Kabanata IX

23 2 0
                                    

After naming mag usap ni Jeron umuwi narin siya di na siya nakapag dinner sa bahay ako naman natulog nalang at dina kumain, kawalang gana kaya pag wala ka namang kasabay kumain.

Lumipas ang 1 week na di ako masyadong kinukulit ni Basty at panay naman ang text o kakao sakin ni Jeron.
Naging close narin ako sakanya pero di kami nag uusap sa school minsan lang pag wala si Basty.

"Grabe! Namiss kita Fia! 7 days kitang binigyan ng space ha! Siguro naman bati na tayo?".

Okay! Back to annoying Basty na naman po pala ako.
Nakaabay siya sa akin habang naglalakad kami sa field 3 hours pa kasi bago uwian may meeting lang yung teachers tapos may practice sila Basty kaya di muna ko uuwi nakapango kasi ako sakanya na manonood ako.

"Ako? Di kita na miss sa totoo lang, ang payapa ng buhay ko ng wala ka".
Inirapan ko siya at sumimangot siya.

"Ay! Grabe ka, ang hirap kayang di kita kinakausap, torture yun, torture" binelatan ko lang siya.

Malapit na kami sa court ng tumunog ang notif ko sa kakao.

"Oh!may kakao ka?add kita Fia!" Nilabas niya ang phone niya.

"Anong Id mo?".

Lagot na!

"Ha?A-ayoko nga!".

Napatingin siya sa akin ng may pagtataka.

"Bakit naman?"inuusisa niya ang mukha ko.

"H-ha?ah kasi..e basta ayoko!kukulitin mo lang ako e!"nauna akong maglakad at nagmadali ako.

"Fia!may di ka ba sinasabi sakin?".Napahinto ako at di ka parin siya nilingon.

Lagot na!ano Sofia!shit!

Hinawakan niya ako sa braso.

"Ano fia?meron ba?"

Napakamot ako sa noo ko at napa kagat labi.Lumakas bigla simoy ng hangin.

"Basty…"

Huminga ako ng malalim at mukhang disappointed naman siya.

"Ano?" Mahina niyang sabi.

"Zamora!!!"

Nagulat ako sa tumatakbong si Bea sa likod ni Basty. Pati siya ay napalingon.

Humihingal na huminto si Bea sa amin.

"Hoo! Haaa! Ang init grabe!". Pawis na pawis siya at hinihingal pa.

"Ano ba yun Bea?" Takang tanong ni Basty sakanya.

"Hoo! Sorry Basty…may gagawin kasi kami ni Fi" nilingon ako ni Basty at tinaasan ng kilay.
Nilalakigan naman ako ng mata ni Bea at nginungusuan.

"H-ha? Oo.. may gagawin kami ni Bea e, sorry Basty  bawi nalang ako nextime". Kinurot ko siya sa ilong at saka hinila na si Bea patakbo.

"Bea! Ano ba yung pinagsasabi mo?!".

Natatawa siyang huminto ng makita niyang malayo na kami kay Basty.

"Jusko! Kanina pa kasi ako kinukulit ni Jeron na hanapin daw kita!" Nakahawak siya sa dibdib niya at naghahabol ng hininga.

Inabot ko sakanya yung tumbler ko.

"Oh uminom ka nga muna" umiling siya at kinuha ang tumbler niya sa bag saka uminom.

"Ayokong uminom diyan may bahid yan ng first chapter niyo ni Jeron noh!"

Bigla akong natawa at hinampas siya sa braso.

"Gaga! Anong first chapter Bea!baliw! pinagsasabi mo!" Natatawa rin siya at nagpatuloy kami sa paglalakad.

"San ba tayo pupunta Bea?".

Nakarating kami sa likod ng lumang building ng 3rd year, di ako pumupunta dito kasi sabi nila may mumu daw dito. Hahaha takot ako e!

"Bakit andito tayo! Ayoko dito! Alis na tayo, badtrip ka Bea!" Bigla siyang ngumuso.

Kaya nilingon ko kung anong nginunguso niya.

"Iwan na kita ah! Balikan kita after 2 hours di ako magpapakita kay Basty don't worry!".

Nakasandal si Jeron sa pader habang nasa bulsa naman niya ang mga kamay niya at nakatingin lang sakin ng diretso.

Tumakbo bigla si Bea.

"Bea!" Sigaw ko pero nagsaludo lang siya at ng lingunin ko si Jeron sumalado naman siya pabalik.

So inutusan niya si Bea?

Lumapit siya sa akin at kinuha ang bag ko.

"Tara". Hinawakan niya ako sa kamay at hinila patakbo sa likod.

Halos mapanganga ako sa tumambad sakin. Ang layo sa expectation ko.

"May ganito pala sa school natin?". Hawak niya parin ang kamay ko at tumango.

"Ang ganda Jeron!" Lumapit ako sa mga roses na nakatanim at sa iba pang mga bulaklak.

Pumitas si Jeron at binigay sakin.

"Ako ang nagtanim niyan lahat". Nagulat ako at tinanggap ang red rose na binigay niya.

"Seryoso? Hala paano?".

Niyaya niya akong maupo sa isang bench.

"Pag lunch break, nagtatanim lang ako dito at dito narin ako kumakain".

Ah kaya pala wala siya madalas pag lunch break. Pero ang layo nito sa building namin.

"Oh! Pero ang layo nito sa building  natin". Tumango tango lang siya at pinaglaruan niya ang mga daliri ko.

"Mas gusto ko kasi dito, tahimik lang. It feels so good here and comfortable".
Naiilang pa ako ng konti sakanya kasi pag tumititig siya sakin grabe parang hinihila niya palabas ang kaluluwa ko.

"Ah" maikli kong sagot at talagang amaze ako sa itsura ng lugar para bang di mo maiisip na may ganito sa school namin.

"Do you like the place?".

Tumango tango ako at ngumiti.

"I love it!".

Ngumiti na naman siya! Oh God another mark for my calendar.

"Your the first visitor of Sofia Paradise please enjoy".

"Sofia? Sofia Paradise?".

Tumango siya.

"Yep, pinangalan ko 'to sayo, kasi ikaw yung naiisip ko tuwing nadito ko, tuwing nagtatanim ako, ikaw lang yung naiisip ko".

Okay, nasan na yung panty ko! Hahaha. Uminit bigla yung tenga ko at ilalim ng mata ko.

"Kaya sayo ko pinangalan, cause your my happiness, your my paradise''.

Napangiti ako at siya din.

"Thank you". Di ko napigilan ang sarili ko at hinalikan ko siya sa pisngi.
Medyo nagulat siya at namula.

Bigla akong nahiya at tumingin lang sa mga iba't-ibang bulaklak na nasa harap namin. Patay malisya ang lola niyo! Enebe...

"Salamat ulit''. Winagayway ko ng konti yung rose na binigay niya.
Nagulat naman ako ng bigla siyang lumapit sa akin at pinunasan ang noo ko.

"Baka magkasakit ka" seryoso niyang pinunasan ang noo ko gamit ang panyo niya at ng matapos ay binulsa niya yun ulit.

Okay kailangan ko talaga lagi ng extra panty pag si Jeron ang kasama ko. HAHAHAHA.

Uy di literal ha! Kinikikilig lang ako.

Take a Chance on Me. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon