Chapter 4

33 2 0
                                    

•───────•°•❀•°•───────•

“I don’t think this will be just a simple welcome dinner lang,” confident with a hint of bitterness na sabi niya kay Kobi habang siya ay busy naman stalk sa social media accounts ni Sofia.

“Don’t you think?” dugtong pa niya na tanong while breaking an eye contact d’on sa screen ng phone niya para ilipat ang tingin kay Kobi. She was hopeful sa magiging reaction nito. Obviously, naghahanap siya ng karamay rito.

Naki-hitch siya rito ngayon papunta sa dinner invitation ni Ethan; which is suggestion ng mommy nito. She might not like the idea at first but she still needs to convince him kaya pumayag siya para magkaroon ng extension yung pangungulit niya rito.

“Maybe,” maikling sagot nito na focus lang sa pagmamaneho. He doesn’t even spare her a glance. Kaya patuloy lang din siya sa pag-stalk kay Sofia.

“How did Ethan even know about Sofia?” curious na tanong niya or more like pagmo-monologue niya dahil hindi na siya nag-eexpect na sagutin ni Kobi.

“Hindi nga rin sila same school dati or even workplace ngayon. I bet they don’t even have something in common!” patuloy na reklamo pa niya.

“Maliit lang ang mundo Manzanares,” sagot nito na parang common sense iyon, “at mas lalong pinaliit pa ng social media. Just like what you’re doing now,” napa-smirk na dugtong nito. Napasimangot naman siya sa pagpuna nito sa ginagawa niya.

“I need to gather facts. Like as what they said, keep your enemy close,” sabay taas-baba ng kilay niyang remind dito na may halong implication bakit siya nakisabay rito ngayon, “and your rival closer,” dugtong pa niya. Napa-kunot naman ang noo ni Kobi sa ni-revise niyang kasabihan.

She needs to know more about Sofia. Hindi niya matanggap, masyadong biglaan ang headline na engaged na si Ethan. She always claimed na updated sa buhay nito but how come she wasn’t expecting this to happen and most of all she’s not even familiar with his fiancée!

“So tell me more about Sofia,” naisip niya na he should know better kasi may past ito sa babae. Pero sa halip na sumagot ay nakakunot-noong tinapunan lang siya ng saglit na tingin.

Kobi on the other hand thinks how persistent she is when it comes to pursuing Ethan. Kaya hindi matigil-tigil ang pangungulit niya rito at na isipan pa niyang gawin itong accomplice sa sinasabi niyang plano. While he really thinks it’s childish.

“Okay, okay. You don’t have to answer,” napailing na bawi niya na para talagang naiintindihan ang feelings ng kausap, “it’s insensitive para ipa-reminisce sa’yo ang ex-girlfriend mo, my bad,” sincere na dugtong niya rito habang naawang tinitigan si Kobi.

She might really hate Kobi. Pero if usapang feelings lalo na sa unrequited love, she can’t be that heartless.

Na carried-away naman siya sa pagbigay ng simpatya rito; hindi na  niya namalayang napa-hawak na pala siya sa ulo nito at wala sa sariling sinuklay-suklay pa ng daliri niya ang buhok. Parang nag-aalo ng batang musmos. Sa gulat ni Kobi sa ginawa niya ay kaagad itong napa-preno.

“Aray, naman Montreal!” parang naiiyak na reklamo niya rito habang napa-hawak sa noo niya. Buti na lang at nakapag-seatbelt siya.

“Are you okay?” mabilis na check din nito sa kaniya, sabay in-examine ang mukha niya.

Natigil at napakurap naman siya sa ginawa nito. She knows Kobi’s reaction was on the spur of  the moment. Pero dahil sa sobrang lapit ng mukha nito sa mukha niya ay nag-short circuit na ’ata ’yong utak niya. Hindi niya tuloy alam kung saan ibabaling ang tingin niya—sa mga mata o sa labi ba nito. She mentally slapped her face for her thoughts.

Perfect MismatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon