Chapter 2

36 0 0
                                    

•───────•°•❀•°•───────•

A week ago.

“Can you remind me again, why we’re here?” impatient na tanong ni Carissa. Naparoll-eyes na lamang siya sabay buntong-hininga. She clearly knows that her best friend was being sarcastic at gustong ipa-make sure sa kaniya kung sigurado ba siya sa gagawin niya.

“We’re here nga kasi—”

“Dahil sa manghuhula?” bored na dugtong nito sa sasabihin niya.

“And I’ve decided,” firm na dugtong niya, bago pa siya icut-off ulit ng kaibigan.

“Really Krista? Ilang taon ka na ba?”

“Why you’re so mean?” reklamo niya rin dito. She’s also getting impatient na rin dahil ilang oras silang naghihintay at hindi pa rin lumalabas ’yong pakay nila, “you're the one who introduced me to that fortune-teller, kaya ngayon natin patunayan ’yong credibility niya.”

“It’s a university fair! Also, Belle is a family friend and obviously she’s not legit, okay,” parang maiiyak na ito sa kaka-explain sa kaniya.

Carissa is a professor at naimbitahan siya nito n’ong nag-university fair sa school nito last week. And it happened na pumasok sila sa fortune-telling booth dahil sa mga persistent students nito na gusto ipa-try ang kanilang class booth.

“Sino ba mas matanda sa inyo ng mga students ko?” napa-iling na sabi nito, “okay, if you really wanted to believe Belle," defeated na paalala nito, parang tinanggap na nito na hindi na siya mako-kontra, “sabi niya the start of your love story will happen at the airport. Kita mo na pati plot and setting niya impluwensiya ng K-dramas,” ’di pa napigilang comment nito. Dedma na lamang niya si Carissa at nag-focus sa pag-abang.

“But what you’re doing is cheating! Alam mo ngayon yung arrival ni Ethan at sinakto mo lang,” ’di pa pala natapos na sermon sa kaniya. Napasimangot na lamang siya kasi tama ito.

She knows Ethan arrival would be today. Kaya kahit last week pa ’yong ‘hula’ kuno sa kaniya, pero dahil sakto ngayong araw magfi-fit ’yong setting na nasa airport. Gusto lang niyang tulungan ng konti ang tadhana. Plus she’s not really a believer of depending everything to fate, dahil pursigido siyang nakukuha ang mga gusto niya—she believe that effort plays a big factor.

She took a deep breath before answering Cari, “well, I’ll just take it as courage to make this happen. I guess, I’m just looking for a sign, para gawin ’to,” then exhale to compose herself, “and that young lady just gave me an idea, where and how to do it,” tukoy niya kay Belle—the fortune-teller.

“Bahala ka na nga,” dismiss nito sa kaniya.

“Pero ba’t gan’on? Na-delay na naman ba flight niya? Supposedly his arrival was 30 minutes ago!” nayayamot na reklamo niya. “Cari kasi, ngayon pa naging kontrabida. What if while you’re making sermon at me, ’di natin napansing nakalabas na siya!” maarte na reklamo pa niya at naparoll-eyes naman ’yong huli.

“Paano ’di tayo mapapansin n’on if ever nakalabas na nga? Tingnan mo nga saan tayo naka-pwesto.” Nag-peace sign naman siya rito.

Actually she can’t really blame Cari, masyadong takaw atensyon ’yong pwesto nila plus with their banner pharaphernalia. Parang taga-ibang bansa ’yong iwe-welcome nila and to think domestic trip lang naman ’yong kay Ethan at hindi nga ito nawala ng isang buwan.

“Hays, ako ’yong kinakabahan,” napailing pa ito kaya niyakap niya ito para lambingin. Knowing Carissa, ay magrereklamo lang ito sa kaniya pero hindi naman siya nito iniiwan.

Perfect MismatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon