Kabanata X

21 1 0
                                    

Basty's Point of View

"Uy bro!Kanina ka pa tulala diyan! Naku! Iba na yan ano? Tinamaan kana ba ni kupido? Shiiiiing! Sapul!"

Binatukan ko nga!

"May pa shing-shing sapul ka pa diyan! Tigilan mo ko Ian!".

"E kasi naman bro, these past few days parang lagi kang tulala, parang di ka aware sa mga nangyayari sa paligid, saka wala nabang playtime with Andrea?"

Naiinis din talaga ako sa sarili ko ngayon 'di ko din maintindihan kung ano bang nangyayari sakin.

"May iniisip lang ako, tsaka playtime with Andrea? Man! Matagal ng tapos yun." Andrea is such a good girl ayoko naman siyang paglaruan o ano pa man nag usap narin kami and kahit playboy naman ako may puso parin naman ako.

"Sinabi mo e, tara tapos na kong mag lunch, see you later sa practice nalang".

Pag dating ko sa room hinanap ko agad si Sofia, pero wala siya and wala rin si Jeron? What the fuck. Tama ba yung hinala ko?

Palabas na sana ako ulit pero biglang dumating si Sofia and she's reading books again. Inagaw ko yun para makuha ang atensyon niya, this careless girl. Paano nalang kung mabangga siya.

"Ano ba! Papansin ka na naman ha!" Aba't tinarayan pa ako.

Lumapit ako sakanya at pinitik siya sa noo. Napakamot naman siya at susuntukin na sana ako pero pinigilan ko ang kamay niya.

"Ikaw Sofia, ang tigas... talaga ng ulo mo, diba sabi ko wag kang magbasa habang naglalakad at baka madapa kapa, lampa ka pa naman."

Sinamaan niya ako ng tingin at hinila bigla sakin yung libro.

"Tss! Okay so pwede na ba akong pumasok? Nakaharang ka sa pinto"

Sobrang maldita talaga niya, argh.

Dumiretso siya agad sa upuan niya.

5

4

3

2

1

...

Sakto! Dumating na si Jeron. Nagkikita ba talaga sila? Tama ba ang hinala ko?

Lumapit agad ako kay Sofia.

"Mag-usap tayo mamaya ah?".

Binitawan niya yung libro ng padabog.

"Lagi naman tayong nag uusap. Tss! Sige na..."

May red flag kaya 'tong babaeng to? Grabe ang PMS!
Ang sama pa makatingin ni Alvarez! Kaka asar, ang sarap basagin ng mukha!

--

"Basty, bilisan mo nga ang kupad kupad mo talaga!"

Tumakbo agad ako palabas ng room. Pasalamat siya wala ako sa mood makipag talo sakanya ngayon.

Ang bilis niya maglakad uwing uwi lang?

"Open the door, bilis" grabe yung topak niya? Ang sarap kurutin ng nguso niya ang haba, ano kayang problema ng malditang 'to.

Tumunog na ang alarm ng sasakyan ko at pumasok siya agad. Nagmadali rin akong pumasok,naka earphones na siya at naka pikit na nakasandal sa upuan.

Hinigit ko bigla yung isang earphone.

"Ano ba! Epal ka?" Naka taas ang kilay niya at naka kunot ang noo.

"Sungit mo naman" nilagay ko ang hintuturo ko sa noo niya, ang init! Nakakapaso yung init kaya nilagay konang buong palad ko sa noo niya. Pero tinapik niya yun bigla.

"Uwi na tayo, gusto ko ng mahiga" she said coldly and put back her earphones again.

She's sick.

Di ko na siya pinaki alaman hininaan ko ang aircon dahil mukhang nilalamig siya sobrang higpit ng yakap niya sa bag niya.

Tumigil ako sa harap ng drugstore, tinanong ko agad kung anong gamot kapag may fever, the pharmacist gave me paracetamol and she said the patient should take it every four hours until the fever is gone she gave me also cool fever which should put on forehead.

Okay, wala akong kaalam alam sa mga ganito. Pag balik ko tulog parin siya at may konting butil ng pawis sa noo niya kaya pinunasan ko.

Ang lalim ng pikit niya at paminsan ay kumukunot ang noo niya. Nakarating na kami sa bahay nila pero tulog parin siya.

"San ka ba kasi galing?" I whispered.

"Hmmm". Nilayo ko agad ang mukha ko sakanya sakto namang dumilat siya at napahawak sa sintido niya.

"Ah... ang sakit ng ulo ko". Iginala niya ang mata niya.

"Kanina pa tayo nandito?" Umiling ako at tinanggal ko ang seatbelt niya. Kinuha ko ang bag niya.

"Wait here, ibibigay ko muna yung gamit mo kay Manang, sandali lang ako". Hindi na siya sumagot at ipinikit ulit ang mata niya.

Naabutan ko si Manang na nagwawalis at ini abot ko ang gamit niya.
Tumakbo ako pabalik at binuksan ang pintuan niya.

"Sakay kana sa likod ko" di na siya tumutol o ano pa man, mukhang masama talaga ang pakiramdam niya. Sobrang init niya, pwede na yatang maglaga ng itlog sa kili kili nito, o kaya mag prito ng itlog sa noo.

"Oh? Anong nangyari sa alaga ko?" Dali daling binuksan ni Manang ang pinto ng makita kami.

"Di ko din po alam manang, aakyat ko na po siya sa kwarto niya para makapag pahinga na siya."

Umakyat na ako sa hagdan, hindi naman ako nahirapan dahil di naman siya ganoon kabigat.
Ang linis ng kwarto niya, gray and white is her favorite color sobrang sinisigaw yun ng kwarto niya even her furnitures, so as the pillows and bedsheet.

Inilapag ko na siya sa kama niya at tinanggal ko ka agad ang sapatos niya at medyas. Paalis na sana ako para balikan yung mga binili ko sa drugstore nang bigla niyang hilahin ang laylayan ng damit ko.

"Please... stay" she look straight to my eyes.

Tinanggal ko ang kamay niya at kinumutan ko siya.

"I won't go anywhere Sofia, I'll be back okay?" Tumango lang siya at tumagilid na patalikod sa akin.

Bumaba ka agad ako at nakasalubong ko si Manang na may dala dalang bowl with water and towel.

"Pupunasan ko lang ang batang yun, pasaway talaga at nagkasakit".

"Ako na pong magdadala manang" kinuha ko yun at hinatid siya sa kwarto ni Fia, malalim ang pikit niya.
Ano kaya ang ginawa niya at nakit siya nag kasakit.

"Manang may kukunin lang po ako sa sasakyan ko".

"Sige iho, papalitan ko rin siya ng damit". Nag umpisa na siyang punasan ito.

"Sige po babalik nalang po ako maya maya".

Sinarado ko ang pintuan. Agad akong pumunta sa sasakyan at kinuha ang mga pinamili ko kanina.

"Basty.. " napatigil ako at lumingon.

Para akong napako sa kinatatayuan ko.

"Kumusta?" Hindi parin ako nakasagot. Am I seeing things?

Lumapit pa siya sakin at inakbayan ako.

"Hoy! Para ka namang nakakita ng multo diyan". And there I confirmed that he's real.

"Kuya Sky..."

Take a Chance on Me. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon