, isusuka mo na e." -girl na katabi ko. Pasulyap sulyap naman ako sa babaeng nasa harapan ko kasi ang ganda niya talaga. Kaya lang parang hindi matali sa upuan niya, palinga linga. "Kanina pa ako andito miss Ganda" yan ang nasa isip ko. Hindi ko napansin na nagpapakilala na pala sila isa isa. Hindi ko tuloy narinig ang name ni ganda ng siniko na naman ako ni Meg.
"Baka matunaw!" -Meg.
"Alin ang matunaw?" -sabi naman nung Nicole ata yun.
"Wala, di ba Yaz?" -tatawa tawang sabi naman sa akin ni Meg.
"Ah. Oo. Wala yun." -ako.
"Okay." -sabi naman nung Laica.
"Samahan mo ako, tara." -yun ang narinig ko kay ganda ng kausapin si Laica.
"Na naman? Siya papuntahin mo dito." -Laica.
"Dali na." -sabi ni ganda na biglang tumayo na din at hinila si Laica.
"Alis na muna kami." -sabi naman ni Laica sa amin kaya nagpaalam na din kami.
---------------------------------------------------------
Meg's POV:
Araw araw akong kinukulit ni Yaz. At eto na naman, nag text si Yaz, tinatanong na naman ang number at name ni Dorothy. Sabi na nga ba at tinamaan talaga ito dun."Ano na naman? Straight yun tol" -reply ko kay Yaz.
"Tol, yaan mo na. Makikipagkaibigan lang naman ako. Please. Hindi ko naman siya sasaktan." -Yaz.
"Agad ng hindi sasaktan? May balak ka nga." -reply ko naman.
"Subukan lang. Malay mo naman. Dali na tol." -Yaz.
"Gago ka, sige. Pero kapag ayaw, wag pipilitin ha?" -pagpapaala ko naman.
"Sure tol, makakaasa ka. Susubukan ko lang naman. Hindi lang talaga mawala sa isip ko yun. Nakakita na ako ng anghel." -Yaz.
"Sira ka! Tinamaan ka nga talaga. Hehe. Oh, eto na. Save mo, wag mo ipagkakalat ha?!" -reply ko naman sa kanya.
"Makakaasa kang ipagdadamot ko ito kung may magtangkang magtanong man lang. Salamat tol! The BEST ka talaga!" -Yaz.
"Geh na. Balitaan mo na lang din ako" -Meg.
YOU ARE READING
Say You Won't Let Go
General FictionMinsan, mas okay pa kung hindi ka na lang pinapaasa sa mga pinaparamdam niya sayo dahil lang sa alam niyang mahal mo siya. At kapag kapit na kapit ka na, alam mo ang masakit. Ang napakasakit ay yung bigla ka niyang bibitawan. Bigla ka na lang iiwan...