•───────•°•❀•°•───────•
“Simple lang naman gagawin natin,” pangungumbinsi pa ni Krista sa kay Kobi, no choice na napili niyang maging kasabwat. Pero halata naman sa isa na wala itong balak na makipag-cooperate sa kaniya lalo na wala itong interes sa kung ano man ang kaniyang na isip na plano.
“Paghiwalayin lang natin si Ethan ’saka si Sofia,” patuloy pa niya saka napangisi siya nang makitang nag-iba ang expression ni Kobi. Mula sa pagkasimangot ay nakakunot na ang noo nito ngayon.
She’s confident now that at least may improvement. It only indicates one thing, konting push na lang at pagna-explain niya ang buong plano, sigurado talaga siyang makikipag-sabwatan ito sa kaniya.
“I'll get my Ethan at saka sa’yo si Sofia. O ’diba? Everybody happy,” parang as a matter-of-fact pa na sabi niya rito. Napailing na lamang si Kobi sa pagamit niya ng possesive noun kay Ethan.
“You mean Krista Manzanares is happy?” patanong na pagtatama nito na siya namang kinasimangot niya.
Masyado niyang in-underestimate ang pagiging pa-hard to get ni Kobi sa pagpapasang-ayon sa proposal niya. Hindi niya in-expect na may ititigas pa pala ang katigasan nang bungo na in-expect niya rito. Kaya ito tuloy naka-ilang araw na niyang pambubulabog sa binata.
“Akala ko ba mahal mo si Sofia?”
“Oo naman,” mabilis na tugon nito.
“So? Ano drama mo?” mataray na napairap pa siya rito, para ba namang hindi siya ’yong humihingi ng tulong.
“I just don’t get your point.”
“Simple, all we need to do is to win them back. That’s the point,” parang basic lang na sagot niya rito.
“I know she’s gonna be happier with Ethan. That’s love, setting someone free, kung saan sila mas masaya hahayaan mo sila. That should be your point,” explain nito na parang ini-indicate na ‘universal knowledge’ iyon.
Napa-smirk na lamang siya at sinabayan pag-iling. “I never expected na ambilis mong sumuko Montreal,” reklamo pa niya na nasa point na pa-surrender na siya. Ang hirap pala nitong i-convince.
“I’m not. I just know when to stop. Unlike you, brat ka kasi kaya ka masyadong persistent.”
She bit the inside of her cheeks to shrugged of his remarks. She admits it stings a little for her. Pero dahil d’on bumalik lang ang kumpyansa niyang kumbinsihin pa ito lalo.
“Love is also an act, without action sometimes it’s pointless. Paano mo malalaman na para kayo sa isa’t isa if you wouldn’t find a way? Or worst, iyan—’yang sumusuko ka kaagad,” giit pa niya. “So ano na Montreal?” mischievous na nginitian niya ito. Her tone is pleading but her face is annoyed already.
“That’s childish,” pairap na sabi nito sa kaniya at aktong iiwan na naman siya nito ay napatikhim muna siya bago nagsalita.
“Ganito na lang, I-I will quit my feelings for Ethan,” negotiate niya rito na parang may bumabara pa sa lalamunan niya, “sa oras na makasal na sila ni Sofia it means na wala na talaga.”
Napangiwi siya sa last niyang sinabi, she hate the thought. Kaya she was more determined na hindi mangyayari ’yon. She will do her best to let Ethan realize na siya ang para rito. And in that way, she can prove that her point is better than Kobi’s.
Kaya even though she hates to compromise especially to Kobi, kasi it feels like admitting defeat. But he left him no choice plus she really wanted to be with Ethan.
“Pero as long as hindi pa, can we at least hope?” Sigaw niya pa rito dahil patuloy pa rin ito sa pagla-lakad na hindi man lang siya nilingon.
“Susundin ko ang sinabi mo na papalayain ko kung saan mas masaya ang mahal ko to see your point, pero pwedi ba tulungan mo ako na i-prove muna ang point ko na hangga’t di pa sila na ikasal, ipaglaban natin nararamdaman natin sa kanila?” dugtong pa niya habang hingal-hingal dahil sa lakad takbo na ginawa niya para magaya ang pacing nito sa paglalakad.
Lalo na kumpara sa kaniya mas mataas ang mga biyas nito kaya parang dalawa na nito ang isang hakbang niya.
“Hoy, Montreal!” naka-simangot naman itong lumingon sa kaniya nang binato niya ito ng sandals na suot niya, nang hindi pa rin siya nito pinapansin.
“Ano na?” pangungulit pa niya na hindi man lang pinansin ang pagkasimangot nito. “Two heads is better than one, kaya kita sinasama sa plano ko,” sabi pa niya.
“Fine,” napasinghap pa na pag-agree nito, “let’s prove your so called point,” he even puts emphasis sa last word nito, noting the sarcasm.
But she couldn’t care less, what’s important is he agreed kahit napilitan lamang dahil sa tindi ng pangungulit niya.
Ilang araw rin naman kasi niyang binubulabog si Kobi kahit naman hindi sila nito close, at hindi niya papangaraping maging close sila. Ngunit para sa pagbawi kay Ethan ay determinado siyang kumbinsihin itong makipag-sabwatan sa kaniya.
Hindi na nga rin lamang niya pinansin ang sarcastic na tono ni Kobi sa halip ay malapad na ngumiti pa siya rito nang finally sumang-ayon ito sa plano niya.
“Hindi ka magsisisi Montreal!” Sabay hampas niya sa braso nito, mabilis naman na pinagpagan nito ang braso na hinampas niya. Napangiwi sabay napa-irap siya sa ginawa nito.
“Sana ikaw rin Manzanares,” sabay irap din nito sa kaniya.
•───────•°•❀•°•───────•
BINABASA MO ANG
Perfect Mismatch
RomanceKrista Mananzares is a certified brat. Cliché man ang punchline na, 'what Krista wants, Krista gets' but in fairness to her, it always works! Or maybe-not, when it comes to lovelife department. Probably destiny's wittiest way of adding spice to her...