Wrote by: Raffy Algas Morada (Apeng)
Concept: Author
Script: Author
Images: Author
Language: Filipino-English
Minsan na ba kayong mangarap na maging superhero?
O magkaroon ng superpowers?
Paano pag ang mundo ay nagbago at lahat ng nakakasalamuha nat...
Nangyari ang lahat 17 taon na ang nakalipas ng may bumagsak sa Pilipinas na hindi tiyak na technology, marami ng scientist at iba't ibang eksperto sa iba't ibang branch ng science ang pumunta sa Pilipinas upang suriin ito, ngunit dumaan na ang 10 years at hindi pa rin nila ito natitiyak kung saan galing. Ang bagay na ito ay tinawag nilang —— Tech-O.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Ang Tech-O o Technology O ay isang technology na parang isang flashdrive pero maliit ito, ang kakaiba rito ay kaya niyang lumikha pa ng isang duplicate at magparami pa. Ito ang hindi pa malaman ng mga scientist kung paano niya nagagawa ito. Ang isa pa sa mga kahanga-hangang abilidad nitong technology na ito ay kaya niyang pumasok sa katawan ng tao at komunekta sa genes ng tao at bumuo ng extra ordinary genes, ang mga nabibiktima nito ay nagkakaroon ng kakaibang abilidad ngunit sila ay wala na sa dati nilang katinuan, sila ay tinatawag na Control-C. Pero may iba namang dahil sa Tech-O ay nagiging gifted, sila ay tinatawag na Compatible, ang ibang Compatible ay nakakapagpagalaw ng mga kakaibang bagay gamit ang telepathic power, ang iba ay nagiging genius sa technology at hindi basta-basta ang nagagawa nila dito dahil kaya nilang manipulahin ang lahat ng uri ng technology at iconnect sa kanilang self conscious mind, marami pa ang uri ng kakaibang bagay na mayroon ang mga Compatible. Ngunit mayroon din namang hindi nabigyan ng kakayahan ng Tech-O sa madaling salita, hindi sila tinablan ng Tech-O at hindi kayang manipulahin ang kanilang genes, unti lang sila sa mundo at bilang lang ang mga ito. Sila ay tinatawag na Undo, mababa ang tingin sa kanila dahil sa wala silang Tech-O at wala silang abilidad na katulad ng mga Control-C at mga Compatible. Nagsisimula ang stage ng pagkakaroon ng Tech-O simula sa sanggol palang ang isang tao, nagiging active ito after 1 hour nilang maianganak, ngunit may iba namang matanda na adopt ang Tech-O dahil malaki na sila nung dumating ito sa Pilipinas, pero simula ng dumating ang Tech-O ay sanggol pa lamang ay maaari mo na itong ma-adopt.