Chapter 8

10 2 0
                                    

Hindi ako maka paniwala sa sinabi ni mama. "S-Seryoso ka ma?"

"Oo, tumawag yung pinsan ni Liam. Ang sabi niya uuwi na daw si Liam kasama mom niya" napa tulala na lng ako bigla sa gulat. "Makikita ko na rin siya...."

Tumayo ako sa ikinauupuan ko tapos pumasok ako sa kwarto. "Omg...Magkikita na kami!!!" Nag papadyak padyak ako sa kama ko. "Ano kayang itsura niya ngayon?..Hay sana mag kita kami, siguro sobrang tangkad nun ngayon"

Hay! Kaylangan kong pumunta doon. Now na! Ay...gabi na pala.

Kinabukasan pag gising ko nakita ko si Ate na hinahalungkat yung mga laman ng paper bag.

"Hoy! Hoy! Akin yan!" Kinuha ko agad yung mga paper bag. "Sayo yan!? Kelan ka pa nag ka pera? Atsaka ang mamahal ng mga presyo...Penge naman ako" mahal!? Hindi naman niya kaylangang bilihan ako mga mamahalin na gamit.

"Bigay yan saakin ni Josh kahapon"

"Ay hindi na pala ako hihinge" tapos lumabas na siya ng kwarto.

Hinatid ako ulit ni Josh sa school. Pag baba ko sa kotse niya umalis na siya.

Habang nag lalagay ako ng gamit ko sa locker ko. Maya maya may biglang tumawag sa phone ko. "Hello?"

"*sniff Feliiiiiise......" sabi ni Gabie habang umiiyak. "Gabie! Anong nangyayari sayo!? Naiyak ka ba?" Tanong ko. "*sniff Felise, break na kami nung boyfriend ko UWAAAAA!!!!"

Nakakabinge naman to. "Ano ba kasi nangyari?"

"Wala..naki pag break lng siya bigla"

"Nako nako nako, sige na kaylangan ko ng pumunta sa classroom. Itigil mo na yang kakaiyak mo" tapos binaba ko na. Pumunta na ako sa classroom. Pag bukas ko ng pinto, naka salubong ko nanaman si Andrew. "G-Goodmorn-" bigla niyang hinawakan yung braso ko, tapos hinila niya ako papalayo.

"Huy, teka! Saan mo ako dadalin?" Hindi niya ako sinagot. Dinala niya ako sa may rooftop.

"Bakit mo ako dinala dito?" Tanong ko, bigla siyang humarap saakin. "Felise...Sorry kung lagi kitang binubully, ayoko naman talagang gawin yun sayo"

"Okay..."

"Kaya lng naman kita binubully kasi......kasi" biglang tumunog na yung school ring. "Alam mo Andrew, mamaya na lng natin to pag usapan. Baka ma late pa ako sa klase" pag talikod ko sakanya.

"Gusto kita!"

Napa hinto ako bigla, humarap ako sakanya ng dahan dahan.

"Matagal na kitang gusto Felise, at yung mga sulat na natatanggap mo araw araw..Saakin galing yung mga yun" seryoso ba sya? Sakanya galing yung mga letter na natatanggap ko!!? "Bakit mo ako binubully?"

"Kaya ko lng naman ginagawa yun para mapansin mo ako"

Tinalikuran ko siya ulit. "I'm sorry" tapos lumabas na ako. Tumakbo ako papunta sa classroom ko.

Hindi ko aakalain na mag kakagusto siya sakin.

Pag dating ng uwian tinext ako ni Gabie na pumunta muna daw ako sakanila.

Pag dating ko sa bahay niya pinindot ko na yung doorbell. Mom niya ang nag bukas ng pinto. "Hi Felise, hinihintay ka na ni Gabie sa kwarto niya" pinapasok na ako ng mommy niya.

Maya maya habang papaakyat ako sa kwarto niya, biglang tumawag si Josh.

"Hello?" Sabi ko. "Hello! Felise, nasaan ka?" Tanong niya. "Nandito ako sa bahay ng kaibigan ko bakit?" Sinimulan ko na ulit mag lakad. "Wala naman gusto ko sanang bumisita sa inyo..Sabihin mo kung nasaan ka ngayon susunduin kita"

"Okay"

Pag katapos naming mag usap, dumeretso na ako sa kwarto ni Gabie. Pag bukas ko ng pinto niya.

Ang daming gamit na tissue sa lapag. "Huy, naiyak ka parin!?" Bigla siyang napa tingin sakin. "UWAAAA FELISE!!!!" Tumakbo siya papalapit saakin tapos bigla niya akong niyakap.

"Easy ka lng Gabie" pinaupo ko siya sa higaan niya. "So anyare?" Tanong ko. "Kahapon kasi umalis kami ng campus dinala siya ako sa bahay ng mga kaibigan niya, pinakilala pa niya nga ako sa mga kaibigan niya eh."

"Then nung kumuha ako ng tubig sa may kusina, nakita ko si Mark na may kausap na babae, hindi ko na lng sila pinansin kasi mukhang kaibigan lng naman siya ni Mark, nung pag uwi ko...tinext niya ako"

Kinuha ni Gabie yung cell niya tapos may pinakita siya saakin.

Mark
Active now

5:17 pm

Mark: Baby
Gabie: Yes Baby?
Mark: Wag ka sanang magalit sa sasabihin ko.
Gabie: Ano ba yun baby, may problema ba?
Mark: Baby makikipag break na ako sayo.
Gabie: Ano!? Bakit? Hindi pa nga tayo naabot ng isang linggo makikipag break kana!
Mark: Sorry, ayoko na kasi sayo atsaka..May bago na ako. Bye.

Mark cleared his nickname. Change
Mark cleared your nickname. Change

Muntik na akong napa mura sa nabasa ko. "Hayop tong lalakeng to ah!" Sabi ko. Nilagay ko sa gilid yung cell ni Gabie tapos niyakap ko siya. "Tahan na Gabie, hayaan mo e papamukha natin sa lalaking yun kung sino yung iniwan niya"

Nag stay ako kela Gabie hanggang 8 ng gabi. Bago ako umuwi tinawagan ko muna si Josh, ang sabi ko sakanya na huwag na niya akong sunduin kasi nakakahiya naman.

Pero hindi siya pumayag sa gusto ko..gusto niya daw kasi makita si Ate, edi pumayag na lng ako.

Nung pag dating ni Josh sa harap ng bahay nila Gabie, sumakay na ako.

Liam P.O.V

Habang na tutulog ako, tinanggal ni mama yung headphones na suot suot ko. "Liam ayusin mo na mga gamit mo, malapit na tayong lumanding"

I can not wait to see, Felise.

To Be Continue

Bring me backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon