Ako ay isang Undo, normal na estudyante, normal na mamamayan at normal na bata. Wala akong abilidad na katulad ng mga Control-C at Compatible na mga bata.
Ang kaya ko lang gawin ay tumulong sa nanay ko sa gawaing bahay, manood ng tv at manood sa abilidad ng ibang bata.
Ako nga pala si Raiven 17 years old ako ngayon, 17 years na rin ang nakalipas nung dumating ang Tech-O sa Pilipinas, marami ng nangyari at nagbago. Dati ang Pilipinas ay hindi advance at hindi masyadong moderno sa technology pero nung dumating ang Tech-O nagbago ang lahat, naging future age ang buong Asia dahil sa Pilipinas at naging mayaman ang Pilipinas, dahil dito galing ang Tech-O binibili ito sa atin ng ibang bansa sa pamamagitan ng trilyong pera at mga kagamitang magagamit sa mga buildings. Ngayon nga pala ay taong 2093 na, at paano ko nasabing modern na ang Pilipinas?... ang mga buildings ng Pilipinas ngayon ay hindi na ginagamitan ng electricity at mga software ang mga computer dahil sa Tech-O ay nakakagawa ito ng sariling electricity at ibang sariling software, hindi na screen ang mga gadget sa Pilipinas, hologram na at ito ay dahil din sa Tech-O at ang isang buong building sa Pilipinas ay kinokontrol lamang ng isang Tech-O. Oh diba highTech, pero hindi pa yan, ang express road na ng Pilipinas ay mayroon ng levitation ground kung saan ang desenyo ng mga sasakyan ay hindi na degulong kung hindi dinesenyo upang lumutang gamit ang zero gravity, lumulutang ito dahil sa Express na likha ng Tech-O ay mayroong sound wave ang ground at ang salaming kisame nito ay mayroon namang magnetic wave na siyang nagpapanatili sa sasakyang gagamitin upang lumutang ito, at para naman umandar ay ginagamitan ito ng gas na galing sa Tech-O tinawag na Zernogus gas.
Pero balik tayo sakin...
BINABASA MO ANG
Undo: THE UNCHOSEN ONE
Science FictionWrote by: Raffy Algas Morada (Apeng) Concept: Author Script: Author Images: Author Language: Filipino-English Minsan na ba kayong mangarap na maging superhero? O magkaroon ng superpowers? Paano pag ang mundo ay nagbago at lahat ng nakakasalamuha nat...
