3 RD
THIS IS IT.His first ever real meeting with his crush for three years. First actual conversation.
Hindi na imaginary o panaginip, totoong totoo na. Hindi na niya kailangan pang patirin ito kapag nakikita niya ito sa hallway, hindi na niya ito kailangang tawagin na panget para lang mapansin siya nito at higit sa lahat, hindi na niya kailangang magpakatanga (gaya ng pagkauntog niya sa glass wall dahil iniisip niya ito, ang pagkadapa niya sa oval dahil kinikilig siya at pagkahulog niya sa fountain dahil lang sa nakasalubong niya ito) and the list goes on forever.
Sa dami ng katangahan— but preferred to call it accident —na ginawa niya sa loob ng tatlong taon na pinapagpapantasyahan niya ito, masasabi niyang worth it naman ang lahat ng 'yon.
Hanggang ngayon na nakatayo siya sa mismong paint ng Angel's left wing sa semento, nanginginig pa rin siya dahil sa kaba. He made sure to pinch himself every two minutes to prove that this was indeed real.
"Hyung." Tawag sa kanya ni Seungkwan habang nakakunot ang noo. Nakaupo ito sa isa sa mga bleachers dito sa gilid ng oval nila.
Soonyoung stared at him, still giddy. "Hm?"
Inirapan siya nito. "Tigilan mo 'yang kakakurot sa balat mo, para kang sira. Saka umupo ka nga dito, kanina ka pa nakatayo d'yan."
Wala kasi silang huling subject kaya nauna na sila dito sa lugar kung saan sila magkikita nina Seokmin at Mingyu.
Soonyoung shook his head as he stared at the painting underneath him. Nakatitig lang siya dito ng magsalita siya. "Hindi ba alam mo rin ang legend ng Angel's left wing?" He thought for a second before opening his mouth. "Kalat sa school 'yon e. Sabi sa legend, kapag daw makikipagkita ka sa taong importante sayo sa mismong lugar na 'to, kung gusto mong walang sumira ng araw niyo, tumayo ka lang mismo sa painting na 'to."
Seungkwan nodded his head, bored. Ilang beses na rin kasi nito na narinig ang legend na 'to. "Oo. Kasi kung sino man ang tatapak sa kaliwang pakpak ng anghel na 'yan, it will became him. Yung taong katagpo ng taong 'yon will symbolize the right wing para mabuo ang anghel. The Angel with both wings will give them both the happiness they're looking for. O kung ano mang gusto nilang mangyare."
Nakangiting tumango tango si Soonyoung. Mas lalo siyang naexcite dahil sa legend dahil kung totoo man 'yon, surely, makakaya niya ang araw na 'to. Hindi siya papalpak. Hindi niya pagmumukhaing tanga ang sarili niya sa harapan ng taong gusto niya. He will be fine.
"Seungkwan." Bulong niya pero narinig naman nito. Seungkwan hummed at him while using his phone.
"Kinikilig ako." Bulong pa rin niya habang nakatayo pa rin at nakatitig sa painting.
BINABASA MO ANG
torpe / soonseok
Short Story❝hi, ang pangit mo-okay um, that wasn't what i wanted to say.❞