Chapter 1

9 2 0
                                    

Felise P.O.V

Pagkatapos kong ayusin yung gamit ko lumabas na ako ng kwarto ko. Nakita ko si mama na nag luluto sa kusina.

"Goodmorning po ma" kumuha ako ng tinapay na hinanda ni mama. "Felise umuwi ka ng maaga mamaya, aalis kami ng ate mo walang mag babantay ng bahay"

"Bakit? Saan po ba kayo pupunta?" Tanong ko habang kinakain ko yung tinapay. "May aasikasuhin lng kami, sige na umalis ka na baka ma late ka pa" paglabas ko ng bahay, nakita ko si ate na may kausap sa kotse.

"Kaninong kotse yun? Bago nanaman boyfriend nya?!" Hindi ko na lng sya pinansin, kinuha ko na yung bike ko sa garahe tapos umalis na ako.

Araw araw akong nag bibike papunta sa school, malapit lng naman sa bahay namin yung school ko. Ayaw akong pag byahihen ni mama masyado daw magastos.

Pagdating ko sa school, pinark ko na yung bike ko sa may gilid ng gate.

"Goodmoring Felise!" Sigaw ni Gabie habang papalapit sakin. "Goodmorning Gabie, tara sabay na tayong pumunta sa classroom"sabi ko.
Habang nag lalakad kami papunta sa classroom kung ano ano lng pinag uusapan namin.

"So anong nangyari sa lalakeng nag confess sayo kahapon? Sinagot mo ba?" Tanong sakin ni Gabie. "Hindi" bigla siyang napa hinto sa paglalakad. "Ano!?" Sigaw nya.

"Huy, bakit ka sumigaw?" Lumapit sya sakin. "Bakit hindi mo sya sinagot!? Ang gwapo gwapo nun"

"Ano ka ba diba sabi ko sayo na ayoko munang mag ka boyfriend kasi-" naputol yung dapat kong sabihin kasi bigla siyang nag salita. "Kasi aral muna... edi kelan ka mag kaka bf? Ano pag katapis pa ng collage?"

"Hmm..ganun na nga"

"Ano?! Ang tagal pa nun!" Tinakpan ko agad yung bibigyan. "Please lng Gabie wag ka naman sumigaw"

Pag dating namin sa classroom, naka upo nanaman sa upuan ko si Andrew kasama yung mga tropa nya. Araw araw nya nalang akong iniinis. "Uhum!" Bigla silang tumingin sakin. "Umalis ka nga dyan sa upuan ko"

"Ay upuan mo pala to!?" Pang aasar niya sakin. "Oo upuan ko yan, umulis ka nga" pag alis niya sa upuan ko, umupo na ako. Bigla siyang naglakad ng dahan dahan sa likod ko. "Felise!" Biglang sigaw ni Gabie. Pag tingin ko sa likod ko nakita kong tumatawa si Andrew.

Paghawak ko sa buhok mo...May bubblegum! "Tsk mahirap tong tanggalin!" Tinignan ko ng masama si Andrew, Ugh!! Nakakainis na sya. Tumayo ako tapos lumapit ako sakanya.

Kinuha ko yung bubblegum na nakadikit sa buhok ko tapos nilagyan ko rin yung buhok nya.

"Ayan mahirapan ka sanang tanggalin yan" sabi ko.

"Uy dude mahirap tabggalin yan" sabi ng isa niya katropa. Tumingin ako sakanya sabay smile.

Sinamahan ako ni Gabie papunta sa cr. Tinulungan niya akong tanggalin tong bubblegum sa buhok ko. "Hay nako epal talaga yung Andrew na yun, lagi ka na lng niyang binubully" sabi ni Gabie.

"Kaya nga eh, since elementary niya pa akong inaasar"

"Nako Felise, hindi matanggal. Kaylangan mo na tong pagupitan" pagupitan! "Teka! Bakit, ayokong mag pagupit!"

"Osige try mong tanggalin" kinuha ko yung buhok ko na may bubblegum. "Tama ka nga...ayaw matanggal" Ayokong mag pagupit, matagal kong pinahaba tong buhok ko.

"Gusto mo samahan kitang mag pagupit?"

"Hindi na, kaylangan kong umuwi ng maaga"

Pagbalik namin ni Gabie sa classroom, pag tingin ko kay Andrew. May bubblegum parin siya sa buhok nya. "Huh kala mo ah" pabulong kong sinabi.

Pagdating ng recess, dumeretso na kami ni Gabie sa canteen.

Habang kumakain kami ni Gabie may lalakeng lumapit samin. "Felise may nag papabigay" may inabot siyang maliit na envelope. "Meron nanaman!" Sabi ni Gabie, araw araw may nag bibigay sakin ng sulat. "Satingin mo Felise kanino galing yung mga sulat?"

"Hindi ko rin..alam" pagbukas ko ng envelope may laman na sulat. Biglang kinuha ni Gabie yung sulat tsaka binasa niya. "Omo" bigla siyang napahawak sa bibig niya. "Bakit anong meron?" Tanong ko sakanya. "Ang sweet nya" hay akala ko naman kung anong nangyari.

