Will You Give Up?

0 0 0
                                    

Dorothy's POV:
One year na nakalipas nung sagutin ko si kkul. Minsan nagkakatampuhan, selosan at minsan nagbe break pero hindi kasi matiis ang isa't isa kaya naman eto kami ngayon after a long time ay magkikita na kami ulit. Second time, grabe! Excited na ako! Nagpa engrave pa nga ako ng names namin sa dalawang ring e. Isa sa akin at isa sa kanya, parang ikakasal lang. Dorothy ❤ Yaz. Sweet ko, di ba? Hehe. Nasaan na kaya yun? Liit ng mall pero hindi kami magkakitaan o baka naduduwag na naman yun. Ilang beses na din kasi kaming nag plan na magkikita kaya lang lagi naman akong tinataguan. Sayang kaya effort ko. Geh na, hanapin ko na yun.

Yaz' POV:
Kamusta guys?! Tulong, pahinging konting lakas ng loob. Kinakabahan talaga ako, magkikita kami ni kkul ngayon. Actually, kanina ko pa siya nakikita. Naaawa na nga ko kasi pauli uli na siya sa lahat ng floors nitong mall. Wala, naduduwag na naman kasi ako. Ang ganda niya talaga, nakakabighani. E ako, charm lang at dimples ko ang maipaglalaban. Baka biglang makipag break ito. Patay na. Hays! Yaz, mag isip ka! Anniversary tapos makikipag break?! Baliw! Kakaisip ko, ayun. Pababa na siya at nakita na niya ako. Malapitan na nga, gusto ko na din makita ng malapitan ang mahal ko.

Kung ano ang ipinayat ko, mas payat siya. Patatabain at bubusugin ko talaga ito ng pagmamahal.

"Hi! :)" -ako.

"Hi! :)" -Dorothy.

"Happy Anniversary!" -ako.

"Happy Anniversary din. Nga pala, may gift ako sayo. Ito na po." -sabi niya sa akin habang may iniaabot sa akin na box.

"Nakakahiya naman po yung gift ko sa gift mo." -sabi ko sa kanya, paano ba naman kasi yun? Ring ang anniversary gift sa akin. Actually dalawa yung ring, isa sa akin at isa sa kanya. Basta, nakakahiya pa din talaga. Maliit na stuff toy na phone accessory lang yung binigay ko. Kahiya ka talaga Yaz. Bakit kasi hindi mo pinaghandaan?! Anniversary kaya! Natigil pagsesermon ko sa sarili ko nung nagsalita ulit siya.

"San tayo?" -Dorothy.

Patay, pati lugar kung saan kami pupunta wala akog naihanda. Hindi naman kasi ako sanay e. First time, pagpasensiyahan.

"Gusto mo kumain?" -ako.

"Nope, busog po ako e." -Dorothy.

"Ahmm. Tikom mo muna din bibig mo po. Tulo laway na." -Dorothy.

"Sorry, i know it is rude to stare to someone but i can't help it. Ang ganda ganda mo kasi." -ako.

"Asus. Sige na, san tayo?" -Dorothy.

"Pwedeng kina Meg na lang muna tayo? Wala kasi akong maisip na mapuntahan saka para alam na din niya na nagkita na ulit tayo. If okay lang naman po sayo?" -ako.

"Sige po. Matagal ko na din hindi nakikita yun." -Dorothy.

Buti na lang pumayag at pumayag din si Meg. Nung makababa kami sa may kanto, may mga nakaabang ng mga tricycle kaya lang mas feel kong maglakad kami. Hehe. Try ko lang, baka naman pwede na makahawak ng kamay.

"Kkul, pahiram ng kamay mo. Yung katulad nito." -sabay lahad ng palad ko sa kanya pagkasabi ko nun.

"Ah. Sige po. Ito na po." -ginawa naman niya after niya magsalita kaya ipinatong ko agad ang palad ko sa palad niya at saka ko hinawakan at nag umpisang maglakad. Shit! Namula siya, napansin ko talaga na kinilig siya. Wag kang ganyan kkul, kinikilig din kaya ako. Kung alam mo lang, sasabog na ako sa kakiligan. Lambot ng kamay mo, kamay ba talaga ang hawak ko o stuff toy?

Dorothy's POV:
Hindi ko inaasahang magho-holding hands kami ngayon, kasi naman may nalalaman pang hihiramin kamay ko. Yun pala ay makikipag holding hands lang. Sa ginawa niyang yun, hindi ko naiwasang mamula at kiligin ng sobra. Ano ba itong ginagawa mo sa akin Yaz Perez?! Ikaw na talaga ang mahal ko at mamahalin ko. Kilig pa more.

---------------------------------------------------------
Meg's POV:
Nakarating na ang bagong kasal. Haha. Joke lang guys. Dito na ang best friend ko at ang kaklase ko dati na girlfriend na niya. Hindi ko din inakala na magiging sila. Straight kasi yang si Dorothy at napakatino pang estudyante kaya nabigla ako nung pumayag na manligaw itong si Yaz at ngayon ay sila na. Ibang klase din talaga.

Habang nagpe prepare ako ng meryenda namin, naiwan ko sila sa itaas. Aba at ang dalawa, nakuha pang mag kiss dito sa bahay. Lagot ako sa mama kapag nakita ang dalawa kaya naman naglakad ako sa pwesto ko ng medyo malakas ang yabag para mapigilan na sila at baka kung saan pa makarating. Haha. Katawa nga lang si Yaz kasi mukhang nakuha ni Dorothy ang first kiss niya. Epic talaga! Ayun, kulitan, lampungan! Oo, lampungan talaga ang naganap dahil hindi basta landian ginawa nila. Kamustahan na din ang pinaggagawa nila. Anniversary pala ng dalawa at ako daw kasi ang bridge at dahilan kung bakit nagkilala sila at thankful talaga sila kasi sila na. E di wow na lang di ba guys?! Sorry, cupid at shipper ako ng dalawang ito e. Team YazThy kaya ito. Haha.

---------------------------------------------------------

Dorothy's POV:
Going strong kami ni kkul after nung meet up namin kaya lang nape-pressure na ako at nai-stress sa mama ko. Nalaman niya kasi na may girlfriend ako. Pinapahiwalayan sa akin kaya lang ayokong makinig sa mama. Si Yaz na nga lang kakampi ko lagi, nakikinig at nakakaunawa sa mga pinaggagawa ko. Tapos mawawala pa. Ayoko.

Yaz' POV:
Iang taon na kami ni kkul at ang hindi ko masabi sa kanya ay nagmessage sa akin ang mama niya na tigilan ko na daw ang anak niya. Paano? Mahal na mahal ko anak niya. Hindi ko kakayanin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 24, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Say You Won't Let GoWhere stories live. Discover now