Kabanata VIII

19 2 0
                                    


Hanggang last period namin, windang ako. Di ko akalain kasi na lalapitan ako ni Jeron, buti nalang walang kaalam alam si Basty sa nangyari, siguradong OA na naman ang reaksyon niya.

"Class dismissed!".

Hoo! Buti naman! Kasi wala akong naintindihan today! Except sa 4 subjects kaninang umaga.

Niligpit ko na ang gamit ko at ang makulit na si Basty, 'to na naman.

"Fia? Leggo!". Nakangiti niyang kinuha ang bag ko pero binawa ko agad.

"Basty, hindi tayo sabay ngayon grounded ako"

Niyakap niya ang bag ko ng mahigpit at napansin niya ang tumbler na hawak ko.

"Bago tumbler mo?" Hinigit niya yun at pinag masdan.

Hinila ko yun sakanya at pasimple tiningnan si Jeron na nakangisi.
Gosh! Ano bang nginingisi ngisi niya diyan!

"Akin na nga yan, di ako magpapahatid sayo susunduin ako ni Manong Jomar". Kinuha ko ang bag ko sakanya pero ayaw niyang ibigay.

"Okay, hatid nalang kita sa school gate".

Okay,kalma lang lang Sofia hingang malamim!
Naglakad na palabas si Basty napahinto ako ng hawakan ni Jeron ang braso ko.

"I'll visit you later okay lang ba?"

halos magtayuan ang balahibo ko ng hawakan niya ako,pakingtape!

"H-ha? Ah o-okay''.

Hinila niya ako at napasandal ako sa dibdib niya, yung puso ko nasaan na? Nahulog naba? Naramdaman kong hinalikan niya ang noo ko.

"Take care Snowie".

"Diko na kaya to! Grabe ka Fia!" Sabi ni Bea at tumakbo palabas ng room.

Pero maya maya ay bumalik siya.

"Pabalik si Basty!".
Binitawan ako ni Jeron at nilaro saglit ang mga daliri ko. Anong ginagawa niya!?

"See you later".

Tumango nalang ako at hinila na ako ni Bea.

"Ang ganda mong babae ka jusko Fi" bulong niya sa akin at huminto si Basty para hintayin ako.

"Akala ko nakasunod ka anong ginawa mo?". Nakataas ang isa niyang kilay.

"Sorry Basty, may pinag usapan kasi kami ni Fi, may tinanong ako".

Tumango tango siya at kinindatan naman ako ni Bea.

Nang makalabas kami sa school gate ay naka park nadun ang vios na sasakyan namin.

"Bye Fi!" Sabi ni Bea at sumakay narin sa sundo niya. Kumaway din ako at kinindatan siya.

Pinagbuksan ako ni Basty.

"Sorry talaga dahil sakin grounded ka" kita ko naman yung sincerity sakanya.

Tumango lang ako at iniabot niya sa akin yung bag ko.

Umalis na kami at biglang nag vibrate ang phone ko.

JTA:

Snowie…

Ugh! Ano ba 'to bakit ganito yung epekto niya sakin! Ano ba Sofia! Wala namang ano ung sinabi niya! Snowie lang! Snowie lang! Bakit ka kinikilig!
Nababaliw na yata ako.

"Ah Miss Snowie? Okay lang po kayo?"napatingin ako kay Manong Jomar.

"O-opo!bakit manong?".

Napangiti siya at nasa kalsada lang ang mata.

Take a Chance on Me. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon