2 ND
HE HAD DONE it again.
For sure, wala ng rason para kausapin pa siya ng taong hinahanggan niya ng halos tatlong taon. Wala ng rason para kausapin pa siya nito. Wala ng rason para makausap niya ito kahit bilang nakakairitang schoolmate lang.
He messed up. Again.
Soonyoung tried not to wail again in frustration. It was embarrassing enough that they were currently in their school's cafeteria. At hindi rin siya pinapansin ng kaibigan niyang si Seungkwan na patuloy pa rin na kumakain ngayon. Kahit yata umiyak siya ngayon ng isang balde, hindi pa rin siya nito papansinin.
Nakadukmo pa rin ang ulo niya habang patuloy na nagiisip kung ano bang dapat niyang gawin para bumalik na ulit sila sa dati.
"Hoshi hyung, please. Kumain ka na lang. Sayang naman 'yang pagkain mo kung hindi mo man lang titikman."
"Ayoko."
Bakit ba hindi maintindihan ng kaibigan niya na nasa bingit na siya ng kamatayan ngayon? He was getting more and more frustrated as the time passes by. Gusto na nga niyang umiyak pero hindi pa rin siya nito dinadamayan sa kalungkutan niya.
Narinig niyang bumuntong hininga si Seungkwan kaya naman sumilip siya ng konti dito. Nakita niya itong nakahalumbaba habang iritang nakatingin sa kanya. "Sige na. Simulan mo na ang pagkekwento."
As soon as he heard that, he straightened his back to tell his bestfriend the very root of his sadness and frustration these past two days. Naparolyo ng mga mata ito pero hindi niya pinansin 'yon at kaagad na nagkwento.
"Hindi ko naman talaga sinasadya!" Ang unang mga salitang lumabas sa bibig niya. Which was true. Ang intensyon naman talaga niya ay sabihing namiss talaga niya ito pero bigla na lang natuyo ang lalamunan niya kaya nagbago ang mga lumabas sa bibig niya.
Mukha ring bored na bored na si Seungkwan. Na para bang hindi na bago ang sinasabi niya. Pero hindi niya pinansin 'yon at nagsalita ulit siya. "Simula n'on, hindi na niya ako kinausap. Nainstall ko na nga rin ang messenger sa phone ko at naichat ko na siya ng ilang beses tapos nada pa rin."
He was sulking. He doesn't know, he never knows when he's already sulking. Para bang naging part na niya 'yon kapag hindi siya pinapansin ng taong gusto niya o kapag nagrereklamo siya sa isang bagay. Kahit ang pagkain niya hindi rin niya alintana. It was very rare for him to skip his meals. Natural kasi silang mga biik ni Seungkwan.
Bumuntong hininga ulit ito at ginulo gulo ang buhok niya. Soonyoung sniffed as he continued to blink back his tears. Ilang oras yata niyang inipon ang lakas para lang tuluyan na itong matawagan nung isang gabi pero sa bandang huli, sinira na naman niya. Sobrang nainis pa siya kasi wala na siyang ibang masisi kung hindi ang sarili niya. It was not Sana nor Seokmin's fault anymore. Siya ang nagkusang tumawag.
BINABASA MO ANG
torpe / soonseok
Short Story❝hi, ang pangit mo-okay um, that wasn't what i wanted to say.❞