"Felise" bigla niya akong tinawag. "Hindi mo parin ba nakikita o nakakausap yung childhood bestfreind mo dati na si....ahm ano ulit pangalan nun?"

"Liam, hindi ko na sya nakakausap at nakikita, ang alam ko lng na nasa america siya ngayon. Balak kong pumunta sa bahay ng lola nya sa sabado"
Ilang months ko na ring hindi nakikita si lola Lusita, kaya gusto kong bumisita dun....kahit wala dun si Liam.

"Pero, gusto mo syang makita diba?" Tanong niya sakin. "Oo naman"

Bago dumating ang uwian tinawag ni Sir Par yung pangalan ko pati si Andrew. "Kayo ang mag lilinis ngayong araw hanggang next week" Ano! Bakit sya pa makakasama kong mag linis ng classroom.

Nung naka uwi na silang lahat nag simula na akong mag linis. Habang nag wawalis ako, si Andrew naka upo lng sa may gilid na naka head down. "Hoy Andrew, ano wala kang balak tumulong?" Hindi niya ako sinagot. "Andrew naman...Tulungan mo naman ako, kaylangan kong umuwi ng maaga kasi walang mag babantay ng bahay namin, atsaka pagabi na oh! Baka kung ano pang mangyari sakin kapag gabi na ako naka uwi" hindi parin niya ako sinasagot.

Ugh! Nakakainis talaga tong lalakeng to, Tinuloy ko na lng yung pag wawalis ko. Maya maya bigl niyang inagaw yung walis na hawak ko.

"Umuwi kana, ako na tatapos neto"

Seryoso ba sya? Nag simula na siyang mag walis. Inayos ko na yung mga gamit ko, bago ako umalis. "Salamat Andrew" hindi niya ako pinansin. Pag labas ko kinuha ko na agad yung bike ko. "Hindi ko aakalaing tutulungan niya ako, at first time kong mag pa salamat sakanya"

Pag dating ko sa bahay, nakita ko si ate na lumabas galing sa kotse. "Teka... iba nanaman yung kotse, at iba nanaman yung lalakeng nag dridrive" maya maya bigla silang nag kiss. Nung pag alis nung lalake pumasok na agad si Ate sa bahay. Pag pasok ko nakita kong nag aayos na si mama. "Felise baka malalate kami ng uwi ng Ate mo ha, mag luto ka na lng dyan ng ulam"

Pag pasok ko sa kwarto ko nakita ko si Ate na nag mamake up. Nilapag ko yung bag ko sa may gilid, tapos humiga ako sa kama ko.

"Hoy ikaw ha, ginagamit mo nanaman medyas ko. Bumili ka kaya ng sarili mo" sabi ni Ate. "Oo na" napatingin ako bigla kay Ate. Grabe naman yung make up ni Ate akala mo party pupubtahan naka eyeshadow pa. "Ate" pag tawag ko sakanya.

"Ano?"

"Bakit ang dami mong boyfriend?" Tanong ko sakanya. "Hay Felise wag mo na nga akong pakielaman, kung inggit ka edi gumaya ka"

"Ayako kitang gayahin, ayokobg maging playgirl katulad mo" napatigil siya sa pag kikilay niya. "Ulitin mo nga yung sinabi mo" dahan dahan siyang tumingin sakin. "Anong part? Ah yung playgurl, totoo naman eh. Ang playgurl mo Ate" hinagis niya yung hawak hawak niyang pang make up sabay sugod saakin.

"PLAYGURL PALA HA!" Hinihila niya yung buhok ko. "Ate tama na masakit!" Hindi parin siya tumitigil. "Masakit?! Eh mas masakit nga yung sinabi mo sakin eh!" Napa hawak ako sa buhok ko na pinaghihila niya. "Eh totoo naman kasi na playgurl ka!" Hinawakan ko yung buhok niya tapos hinila ko ng malakas, hinawakan ko yung mukha niya tapos ginulo ko yung make up niya.

Maya maya biglang pumasok ni mama. "MAGSITIGIL NGA KAYONG DALAWA!"

Pagkatapos ng away namin ni Ate pinagalitan kaming dalawa ni mama. Eto naman kasing si Ate nakakainis. Nung papalabas na sila ng pinto, biglang tumingin sakin si Ate tapos nakipag eyecontact siya. "Ano ba Feline malalate na tayo!" Pag tawag ni mama kay Ate.

"Home alone!!" Ano kayang pwedeng gawin? Biglang kumulo yung tiyan ko.

Pag bukas ko ng ref, nag hanap ako ng pwede kong lutuin. "Ahm..ano kayang pwedeng lutuin?" Ay! May bubblegum papala sa buhok ko. Nag hanap ako agad ng gunting sa kusina.

Pumunta na ako agad na harap salamin. "Hmm..hanggang saan ko to gugupitin? Ayoko naman lagpas ng balikat" pano bang mag gupit ng buhok baka kasi mag kamali ako. Hmm hala! Hindi ako marunong baka umiksi pa sya lalo.

"Kaya ko to"

TO BE CONTINUE

Bring me backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon