Kabanata XVI

14 0 0
                                    



Hindi porke bumalik siya magiging okay na ang lahat.


Ano? Isang sorry lang tanga na ulit? No way. Matino pa naman ang pag iisip ko para magpa bola ulit sakanya!

"Princess?". Tawag ni Mama mula sa labas ng kwarto ko.



Bumangon ako sa kama at pinag buksan siya. Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan sa noo.
Ngumiti ako at pumasok kami sa loob.

Inilibot ni Mama ang mata niya sa kwarto ko at pinatay ang sound system ko.

"Aren't you gonna go out or something?" Tumabi siya sa'kin sa kama.

It's Saturday. Pero nasa kwarto lang ako maghapon. Basty even called me many times. Niyaya niya akong lumabas, pero wala ako sa mood.

"No Ma, I'll just stay here. Gonna watch movies, read books or wattpad." Malamlam kong sagot habang hawak ang ipad ko.

Hinaplos niya ang buhok ko and lean on my shoulder.

"Is there a problem anak?" Ganun ba talaga pag parent ka? You can easily read and feel the feelings or mood of your child? Because Mama is actually right. When I was a kid, she can easily read me, my emotions.

"I'm fine Ma". Hinalikan ko siya sa noo at ngumiti. Muling ibinalik ang attention ko sa pag babasa. Parang di ko kasi kaya mag open kay Mama about heartaches.

Tumango lang siya at naglakad na palabas. Pero bago niya pa pihitin ang doorknob:

"I heard what happened, your gonna be okay anak."Napalingon ako sakanya at nakita ko ang pag aalala sa mga mata ng Mama ko. " Just give him a chance to explain his side, hear him out. You both need a closure, trust me anak."

At tuluyan na siyang lumabas at naiwan akong tulala sa mga sinabi ni Mama.

Napakamot ako sa ulo at nawalan na ng gana magbasa o manood ng movies! Realization sucks!Kakayanin ko ba siyang harapin? Isang taon!isang taon na pero pakiramdam ko naging fresh lahat ng nangyari.

Simula noong umpisa,kung paano ko siya nakilala. Naging kaaway,at minahal ng sobra. Naiyak nalang ako.

Naramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko.

From: +63927*******

Baby.

Agad na bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit ganito parin yung epekto niya? It's just a four letters and one fucking word! But it gives me this weird feeling! Naihagis ko nalang ang phone ko sa kama.

"Ah! Bakit ka pa kasi bumalik!" Napag pasiyahan ko nalang na maligo at lumabas. Baka masiraan ako ng bait pag nagkataon.

Nagpa alam ako kay Mama na maglalakad lakad lang ako sa labas.

May mga pagkakataon noon na iniisip kong minsan talaga di sapat yung mahal niyo lang yung isa't-isa. Masyado pa akong bata para sa mga ganitong bagay. Pero pakiramdam ko ang dami ko ng naranasan. Sky? He's literally my sky, napapalutang niya ako sa kilig. Akala ko kami na talaga, ganoon pala pag first love mo noh? Iisipin mo siya na yung makakasama mo forever. Pero nagising nalang ako sa katotohanang, hindi pala.

Di ko na alam kung san ako dinala ng pag iisip ko. Nahinto nalang ako ng mapansin na ang layo na pala ng narating ko. Two blocks away from our house? Wow! Just wow!

Napa upo nalang ako sa gutter. Iniangat ang ulo ko at tinitigan kung gaano kaganda ang sunset.
Ganyan kapayapa yung buhay ko noon. Ang drama ko naman today! Kakaasar. Naglakad na ako pabalik and put on my earphones.

Madalas pag gusto kong mapag isa earphones lang at phone ko? Ayos na sakin. Music can really make me felt good. Pero bastos lang! I'll never go talaga!? Talaga ba! Bakit yan pa yung biglang nagplay pag press ko sa button ng earphones ko. Bastusan talaga?

Bawat linya ni Erik Santos, sapul eh! Ang sakit. Para akong tanga na naglalakad habang umiiyak. Good thing na hindi pala labas ang mga tao dito sa village namin.

Di ko pinaramdam sakanyang malayo kami sa isa't-isa. Pero siya? Ginawa niya. Isinuko niya lang ako basta basta. O ako ba ang sumuko sakanya?ah!nababaliw na yata ako. Lahat ng pwede niyang maging rason inisip ko na. Wala parin diko parin maintindihan kung bakit ganoo  niya lang ako kadaling binitwan.

Kahit ano palang higpit ng hawak mo. Kung yung taong hinahawakan mo ay unti unting kumakalas sayo. Wala ring saysay ang higpit ng kapit mo.
Pinunasan ko ang mga luha ng walang habas na pumapatak mula sa mga mata ko.

Nagulat ako ng biglang may kumalabit sakin mula sa likod. Nang lingunin ko si Jeron pala. Ang aliwalas ng mukha niya, yung tipong parang walang ka proble-problema sa buhay. Buti pa siya.

"Hi" bati niya sa akin.

"Oh? Why are you here?" Tinanggal ko ang earphone ko. Sumabay naman siya sa paglalakad ko.

"Ah, pinalinis ko na kasi yung bahay."
So lilipat na siya. Ugh! Pakiramdam ko bigla nalang sumikip yung village!

"Ah ganoon ba" tipid kong sagot.

Nag fake cough siya kaya napa tingin ako sakanya.

"Okay ka lang ba?" Tanong ko kahit alam kong ayos lang naman talaga siya.

"Ah oo. Are you free tonight Snowie?"

Bakit ngayon pa? Pero wala ako sa mood!

"Ah... pasensiya na may kailangan kasi akong gawin mamaya." Sorry talaga Jeron.

Napakamot siya sa batok. At ngumiti kahit alam ko namang pilit yun.

"Ah ganoon ba? Aryt. Nextime nalang". Ngumiti ako pabalik at naglakad na.

"Hatid na kita?" Ngumiti nalang ako bilang pag sang-ayon.

Tingin ko dapat ko na yatang patigilin sa panliligaw sakin si Jeron. Sobrang nagiging unfair na kasi ako sakanya. Ang sama ko naman kung paasahin ko siya hindi ba? Oo crush ko siya at hanggang doon lang yata ang feelings ko para sakanya. Naguguluhan narin kasi ako, lalo pa ngayon.
Pag tapat namin sa bahay ay agad akong nagpa salamat sakanya.

Kung si Jeron kaya yung naging boyfriend ko? Masaya kaya kami ngayon?.

Lutang parin ako bago ako nakatulog.
Ang sarap bumalik sa pagka bata na ang tanging problema mo lang ay kung paano magpapa alam sa magulang mo na maglaro ka sa labas.

Take a Chance on Me. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon