Chapter 4

42 0 0
                                    

Sheena's Pov

Sobrang lakas ng ulan kaya nastranded ako sa may waiting shed sa labas ng school namin. Halos mag tatatlong oras na akong naroon at kanina pa naunang umuwi si Ivy. Ang malala pa ay heavy traffic din.

I was feeling impatient at sa isang katulad kong claustropobic, staying in one place for a long time was definitely a no no. Buti na lang at nakalagpas na ko sa stage na yun. Noong nagsisimula palang kasi ang phobia ko ay mas malala ang kondisyon ko. Hindi ako makastay sa iisang lugar for fear of no escape. Katulad ng pagpila ng matagal sa canteen, traffic at iba pa.

Buti nalang at nakatulong sa akiin ang theraphy na ginagawa ng Psychologist ko. Minsan nags-self theraphy din ako para mas mapadali ang pag galing ko.

"Sheena ok lang yan. Makakaalis ka din. Ok lang yan," paulit ulit na bulong ko.

"Ehem...Err...."

Naalis sa pagkakapagkit sa paanan ko ang tingin ko at nilingon ang pinagmulan ng tinig na iyon.

Si Arvin. Isa sa mga kaklase ko.

Inilibot ko ang tingin ko. Kaming dalawa nalang pala ang naroon. Ni hindi ko napansin na naroon din siya.

Tumango lang ako at muling ibinalik ang tingin sa paanan ko.

"Ah. Di ka rin nagdala ng-"

Natigil siya sa sasabihin ng makitang kinuha ko ang payong ko sa bag at binuksan iyon. Nakita ko na kasi ang bus na sasakyan ko.

Tinanguan ko lang siya at pumunta na sa may bus pero nasa pinto na ako nun nang mapatigil ako. Sinilip ko ang loob at umiling sa driver bago muling bumalik sa waiting shed.

"Bat di ka sumakay?"

"Puno na."

Ang totoo ay may bakanteng upuan pa Kaya lang natakot ako. Blame it to my phobia.

We waited in silence. Well, that lasted for about three minutes bago siya muling nagsalita.

"Have you ever noticed?"

I threw him a questioning look.

"...Na lagi tayong nagkakasabay ng ganito tuwing uwian."

"Oh..."

Tumawa siya.

"I knew it. Ganyan ka ba talaga?" tanong niya.

Hinintay ko lang ang sasabihin niya.

"Lagi ka lang nakatulala. Tapos kinakausap mo sa room si Ivy lang. Di ka ba nababagot magisa?"

Ano bang gusto niyang iparating?

"What I mean is...ba't di mo subukan makipaghalubilo sa iba. Ang alam ko kasi classmates mo sina Ramie since first year. Nag-,'

"Para saan pa?"

"Huh?"

"Malapit na tayong grumaduate. Para saan pa kung ngayon ako makikipaglapit sa kanila?" tanong ko.

"So you mean gusto mong makalimutan ka nalang ng lahat pagkatapos ng high school?"

Nagkibit balikat lang ako

"Wow ayos din ang trip mo ah. Sigurado ka dyan sa sinasabi mong yan? Ikaw din baka nagsisi ka."

"Bakit?"

"High school could be so much fun if you only know how to live it. Hindi pa huli ang lahat. May isang taon pa tayo."

He make it sound so easy.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 01, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Suicide MurdersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon