Chapter 1

36 2 0
                                    

•───────•°•❀•°•───────•

“Tulungan mo ako,” naka-chin up na pakiusap ni Krista or more like demand ’yong dating ng pagkasabi niya; sabay pa na malakas na binagsak ang kaniyang bag sa center table na kung saan nakapatong ang dalawang paa ni Kobi.

“Magugunaw na ba ang mundo?” nakakunot-noong napangisi na tanong naman ng isa, sabay pause sa larong pinagkakaabalahan sa phone nito, “akala ko ba hinding-hindi ka hihingi ng tulong sa isang Kobi Montreal?” Naparoll-eyes na lamang siya dahil sa tono ng pagtanong nito ay halatang nang-aasar.

Ayaw niya naman talaga, wala lang siyang choice. At na tatandaan pa rin niya ang araw na sinabi niya na kailanman ay hindi niya babalakin hingiin ang tulong ni Kobi.

Maybe she can put a temporary truce for both of them. Ito lang naman kasi ang makaka-relate sa kaniya sa ngayon. Nasa 99.9 percent siya na hindi nito tatanggihan ang hihingin niyang tulong.

Pansamantalang kakalimutan niya muna ang mga sinabi niya noon dito, lalo pa na involve si Ethan ang kaniyang love interest.

Eversince, ’di sila close ni Kobi. Also, the truce with him is just temporary. After they will achieve the goal, everything will be back to normal.

“Tch. Hindi mo man lang ba itatanong kung anong kailangan kong tulong?” mataray pa rin niyang tanong rito at simpleng napailing lang ito sa kaniya bilang sagot ’saka mabilis na binalik ang atensyon sa kaninang nilalaro sa phone nito.

Automatic na napaikot na lamang ang mata niya dahil sa inasal nito. “Wala talagang modo,” naasar na bulong niya saka mas humakbang siya palapit sa kay Kobi at walang pasabing kinuha ang phone nito.

“What the—” naputol na mura nito sa kaniya, nang aktong hahablutin nito pabalik ang phone na kinuha niya. Ay kaagad niyang pinasok ito sa kaniyang bra.

“Fvck,” dugtong nito na hindi makapaniwala sa ginawa niya, kaya medyo naging pabulong ang pagkasabi nito. “Ibalik mo ’yan!” nakasimangot na utos pa nito sa kaniya pero, mariin lamang siyang umiling saka sabay bumelat dito.

“Tutulungan mo ba ako o hindi ko ibabalik ’to?” Nakangising tanong pa niya rito.

Muntik na niyang palakpakan ang sarili dahil sa napakatalino niyang paraan para makuha ang atensyon nito dahil determinado talaga siyang isali ito sa plano niya alang-ala sa pagbawi sa kay Ethan.

“I’m not interested. Kaya ibalik mo na ’yan,” sabi lang nito. Napabuga na talaga siya ng hangin dahil sa katigasan ng ulo nito.

“Kung gusto mo makuha, kunin mo,” confident na hamon na lamang niya rito sabay nguso sa kung saan niya nilagay ang phone nito.

“Don’t try me,” napa-smirk na sabi nito ’saka medyo sumeryoso ang aura.

Kaya hindi niya maitatanggi na kinabahan siya dahil sa paraan ng pagsalita at pagtitig nito sa kaniya. Pero halos naramdaman ’ata niyang nag-jelly ’yong tuhod niya nang tumayo ito at dahan-dahang humakbang palapit sa kaniya.

“Stop—” hindi niya mapigilang utos dito, habang naka-cross ang isang kamay niya sa kaniyang dibdib at naka-stop sign naman ang isang palad niya rito para patigilin ito sa unti-unting paglapit sa kaniya.

Pero imbes na tumigil ito ay mas lalong nag patuloy lamang ito sa paghakbang palapit sa kaniya at siya namang kakahakbang niya palikod para hindi siya malapitan nito.

“Watch out!” sigaw nito sa kaniya at mabilis na hinila siya nito pabalik at hindi inaasahang napasubsob naman siya sa dibdib ng binata.

Hindi niya tuloy maiwasan ang pagsinghot ng pabango nito na para ’atang magnet na automatic na lamang dumikit sa ilong niya.

Perfect MismatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon