Chapter 8

11.1K 265 8
                                    

Chapter 8: Patrice Is A Sweet Person


-

-

-


Nagising si Greg sa sobrang sakit ng ulo niya. Hindi niya masyadong matandaan ang mga nangyari kagabi dahil ang natatandaan lang niya ay pumunta siya sa bahay ni Mang Rigor para makidalo sa handaan ng mga ito dahil debut ng anak nitong dalaga.


Nag-pahanda siya ng tatlong letsong baboy bilang regalo dahil matagal na rin itong nagta-trabaho sa pamilya ng kanyang asawa at bago pa siya ang maging tagapamahala ng rancho ay ito na ang naging ama ng mga magsasaka sa rancho.


He leaned his back on the headrest of the bed and massages his temple. He roamed his sight around and right there, he realized that he was on the guest room.


Nang makaramdam ng ginhawa ay dumiretso siya sa konektadong shower room para mag-shower, mabuti nalang at lahat ng shower room ng mansiyon ay mayroong bath-robe at mga sabon, mayroon ding extrang mga toothbrush para sa mga bisita.


Nang matapos siyang maligo ay ginamit niya ang bath-robe na nasa bathroom at umakyat sa grand staircase upang kumuha nang masusuot sa kanyang walk-in closet. Napansin niyang wala masyadong kasambahay at palagay niya'y nasa labas ito at naglilinis ng hardin.


Nang mapadaan siya sa kwarto ni Patrice ay nakita niyang naka bukas ang pinto nito, sumilip siya at nakita niyang walang tao sa loob. Hindi niya napigilang pumasok sa loob.


Napatingin siya sa kama nito.


She's so girly. He thought with a smile on his lips.


Her bed sheet was red-violet and the design was floral. Sinundan naman nun ay binuksan niya ang drawer na katapat ng queen size bed at patungan ng 40' inches flat-screen television.


May mga boxes doon at sa tingin niya'y lalagyan iyon ng mga alahas ng asawa.


Pumasok din siya sa banyo ng asawa. Napasinghap siya. Para kasing nakita niya si Patrice na nasa loob ng isang blurred glass kung saan naroon ang shower at punong-puno ng sabon ang katawan nito.


He shook his head from that thought. Parang nababaliw na siya dahil kung anu-ano na ang naiisip niya.


He decided to way out and moved to his walk-in closet. Pagpasok niya roon ay kumuha siya ng isang Lacoste na polo shirt at above knee shorts na Adidas, nang matapos na siya magbihis ay nalagay siya ng isang panlalaking pabango at bumaba na sa dining area para mag almusal pero napahinto siya sa pagpasok ng makitang nakikipagkwentuhan si Patrice kay Manang Gigi, isa sa mga kasambahay. Nakatalikod si Patrice kaya hindi siya napansin nito.


Nakaramdam siya ng kirot sa puso. Naalala nanaman niya kung paano siya ipagtabuyan nito kahapon ng ayain niya itong mag-almusal.


Imbes na kumain ay pinili nalang niya na kumuha ng isang basong gatas sa fridge.


Hindi niya tinapunan ng tingin ang mga ito.


"Saan ka pupunta, Greg?" Tanong ni Manang Gigi sakanya.


"Sa rancho po." Matipid na sagot ni Greg at nagsalin ulit ng gatas sa baso at nilagok itong muli.


"Aren't you going to eat your breakfast?"


Nagulat siya ng si Patrice ang magsalita. Kahit hindi niya tignan para malaman kung si Patrice ang nagsalita ay sigurado siya na ang asawa niya ang nagsalita.


Married To A Multi-Billionaire #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon