Chapter 5

2 2 1
                                    

Yung na bangga ko..Ex sya ni Ate.

"Felise!? Ikaw pala" naka tingin siya sakin ng naka ngiti.

"Ayun na sya!" Narinig kong sigaw ng isa sa mga nag lalasing kanina. "Ah, hi..uh kaylangan ko ng umalis" tatakbo na sana ako pero pinigilan niya ako. "Felise, sino sila?" Tanong niya saakin. "H-hindi ko sila kilala" napahinto sa kakatakbo yung mga lasingero.

"Anong kaylangan nyo sakanya?" Tanong ni Josh (ex) "yang babaeng yan, sinipa nya tong ***** ko!" Bigla napatingin sakin si Josh. "Bakit mo naman sinipa yung ano ng lalakeng yun?" Tanong niya sakin. "Eh! Sya naman kasi bigla na lng hinahawakan yung braso ko tapos sabi niya, tara inuman muna tayo" sabi ko.

"Pag bilang kong lima dapat wala na kayo dito sa harap ko" sabi ni Josh, bigla naman nagsi tawanan yung mga laseng. "Hindi kami takot sayo! Ibigay mo na lng kasi samin yang babaeng yan"

"Isa" nag simula na siyang mag bilang. "Pa bilang bilang ka pa dyan, tumigil ka nga!" Sabi nung lalake. "Dalawa" mukhang seryoso tong si Josh. Lumapit isa isa yung mga tropa ni Josh na kasama niya.

Wait! Oo nga pala, may gang pala tong si Josh. "Tatlo" binigyan nang baseball bat si Josh ng tropa niya.

HALA!!! BAKA MAPATAY NIYA YUNG MGA LASINGERO!!!!

"Apat" nakita kong kinakabahan na yung mga lasingero. "Li-" biglang na putol yung sasabihin niya kasi biglang nag salita yung lalake. "Tara! Alis na tayo dito" tapos nagsi takbuhan sila papalayo.

"Ahahahahaha" bigla tumawa si Josh. "Sayang naman, gusto ko panaman gamitin tong baseball bat na to" nandyan parin pala yung nakakatakot niyang side. "So, Felise saan ang punta mo?" Tanong niya saakin.

"Ahm..Sa 7eleven lng" sabi ko. "Ah ganun ba osige mag ingat ka sa pag punta duon" pumasok na siya ng kotse. "Felise wait!" Napa lingon ako sakanya. "Bukas hihintayin kita sa gate ng school nyo" hah? Bakit?

"Bakit?" Tanong ko "basta may sasabihin lng ako" tapos umalis na sila. "Anong sasabihin niya? Bakit hindi na lng nya sabihin ngayon"

Pag dating ko sa 7eleven, bumili na ako ng pagkain. "Hm.. ano kayang masarap?" May donut kaya sila!? Nag madali akong pumunta sa may lalagyanan ng donut. "Waah! Ubos na"

Pagkatapos kong bumili bumalik na ako sa bahay. "Halah! Madadaanan ko nanaman yung kanto na may mga nag lalaseng. Nung nasa may kanto na ako, sumilip muna ako kung nandun parin sila.

"Hay.. salamat naman wala na sila, siguro natakot sila kay Josh.

Naging close kami ni Josh nung naging sila ni Ate, lagi siyang napunta sa bahay namin na may dala dalang pang miryenda. Mas matanda ng isang taon si Josh kesa saakin, mas matanda naman si Ate kesa sakanya. Pero nag break rin sila last year, hindi ko alam kung bakit sila nag break. Ang alam ko si Ate ang nakipagbreak alam nyo naman, play gurl kasi.

Pag dating ko sa bahay, nakita ko si Ate na may kausap na lalake sa tapat ng gate namin. "Oh, gising na pala siya" hindi ko na lng sila pinansin.

"Feline, diba kapatid mo yun. Ano ulit pangalan niya?"

"Hay nako, hayaan mona sya"

Kinabukasan, pag dating ko sa classroom tumabi agad sa gilid ko si Gabie. Pag tingin ko sakanya "oh, bakit ka naka simangot?" Tanong ko sakanya. "Eh kasi naman si Kuya kinain yung chocolate ko sa ref, nakakainis!" Yun lng naman pala, akala ko kung ano ng nangyari.

"Ay nga pala" bigla siyang napa tingin saakin. "Diba gusto mong makita kung anong itsura ni Liam diba" lumapit siya bigla saakin. "Oo!" Pinakita ko sakanya yung pic ni Liam na hiningi ko kay lola Lusita.

"O-M-G" tinignan niya ng mabuti yung  pic. "SIYA TO!?" Pasigaw niyang sinabi. "Gabie wag kang sumigaw"

"Sorry sorry, ang gwapo kasi ng batang to!" Sabi niya habang kinikilig. "Uy Felise, ang gwapo siguro neto ngayon noh!" Grabe kilig na kilig siya. "Hindi tayo sure dun, malay mo tumaba siya" sabi ko. "Hay ewan ko sayo Felise, basta para sakin gwapo yang Liam ngayon, tignan mo yung buhok niya oh ang ganda black na black, atsaka ang puti. Ay nga pala natural yang kulay ng buhok mo diba?"

"Uh..oo" pati rin ako nag tataka kung bakit light brown tong buhok ko, kahit nung bata pa ako light brown na ang buhok ko.

Pag dating ng uwian, kasama ko si Gabie lumabas ng school. Nung malapit na ako sa may gate, nagulat kaming dalawa sa dami ng babaeng estudyante na naka harang sa gate. "Anong meron dun?" Tanong ni Gabie. "Hindi ko rin alam"

Nilapitan namin yung mga babae.

"Uy bes ang gwapo nya oh" sabi nung isang babae. "Teka" sabi ko, napa tingin naman sakin bigla si Gabie. "Ano yun Felise?"

"Wag mong siya yung pinag kaka guluhan ng mga babae?!?" Sabi ko. "Huh? Sino? HAAAA!! WAG MONG SABIHIN NA SI LIAM YUNG PINAG KAKAGULOHAN NG MGA BABAE!!?" binatukan ko siya agad. "Engot, hindi si Liam"

"Edi sino?"

Sumingit kaming dalawa ni Gabie sa loob ng mga nag kukumpulang babae.

"Ano ka ba! Tumabi ka nga" bigla akong tinulak nung babae. "Ooh! Muntik na akong ma dapa" walang hiya yung babaeng yun, hindi naman siya inaano. Bigla na lng na nunulak.

"Felise!"

Pag lingon ko, nakita ko si Josh na nakatayo sa may gate na naka shades pa. Bigla siyang lumapit saakin. "You're finally here! Let's go" hinawakan niya bigla yung kamay ko. "Teka si Ga-" pagtingin ko kay Gabie...Aba tuwang tuwa pa sya.

Pumasok na kami sa loob ng kotse.

"Driver let's go" sabi ni Josh, pinaandar na nung driver yung kotse. "Teka, Josh saan mo ako dadalin?" Tanong ko sakanya. "Kakain lng tayo" kakain? Hay sakto nagugutom ako...Ay teka akala ko ba may sasabihin siya?

Dinala niya ako sa isang mamahalin na restaurant. "Ah...sure ka ba na dyan mo gustong kumain?" Tanong ko sakanya. "Yeah, lagi akong nakain dito" oo nga pala..nalimutan ko na rk pala to.

Pagkatapos naming umorder, kumain na kami.

"So ano ba yung gusto mong sabihin sakin?"

Napa tigil siya sa pagkain. "Ah..right" kumuha siya ng tissue tapos pinunasan niya yung labi niya.

"Would you..."

To Be Continue

Bring me backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon