Chapter 7

6 2 0
                                    

Kinabukas biglang may kumatok sa pinto. "Ano ba, sino ba yung kumakatok na yun? Ang aga-aga ang ingay ingay" pag bangon ko, sa sala nga pala ako na tulog. Nag lakad ako ng dahan dahan papunta sa pinto.

Katok parin ng katok yung tao sa labas. "Eto na!...bat ba to nag mamadali?" Nung pag bukas ko ng pinto, nagulat ako nung nakita ko si Josh na nakatayo sa harap ko. "J-Josh!!!? Anong ginagawa mo dito ng ganitong ka aga?" Tanong ko sakanya. "Nandito ako para ehatid kita sa school mo"

Nako, ang aga niyang pumunta dito hindi pa nga ako naliligo. "Pasok ka muna" pag yaya ko sakanya, pinaupo ko siya sa may sala.

"Dyan ka muna maliligo lng ako...gusto mo ng kape?"

"Ah hindi na"

Kinuha ko na agad yung twalya ko tapos dumeretso na ako sa cr. Nag madali akong naligo, nakakahiya naman kung pag hihintayin ko siya ng matagal.

Paglabas ko ng banyo pumunta na ako agad sa kwarto ko. Nakita ko si Ate na naka upo sa kama. "Hoy! Bakit nandito yung lalakeng yun?" Tanong niya sakin. "Ehahatid niya daw ako" sabi ko habang nag bibihis ako. "Ang aga aga nangiistorbo yung lalakeng yun, haaay nako maka ligo na nga"

Pag katapos kong mag ayos ng sarili, kinuha ko na yung bag ko tapos lumabas na ako ng kwarto. "Tara na" sabi ko sakanya. "Teka, hindi ka ba kakain ng almusal?" Tanong niya saakin, habang turoturo niya yung kusina. "Huh, ah hindi na hindi naman ako gutom"

Bago kami lumabas ng bahay nag paalam muna ako kay mama. "Ma alis na po kami!"

Pag sakay namin sa kotse pinaandar na agad nung driver.

"So...anong nangyari kahapon?" Tanong niya. "Hm..nag away kami ng konti" na gulat naman siya bigla sa sinabi ko. "T-teka, nag away kayo. Tungkol saan naman ang pinag awayan nyo?"

"Sabi niya bakit ikaw pa daw talaga naging boyfriend ko, mukha ngang inis na inis siya kagabi eh" pag tingin ko sakanya, bigla naman siyang nag blush. "Hah..nag blublush ka oh" nung pag turo ko sa pisngi niya bigla naman niyang tinakpan yung pisngi niya.

"Gosh, may feelings parin kaya siya saakin?" Tanong niya sa sarili niya. "Maybe yes, maybe no" sabi ko naman.

Pag dating namin sa school ko, bumaba na ako kaagad. "Salamat sa pag hatid sakin".

"Wala yun, bye" sinarado niya na yung bintana ng kotse niya tapos umalis na siya.

Dumeretso na ako sa classroom, pag dating ko sa hallway nakita ko si Gabie na may kasamang lalake. "Hi Gabie...Sino siya?" Tanong ko sakanya habang turo turo ko yung lalakeng ka holding hands niya. "Ah..siya si Mark, boyfriend ko"

Nabigla ako sa sinabi niya. "Kelan pa naging kayo?" Tanong ko. "Ahm..actualy last week pa siya nanligaw, kagabi ko lng siya sinagot..Diba baby" bigla niyang niyakap yung braso ni Mark. "Ah..ganun ba, tara punta na tayo sa classroom" pag yaya ko sakanya.

"Mauna ka na Felise may pag uusapan pa kami ni Mark"

"Ah ganun ba.." nag simula na akong mag lakad papunta sa classroom.

"Grabe may boyfriend na siya agad, ngayon ko lng nakita yung lalakeng yun" pag bukas ko ng pinto, naka salubong ko agad si Andrew. Nakipag eyecontact ako sakanya ng ilang segundo tapos umalis na rin siya agad. "Huh, anong nakain nun? Hindi na niya ako inaasar"

Umupo na agad ako sa upuan ko. Hay ang boring kapag hindi ko kasama si Gabie, hindi ko aakalaing mag kaka bf siya, nakakabigla.

Maya maya dumating na yung teacher wala parin si Gabie. "Nasaan na yung babaeng yun?" Tanong ko sa sarili ko.

"Absent ba si Gabie?" Tanong nung teacher. "Ma'am nakita ko po siya sa may hallway kanina" sabi nung isa kong kaklase. "Bakit wala parin siya dito?" Biglang napa tingin saakin si Ma'am. "Felise paki hanap nga si Gabie"

Tumayo ako sa ikinauupuan ko tapos lumabas na ako.

Nasaan naba yun? Kanina pa ako nag paikot ikot dito sa campus, hindi ko parin siya nakita.

Sumuko na ako, bumalik na ako sa classroom ko.

"Ano Felise nakita mo ba siya?" Tanong ni Ma'am. "Hindi po eh"

"Nako Ma'am, feeling ko wala na sa campus yun. Tumakas siguro siya"

Tumakas?! Hindi magagawa ni Gabie yun, malamang kasama niya yung boyfriend niya. Tsk tsk tsk

Pag dating ng uwian, hinintay ko si Josh na dumating para sunduin ako. Pag dating ng kotse niya sumakay na ako agad.

"Hi Felise, so how is school?" Tanong niya. "Okay lng naman...Dad" bigla akong napa tawa, parang kasi siyang tatay.

"Here" bigla niya akong binigyan ng limang paperbag. "Ano to?" Tanong ko sakanya. "Para sayo yan, kapag nakita ng ate mo yan for sure na maiinggit yun" aba magaling.

Pag dating namin sa bahay pumasok na ako agad. "Ma nandito na po ako!" Nung pag upo ko sa may sala biglang tumakbo papalapit sakin si mama. "NAK!NAK!"

"Ma, bakit!?" Tanong ko sakanya.

"Nak si-"

"Ma...Ma....Ma" narinig kong boses ni Ate. Nung pag harap namin kay ate..may tumutulong dugo sa ilong niya.

"Feline, anong nangyari sayo!?" Tanong ni mama. Napa hawak si ate sa ilong niya. "Na bangga ako sa may poste kanina" kumuha ng tissue si ate tapos umupo siya sa gilid namin.

"Ano ulit yung sasabihin mo ma?" Tanong ko.

"AY! oo nga pala, si Liam....Uuwi na ng pinas"

To Be Continue

Bring me backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon