Chapter 9

11.7K 248 5
                                    




Chapter 9: Diamond Star


-

-

-


"Senyorita, may gusto pa po ba kayong dalhin?" tanong ni Delia na anak ni Nana Sienna.


"Yung mga rice, okay na ba?" She asked.


Delia nodded as a reply. "Nandiyan na po yung pitong kaldero ng kanin."


Dadalhan niya ng tanghalian sina Greg at ang mga magsasaka nila, paggising kasi niya kanina ay wala na si Greg sa tabi niya. Sabi ng mga kasamabahay ay nagmamadali itong umalis para tunguhin ang rancho at hindi daw ito nag-almusal.


"How about the pork and beefs and yung mga grilled fish?"


"Andito na rin po ang mga ihaw. Pati po ang melon at ang prutas na panghimagas nila."


"Yung grahams?" She asked.


"Nandiyan na rin po, Senyorita, pati po ang mga soft drinks atsaka and malamig na tubig."


"Di'ba mayroon namang malaking kubo do'n?" She asked. Sa sobrang tagal na niyang hindi napapagawi sa Palace ay hindi niya na alam kung nanatili ba ang mga naiwan niya dito.


"Pinabago na po ni Senorito yun, Senorita. Ginawa na pong isang malaking sementadong lugar ang lugar ng dating bahay kubo." Sagot nito.


"Okay, tell Ginoong Juan to fetch me." Sabi niya at tinignaan ang mga pagkain na nasa lamesa. "Pakisabihan din sila Nana Sienna na dalhin sa sasakyan ang mga pagkain."


"Opo, senyorita." Delia said and walked out to call Ginoong Juan.


She crossed her arms while waiting.

-

Nag-uusap si Greg at si Mang July na isa sa mga magsasaka nila sa may isang malawak na sementadong shed.


"Senyorito, mataba po ang lupa nang palayan natin kaya wala pong problema at hindi po tayo mahihirapan pag nagkataon." Mang July told Greg.


"Mabuti kung ganoon. Eh sa pond po ba kamusta ho?" Sabi ni Greg.


"Nanganak na po ang ibang alaga nating isda at maganda rin po ang huli ng mga mangingisda natin, Senorito." Tugon ni Mang July.


"Napansin ko pong hindi maganda ang feedback ng mga magsasaka ng buko." Sabi ni Greg at lumagok ng tubig.


"Nagmahal po kasi ang buko at ganoon din po sa sibuyas at bawang kung kaya't hindi po ito masyadong gustong kunin ng mga taga palengke sa bayan."


Greg nodded for knowing.


"Hindi ho ba si Senyorita iyang parating?" Sabi ni Mang July at may itinuro sa may likuran niya, nagtinginan din ang ibang mga magsasaka sa itinuro nito.


He looked to where Mang July was pointing. Nakita niya ang asawa niyang nakasuot ng isang sandals at puting dress na may suot na beaching hat na may puting ribbon.


Napangiti siya nang makita ito. Nabawasan ang pagod na naramdaman niya. May kasama ang asawa na dalawang kasambahay at dalawang butlers at may mga bitbit itong Tupperware at plastics.


"Ang ganda ni Senyorita." Kumikinang ang mga mata ni Jordan habang pinupuri si Patrice na naglalakad papalapit sakanila.


Hinarap ni Mang July si Jordan. "Anak, manahimik ka nga diyan at nakakahiya kay Senyorito."


Married To A Multi-Billionaire #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon