Chapter 13 (Confession)

6 1 0
                                    

Josh P.O.V

"Anong meron kay Ren?" Tanong sakin ni Feline. "W-Wala"

"Ren bilis!" Bigla akong napa tingin sa likod ko kasi alam ko kung kaninong boses yun.

Nakita ko si Felise na kasama si Ren. Napahinto sila nung nakita nila kami. "Hi..Josh" bigla akong napa ngiti nung nag hi siya saakin, lumapit ako agad sakanya tapos inakbayan ko siya.

"Pst..Josh anong ginagawa mo? Nakatingin satin si Ate oh" pa bulong niyang sinabi. "Okay lng yan, pag selusin natin siya para mas lalo pa niya akong habulin"

"Oo nga noh" nag ikot ikot kaming dalawa ni Felise sa shop. "Felise pumili ka na ng mga gusto mo e lilibre kita" bigla siyang napatingin saakin.

"Ha! Ako na mag babayad may pera naman ako" yan ang gusto ko kay Felise, hindi siya gold digger. "How about...Tigisa tayo netong headband, saakin tong angel sayo yang may sungay"

"Hm..parang baliktad hahaha" kinuha niya yung headband tapos sinuot niya. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko.

"Ano, bagay ba?" Yung ngiti niya..Napa hawak ako sa dibdib ko. Sh*t ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Josh" biglang hinawakan ni Feline yung braso ko. "Tapos na akong mamili".

Hinila niya ako papunta sa may casheer. Habang naka pila kami tumingin ako agad kay Felise. Lumapit sakanya si Ren tapos bigla silang nag usap.

Nag labas si Felise ng pera galing sa wallet niya tapos binalik naman ni Ren yung pera niya sa wallet niya, tapos nag labas ng pera si Ren.

HOY! AKO DAPAT ANG MAG BABAYAD NIYAN!!

okay Josh...Kalma lng.

Ewan ko ba tuwing makikita ko si Ren na lumalapit kay Felise, nagagalit ako.

Nung kami na ang mag babayad, nakita ko yung mga pinamili ni Feline..Ang dami!

"1200 po lahat" what the heck! So ako ang pag babayarin ng babaeng to!?.

Nung pag labas ko ng wallet ko...Bigla siyang nag bayad.

"Let's go?" Sabi niya.

Nagulat ako nung bigla siyang nag bayad.

Nilapitan namin sila Felise. Pag labas namin ng shop, nag ikot ikot na kami.

"Josh, tara sakyan natin yun!" Sabi ni Felise na mukhang sobrang excited na niyang sakyan. Susundan ko na sana siya kaso hinila ako pabalik ni Feline, mas lalo pa niyang hinigpitan yung pagkapit niya sa braso ko.

Bigla akong napatingin sakanya.

"Wag ka ng sumama sakanya..Dito ka na lng, please?"

Tumingin ako kay Felise, bigla siyang na lungkot. Gusto ko siyang samahan pero si Feline kasi.

"Ako na lng ang sasama sayo Felise" napatingin kami lahat kay Ren.

Nagulat kami nung biglang hinawakan ni Ren yung kamay ni Felise. Hinila na ni Ren si Felise papalayo.

Gustong gusto kong pag hiwalayin yung kamay nila! Hindi ko sila masundan kasi si Feline ang higpit ng kapit sa braso ko.

"Josh..Sumama ka muna saakin"

Felise P.O.V

Nung pumila na kami ni Ren, binitawan na niya yung kamay ko. "Grabe si Feline noh?" Bigla akong napa tingin sakanya. "Ha bakit?"

"Alam naman niyang boyfriend mo si Josh tapos kakapit siya sa braso nun ng sobrang higpit...Ikaw, hindi mo man lng sila pinaghiwalay"

Ayoko silang pag hiwalayin..Kasi alam ko na yun din naman yung gustong mangyari ni Josh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 18, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bring me backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon