Sheena's Pov
Mataman kong pinagmasdan ang tanawin na iyon sa labas ng bintana. Isang inang ibon ang dumapo sa sanga ng puno at ibinigay sa mga naghihintay na supling nito ang dalang insekto. Kung pagmamasdan ay isang napakagandang tanawin. Nagpapakita ng pagmamahal ng isang ina sa kanyang mga anak. Ngunit ang atensyon ko ay nasa insekto, kung gaano siguro kahirap ang pinagdaraanan nito ng mga sandaling iyon. Ang pakiramdam ng mamatay ng walang kalaban laban.
Suguro ganito talaga ang buhay. Ang mga mas malakas ang nananalo at ang mga mahihina ay basta basta nalang nawawala sa mundong ibabaw ng walang kalaban laban. Survival of the fittest kung baga.
"Siguro kailangan mo na ng life jacket no?"
Nagulat ako sa sinabing iyon ni Ivy na hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala. Nakaibabaw ang dalawa niyang siko sa desk ko at sinasalo ng dalawang kamay niya ang ulo niya.
"At bakit naman?" tanong ko.
"Ang lalim kasi ng iniisip mo. Baka malunod ka," saad niya.
Malakas kong tinampal ang noo niya.>:-P
"Sira!"
"Ouch!" sabay himas sa nasaktang noo. "Oo nga pala...tsarann!!!"
May kinuha siyang tinapay sa bulsa.
"Oh. Anu naman yan?"
"Tinapay."
"Nung gagawin ko dyan?"
"Subukan mong inumin baka pwede. -_-"
"Tsh. Sino naman may sabi sayong bilhan mo ko nito?" tanong ko.
"Wala lang. Di ka na naman kasi sumama kaninang reces."
Tiningnan ko siya.
"Alam ko. Tss," sabay pat ng ulo ko.
Alam niya kasing ayokong sumasama o nakikisabay kahit kanino. Ang totoo...siya lang ang kaibigan ko.
"Sige na," aniya at bumalik na sa dati niyang upuan.
Tahimik, parating malalim ang iniisip, nakatingin sa malayo. Walang ibang alam gawin kundi magbasa, makinig sa lessons, matulog at makinig ng music minsan. Ganito ako sa klase namin. Maraming nagsasabi na loner daw ako. Siguro nga oo. Pero mas gusto ko ang ganito. Sanay na ako sa ganito. Mas madali ang buhay. Walang hassle. Si Ivy lang naman talaga ang nagiisang pasaway sa buhay ko. At kung paano kami naging magkaibigan ay di ko rin ginusto.
Fourth year section A ang klase namin. Pero hindi lahat sa amin matatalino. Ganito naman sa school namin. Walang sinusunod na sistema. Bahala na kung sino ang mapupunta sa A, B at C. Marahil ay paraan iyon ng school para maipakita ang pagkapantay pantay ng mga estudyante at maiwasan ang diskriminasyon. Tsk. kung alam lang nila.
"Magsitigil nga kayo! Ano ba? Ang iingay niyo ha?"
Halos maputol na ang mga ugat sa leeg ng class president naming si Ramie dahil sa kakasaway sa mga kaklase namin na sobrang ingay. Nakatayo siya sa harap at paulit ulit na pinupokpok ang teacher's desk na mas nakakadagdag lamang sa ingay ng buong klase. Pero kahit anong gawin niya ay wala ni isang nakikinig sa kanya. Sa totoo lang ay wala naman talaga siyang pakialam sa amin. Ang ayaw niya lang ay pumangit ang imahe niya sa mga teachers lalo na sa adviser namin.

BINABASA MO ANG
Suicide Murders
Mystery / ThrillerSome sinners do not deserve to be forgiven ... It's pay back time ... Are you ready to kill yourself?